{Part-6}
Gabi na at naka-upo parin ako sa study table ko. Umuulan ngayon ng malakas, dahil may paparating na bagyo bukas kaya walang pasok. Kitang kita sa glass window ko ang dilim ng paligid, hindi lang ito dulot ng gabi ngunit walang mga buwan at mga bituin sa kalawakan. Napatingin ako sa pinto ng may narinig akong ingay mula sa labas. Hindi ko na lamang ito pinansin, dahil baka si papa lang yun, dahil sabi ni mama uuwi na si papa. Napatingin ako ulit sa pinto ng may gustong pumasok.
"Ma?" saad ko pero walang sumagot
"Pa?" saad ko ulit, pero walang sumagot, ngunit patuloy parin ang pag galaw ng door-nob. Unti-unti akong lumapit sa pinto,nakaramdam ako ng kaba at hindi maipaliwanag na lamig. Hanggang sa mahawakan ko na ang door-knob. " Ate mira" nanlaki ang mata ko ng marinig si Mitch sa labas. Bubukasan ko sana ito, ng mag salita siya ulit."Buksan mo to!!!" napahakbang ako paatras ng nag-iba ang kaniyang boses, halos hindi ko ito makilala. Mas lalo pa kung nagulat ng mag simula niyang kalabugin ang pinto. "Mama!!!, papa!!!" sigaw ko sa kanila, pero hindi sila nag salita. Patuloy kinalabog ni mitch ang pinto, hanggang sa tumigil ito. "Ate, sabi mo tutulungan mo ako" bumalik ang tunay na boses ni mitch, at nag simula na siyang umiyak. Hindi na rin maawat ang pag kabog ng puso ko, hindi ako sinasagot ni mama at papa, wala ng mag liligtas sa akin. Makalipas lang ng ilang minuto dahan dahan ng humuhina na ang pag iyak ni mitch.
Ilang minuto ang lumipas,wala ng ring nag salita. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan, at dahan dahang binuksan ang pinto. Wala na si mitch. Sinarado ko na ang pinto.
Halos mawalan ako ng balanse dahil sa gulat, nasa harapan ko na siya ngayon!!! Sinubukan kung buksan ang pinto, pero hindi ko na ito mabuksan!! "Bakit ate saan ka pupunta?" naka-ngising sabi ni mitch, punong-puno ng dugo ang kaniyang damit at may pulang usok na din ang naka-paligid sa kaniya. "May kaibigan po akong dinala para sa inyo" patuloy ni mitch sa malambing na boses. Hindi naman matigil sa panginginig ang kamay ko.
"Kuya!" tawag ni mitch, "Mirabelle" napalingon ako sa tabi ni mitch, napatakip ako ng bibig ng makita si white smoke ghost, "White smoke ghost!!" tawag ko, kasabay nun ay kumulog ng malakas, "Op-op-op, red smoke ghost" pang correct ni mitch, nakatingin lang ako sa mga mata niya, wala na ang white smoke ghost na pinangakuan akong pro-protektahan at di ako iiwan.
"Nangako ka!" sabi ko kay white smoke ghost, hanggang sa namalayan ko na lang ang dumadaloy na tubig sa pisngi ko. "Sa-sabi mo dimo ko iiwan, dimo ko pababayaan, pro-protektahan mo ako!!" patuloy ko ng hindi ko na mapigilan ang umiyak. Sobrang nasiyahan ako sa mga sinabi niya at pinangako, pero sa isang iglap mawawala na lamang ito. "Huwag kang mag-alala isusunod na kita" saad ni white smoke ghost, 'tsaka mabilis na pumunta sa akin, at sinakal ako. "W-white smo-smoke gho-ghost bi-bitawan mo k-ko" pag mamaka-awa ko, pero hindi siya nakinig, hinawakan ko rin ang kamay niya, dahil hindi nako makahinga.
"MIRA!!" napabangon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si mama at papa, hinahabol ko na rin ang aking hininga. Habang patuloy ang pag daloy ng pawis sa noo at buong katawan ko. Tinignan ko ang paligid, panaginip ang lahat!!!
"Ayos ka lang ba anak?" nag aalalang sabi ni papa, hindi ako maka pag salita dahil sa sobrang pagod sa nangyari, patuloy pa rin ang pag-ulan, hanggang sa naalala ko na ang nangyari kanina. Matapos kung makita ang binuong salita ng puting usok ay nahimatay ako.
"Anak binabangungut ka, may problema ka ba? Nahimatay ka na lang kanina" tanong ni mama, hindi ako maka pag salita, hindi ko alam ang gagawin. Pano kung naging red smoke ghost siya? Ano na gagawin ko? "Anak!" natauhan ako ng mag salita si papa. "Po? Ayos lang po ako, na-na bangungut lang po"
"Mag-palit ka muna, at basang- basa ka na sa pawis" napatango ako sa sabi ni mama. "Ma pano niyo nalaman na binabangungot ako?" nagtataka kung tanong. Nagkatinginan naman si mama at papa, sa tingin ko ay hating gabi na. "Ahh may nahulog sa baba anak, at narinig namin na sumisigaw ka, kaya pumunta kame dito" saad ni papa, napatango na lang ako, Hindi ko alam pero parang may problema. Parang may tinatago sila sa akin.
BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...