{Part-7}
Tahimik kaming nag-lalakad ni white smoke ghost ngayon papunta sa school. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya sa kaniya. Hanggang sa nag salita siya. "Kumusta?" napalunok ako, ano ba dapat isagot ko? Ok lang? Medyo malungkot? Na miss kita---wait no way highway, ano bang pumapasok na kalokohan sa utak ko!
"Ahh ok naman" napatingin ako sa kabilang banda at napa pikit. Bakit ba 'to nangyayari sakin? Ilang weeks lang naman siya nawala. "Ayos ka lang ba?" tanong niya ulit, bat ba pala tanong na siya ngayon? Concern ba siya sa akin sa mga nangyari? Napatingin ako sa kaniya, at nakatingin din siya! agad kaming umiwas ng tingin sa isa't-isa na para bang hindi namin inaasahan na magsasalubong ang aming tingin. "Ha?A-ahh oo" sagot ko, napa paypay din ako sa aking sarili dahil nakaramdam ako ng init kahit naman hindi masyadong matirik ang araw. Ilang minuto ay wala ng nag-salita. Wala rin akong masabi, dahil nahihiya ako! At hindi ko rin alam kung bakit, iba ata epekto ng pagkawala niya. Parang nahihiya na kame sa isa't-isa ngayon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may pamilyar na sasakyang tumigil sa tapat ko. Si Jayden? "Mira halikana" saad niya habang naka-silip sa bintana. Gusto kong tignan si white smoke ghost pero hindi ko kaya! Bago pa ko mag salita, nag salita si white smoke ghost.
"Sumabay ka na sa kaniya" seryoso niyang sabi. "Wala namang red smoke ghost na nakapaligid sayo, babalikan na lang kita mamaya" patuloy niya at tuluyan ng nag-laho. Nag lakad naman ako papunta sa sasakyan ni Jayden 'tsaka sumakay. Gusto sanang sabayan ako ni White smoke ghost pero sobrang nahihiya din ako, kaya sakto din itong pag sulpot ni Jayden.Habang papa-alis na kami, nadaanan namin ang building kung saan doon ako pumunta kagabi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti, at kasabay nun na-alala ko ang nangyari kagabi.
"Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" gulat akong napamulat ng mata ng may mag salita. Nagulat ako ng makilala ang isang lalaking nakatalikod, nawala na rin ang mga usok. Napangiti ako dahil nakilala ko na kung sino yun.
Tumingin siya sa akin ng may ngiti sa labi. Nagkatitigan kami, habang naka ngiti kame pareho na parang isang taon ng hindi nagkikita. Dahan dahan siyang lumapit sa akin, at hindi ina-alis ang tingin niya, marahan namang pumintig ang aking puso dahil sa paglapit niya, dahil na rin siguro sa matagal naming hindi nakita ang isa't-isa, hindi ko rin aakalain na andito na siya ngayon.
"Akala ko iniwan mo na'ko" at nagawa ko na ring mag-salita, at pilit na pinipigilan ang pagluha. "Diba nangako ako sayo, na pro-protektahan kita kahit anong mangyari?" tanong niya, napatango naman ako habang hindi ko na mapigilan ang aking ngiti na parang baliw. Siguro ay masaya lang ako dahil alam kong andito na uli siya para protektahan kami.
Gusto ko ring mag stay muna doon, pero baka hanapin ako ni mama, kaya sabay kaming umuwi. Dumaan din ako sa mercury drug store, at dating gawe hindi na galit si mama, dahil sa palusot ko. Halos ika-punit ng mukha ko ang ngiti sa aking labi, hindi naman kami nag usap ni white smoke ghost, dahil maaga pa'ko bukas. Nag bantay rin siya sa labas. Habang panatag akong nakahiga at walang bahid na pag aalala dahil alam kong anjan siya para sa amin at gagawin niya ang lahat. Bigla kong naalala kung paano niya kalabanin ang red smoke ghost noon, ang mga suntok at pagsipa niya sa kalaban at talagang kahanga-hanga. Ang sarap sa pakiramdam kung alam mong may isang tao na iaalay ang kaniyang buhay para lang maligtas ka.

BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Novela JuvenilMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...