{Part-4}
Napalingon-lingon ako sa paligid hanggang sa nakita ko na siya. Hindi ko na namalayan na naglalakad na pala ako papalapit sa kaniya "Kumusta ka na mirabelle?" tanong niya dahilan para magulat ako pero wala akong naramdamang takot sa aking puso. "Paano mo alam ang pangalan ko?" tanong ko pabalik, "Dahil halos isang taon nakitang binabantayan" sagot niya na mas ikinagulat ko isang taon?!! Anong ibig niyang sabihin?
"Binabantayan? Isang taon? Pero pano?Bakit hindi kita nakikita, multo ka rin naman diba?" sunod sunod kung tanong "Oo na hindi" mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya, nakakangalay na rin ang tumingin sa kaniya ang tangkad niya kase "Oo dahil.." saad niya at bigla niyang hinawakan niya yung pisngi ko, na istattwa naman ako sa ginawa niya. "Dahil hindi kita nahahawakan" dagdag niya kahit hindi niya ako nahawakan ramdam ko yung lamig ng kamay niya. "At hindi dahil kaya kung hindi magpakita sayo at sa mga normal na multo at misyon kung protektahan ka" patuloy niya habang naka tingin ng diretcho sa mga mata ko. "Kaya sundin mo lahat ng sasabihin ko huwag kang pasaway" dagdag niya dahilan para mapakunot ako, ako pasaway?.
"Halikana" sabi pa niya "Bakit? saan mo ko dadalhin?" tanong ko, huwag niyang sabihing na dapat sa bahay nila ako tumira "Edi sa bahay niyo, gusto ko ng magpahinga" napanganga ako sa sinabi niya wait sa bahay? seryoso ba siya? "Anong gagawin mo sa bahay?" tanong ko ulit. "Magpapahinga syempre. Kaya tara na" pagpilit niya 'tsaka naglakad, kaya mabilis ko siyang sinundan "Huy bawal ka sa bahay" pagpigil ko sa kaniya "Anong bawal, simula ngayon dun nako titira"
"Hoy, kahit niligtas mo ko noon hindi ibig sabihin pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo" reklamo ko napamewang naman siya at dahan dahang lumapit sa akin kaya napapaatras din ako "Alam mo bang pwede kang balikan ng mga red smoke ghost?pwede rin nilang patayin ang pamilya mo, para mas maging malakas sila" nagulat ako sa sinabi niya, nanghina rin ang tuhod ko dahil sa gulat. Ano? pwede nilang patayin ang mga magulang ko?!!
"Anong pwede kung gawin?" tanong ko sa kaniya, andito na kame ngayon sa bahay naka higa siya sa kama ko kala mo naman sa kaniya yun, naka upo naman ako sahig at nag iisip kung pano ko mailalayo ang mga magulang ko sa kapahamakan. "Dapat huwag kang hihiwalay sa akin, kase hindi kanila masasaktan hanggang nandito ako sa tabi mo" sagot niya habang tulala sa kisame napatitig naman ako sa kaniya, ngayon ko lang napansin na ang tangos pala ng ilong niya maayos din ang buhok at palaging may puting usok sa paligid niya "Anong pangalan mo?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin, napaiwas naman ako ng tingin "Curious lang ako" patuloy ko "May mga rules pala ako, pero isa lang naman, Bawal ka mag tanong tungkol sa akin"
"Bawal din ba malaman yung pangalan mo?" sabi ko sabay tayo "Hindi pwede, pero ang tawag sa mga katulad ko ay white smoke ghost. Kame ang taga pagligtas niyong nakakakita ng multo. Yung nagtangkang pumatay sayo sila nag mga red smoke ghost nahahawakan ka nila pero hindi ka nila masasaktan kung may naka bantay sayo na white smoke ghost, at ang mga tinutulungan mo namang mga multo ordinaryo lang sila at pwedeng maging red smoke ghost" pag explain niya at bigla kung naalala si mitch "Si mitch alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Kailangan ko siyang mahanap at tulungan, baka totoo yung sinabi kanina ng multong masama, hindi naman totoo yun d-diba? Na isa na siyang masamang multo?" nag-aalala kung tanong, pero napa ilang siya sa sinabi ko "Naging red smoke ghost na siya dahil hindi niya tanggap ang pagkamatay niya at palagi siyang naghahanap ng hustisiya at alam niya rin na malabo ng mangyari yun, konti na rin ang oras niya" napa hawak ako sa upuan na nasa tabi ko dahil muntik na kung nawalan ng balanse, nangyari nato noon kay ate amanda at ngayon kay mitch naman. Hindi ko na namalayan na may pumatak na palang luha ang dumadaloy sa pisngi ko, agad ko itong pinunasan at tumalikod para hindi niya yun makita pero nahuli ko siyang nakatingin sa akin, kaya lumabas na lang ako. At bumagsak na ang luha ko dahil hindi ako nagtagumapay na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni mitch.
BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...