{Part-9}
Naglalakad ako sa kalagitnaan ng kabi. Umuulan ng malakas at tila ba nakikisama ito sa aking nararamdaman, ang lakas ng ihip ng hangin ang nagtutulak sa akin upang bilisan ko ang aking pagtakbo. Walang tigil din ang pag bagsak ng aking mga luha, marami ng naglalaro sa isip ko ng kung ano-ano. Na-aksidente si Papa, wala rin si Mama dahil pumunta siya sa Tita ko sa bulacan. Wala ring sasakyan na dumadaan dahil malalim na ang gabi.
Mag-isa akong naghihintay sa bahay kanina, nasa salas ako ng marinig ko ang telepono. Mabilis ko itong kinuha at sinagot. Mabilis akong tumakbo sa labas ng sabihin sa akin ng isang nurse na na-aksidente si Papa.
Umiindap-indap ang mga street lights, wala parin tigil ang ulan. Dahilan para hindi ko na makita ang dinadaanan ko napatigil ako sa hindi ko malaman kung nasaan na ba ako. Nanlaki ang aking mga mata ng may ilaw na papalapit sa akin. Nasa gitna na pala ako ng kalsada!! Sinubukan kong pumunta sa gilid ng kalsada pero sa hindi malamang dahilan sumunod sa akin ang truck!. Napapikit ako at niyakap ang aking sarili, dahil ba'to sa magkahalong lamig at takot?
Nakarinig ako ng malakas na banggaan, unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Tumayo ang lahat ng aking balahibo ng makita ang isang kotse at truck na nagbanggaan. Aalis na sana ako ng makita ang isang lalaki, hindi ko rin maanigan ng mabuti ang kaniyang mukha, dahil sa lakas ng ulan. Napa-atras ako muli ng makita ang driver ng truck, duguan ito at masasabi kong wala na itong buhay.
Napatakbo ako ng mabilis, nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil sa nangyari, napatigil ako, gusto kong bumalik ngunit may kung anong pumipigil sa akin. Hanggang sa nanghina na ang aking tuhod at unti-unting nawalan ng malay.
Nagising ako ng maramdaman ko ang lamig sa aking kamay. Tinignan ko ang aking kamay ng makita ang kamay ni Wayde, nakayuko ito at naka-pikit ang kaniyang mga mata. Napatitig ako sa kaniya ng ilang minuto, dahil hanggang ngayon ay naka-pikit parin ito. Nakaramdam ako ng lungkot at hindi ko rin malaman kung bakit.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot tuwing nariyan siya lalo na pag ganito ang sitwasyon namin.Minulat na niya ang kaniyang mga mata, at ngumiti ng kaunti. "Mira, gising ka na" saad niya, habang nakangiti sa akin. "Ilang araw kaming nag-hintay dito, kasama ko si Azalea" napatingin ako kay Azalea ng lumapit siya na may ngiti sa labi. Sinubukan kong ngumiti ng kaunti, ngunit hindi ko alam kung ang ngiting aking pinakawalan ay nagsilbing takip sa tunay kong nararamdaman. "Anong nararamdaman mo ngayon? May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Wayde dahilan para mapatingin ako sa kaniya ng ilang minuto. Tunay kayang nag-aalala siya? dahil isa lang akong misyon niya. Kung natuluyan ba ako maglalaho din siya? o magbabantay ng ibang tao? Iyan ang mga samutsaring katanungan sa aking isipan, pero pinili kong umilang. Napayuko naman siya at binitawan ang aking kamay, ako naman ngayon ang nakatingin sa aking kamay ngayon na mas malamig kumapara kaninang hawak-hawak niya ito. "Buti na lang at na daplisan ka lang ng bala at hindi tumama talaga sayo." muli akong napalingon sa kaniya. Ang akala ko rin ay natamaan na 'ko ng bala. "Huwag ka ng magkaganiyan" saad ko dahilan para mapatingin siya sa aking mga mata. Hindi ko masabing huwag na siya malungkot dahil hindi ko alam kung nalulungkot talaga siya para sa akin. "Maayos na'ko" patuloy ko at sinubukang ngumiti, ngumiti din siya pabalik.

BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...