PART-10

14 6 0
                                    

{Part-10}

"Ahh mira mabibitawan na kita" naka ngiting sabi ni Wayde dahilan para matauhan ako at mapaayos ng tayo, at nagsimula na kong maglakad kahit pa hindi ko naman alam ang pupuntahan namin, pero hinahayaan ko lang ang lahat, ang paglakad namin ng mabagal, ang katahimikan naming dalawa, at ang sabay naming paglakad na tila pa ang mga katawan namin ang nag-uusap.
Ilang minuto walang nag salita sa amin, bakit niya Pala ako nahawakan? Sandali ko siyang tinignan at nakayuko lang siya.

"Mira"
"Wayde"

Sabay naming sabi, napakagat ako sa ibaba king labi, ano ba itong nangyayari sa amin? Napahinga ako ng malalim bago mag salita.
"Pano mo ko nahawakan kanina?" nagtataka kong tanong, ehh hindi naman siya mukhang naki pag-laban hindi naman siya mukhang nanghihina. Ngumiti lang siya ng malaki, "Tinuruan ako ni Azalea, at kaya ako na late na puntahan ka" napa-iwas ako ng tingin sabay tango, mag kasama pala sila. Habang nababanggit niya ang pangalan ni Azalea ay paulit-ulit na naglalaro sa akin ang mga sinabi niya "Tara na?" napatingin ako sa kaniya, at hindi parin mawala ang ngiti niya sa labi. Pero pag kasama ko siya nakakalimutan ko din ang lahat ng mga sinabi niya at patuloy pa din ang paghanga ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil ganito ako sa kaniya, nasasaktan na'ko pero pilit ko pa ding winawaksi ang lahat pag nariyan siya.

"Bakit tayo nandito?" saad ko habang tinitignan ang isang building na minsan na naming na puntahan. "Basta halikana" sinundan ko siya ng tingin habang papasok sa loob ng building, hindi na niya kailangan buksan ang pinto dahil multo naman siya. Natauhan ako ng ilabas niya ang ulo niya. "Mira"

"Ah oo" saad ko at pumasok na ako sa loob. "Hindi ba tayo mag e-elevator?" napailang siya sabay ngiti, bakit ba kase nakahiligan na niyang ngumiti ng ganun, nakakainis. "Hindi gumagana yang elevator, kaya maglalakad ka. Bubuhatin sana kita kaso mabigat ka" napakunot ako sa sinabi niya, ang mabigat eh hindi naman ako mataba, katamtaman lang ang katawan ko. "Joke lang baka mainis na jan" tinignan ko lang siya ng masama dahil sa mga pinagsasabi niya. "Halikana, kailangan mo ding mag exercise" patuloy niya at nagawa niya pang ikilos ang mga paa at kamay niya na parang mag j-jogging na. Napahinga naman ako ng malalim at nagsimulang maglakad. Nakainis dahil lumulutang lang siya habang ako ay nahihirapan ng maglakad. "Teka, pagod na'ko" saad ko sabay tigil, nasa seventh floor na kame kung hindi ako nagkakamali. "Hindi natin maabutan yung sunset kung titigil ka" napatingin ako sa kaniya, siya pa talaga tong nagre-reklamo ngayon. "Kung gusto mo, mauna ka na dahil pagod na'ko. Pwede naman kaseng sa bahay na lang tayo mag-usap eh" reklamo ko sabay upo sa hagdan. Ewan ko ba sa multong 'to ang daming alam, hindi naman ganito ang mga multong tinutulungan ko noon tsk. Napansin kong hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya, nagtaka ako ng makita kong nakapikit siya, teka naiinis na ba siya sa akin? "Magpapahinga lang ako konti, tsaka may ten minutes pa bago mag sunset. Tatakbo na lang ako mamaya---" hindi ko na yun natuloy dahil bigla siyang lumapit sa akin at bigla niya akong binuhat!!

Magsasalita pa sana ako ng magsalita siya. "Bubuhatin na lang kita para hindi ka mapagod" nagsimula na siyang maglakad. "Pero manghihina ka, hindi ba" nakayuko lang ako ngayon dahil sa hiya, hindi ko rin siyang magawang tignan. "Marami naman akong naipon na lakas kaya huwag ka ng mag-alala jan" napanatag ako dahil sa sinabi niya. Ayoko ng maglaho siya ulit at iwan kame. "Pasensya na dahil dito ko gustong pumunta. Ang ganda kase ng tanawin dito." paliwanag niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya saglit pero binawi ko ito ng maramdaman kong kumabog na naman ang aking puso, napapikit din ako at pilit itong pinapakalma. Abandonado na din kase ang building na ito nasa tingin ko ay apartment noon. "Gustong-gusto ko kaseng pinapanood na lumubog ang araw" patuloy niya dahilan para mapatingin na ako sa kaniya. Naalala ko yung usapan naman noon tungkol sa araw at buwan. Hindi rin ako magtataka kung paborito niya din ang buwan kagaya ko. "Mas gusto ko naman ang pagsikat ng araw, sumisimbolo ito ng bagong pag-asa at bagong pagkakataon na maitama lahat ng mali natin sa mga nakaraang araw" napatango siya sabay ngiti dahilan para mapangiti din ako. "Sumisimbolo naman ang sunset na dapat kailangan nating pagpaalam." napaiwas kaming dalawa dahil sa sinabi ko, napatitig ako sa reflection ko sa malaking salamin na nadadaanan namin dahil lumulutang ako ngayon. "Pero hindi lahat ng goodbye's ay malungkot hindi ba?" napatingin ako ulit sa kaniya at nagtaka dahil malungkot ang mag paalam lalo na sa importante sayo. "Karamihan ay naniniwalang hindi maganda ang pagpapaalam, nagdadala lang ito ng kalungkutan sa ating buhay. Pero hindi nila napapansin ang magandang side nito" mabagal ang paglakad niya at parang wala na siyang pakialam kung hindi namin maabutan ang sunset. "Katulad ng sunset ay dapat nating kalimutan ang mga hindi magandang nangyari sa atin. Kailangan nating mag move on sa mga bagay na iyon. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagpapaalam. Tungkol naman sa pagpapaalam sa importanteng tao sa atin..." napatigil siya sa pagsasalita at napatigil siya sa paglakad at nakatuon lang ang tingin niya sa akin. "Hindi ganun kahirap at kalungkot ang pagpapaalam sa kanila kung talagang importante at mahal mo sila. Kung alam mong nakabubuti ang pag-alis mo sa kanilang buhay ay masaya kang magpapaalam. Kung pilit mong tinutulak ang iyong sarili sa kanila dahil ayaw mong magpaalam ay makasarili kana dahil iniisip mo lang ang iyong kapakanan. Hindi na importante sayo kung masaktan sila basta't hindi ka masaktan." dahan-dahan niya akong ibinababa pero hindi kame umiwas sa tingin naming dalawa. Tila iminulat niya ang aking bulag na mga mata dahil isa ako sa mga taong ayaw magpaalam.

THE WHITE SMOKE GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon