{Part-3}
Muling humangin ng malakas at sa pagkakataong ito ay nabalutan ng takot ang aking buong katawan. Gusto ko na sanang umuwi na lang pero naalala ko ang mukha ni Mitch noong huli kaming nagkita. Ang mga matang puno na ng galit na dating puno ng pag-asa. 5:00pm ng hapon naka-upo pa rin ako ngayon sa bench, hindi ko na rin inisip ang nangyari kanina dahil alam kong pagod lang iton. Napatayo ako ng may pumasok sa utak ko na brilliant idea gosh!! I'm so smart, nahawa atta ako sa babae kanina. Dali-dali akong pumara ng tricycle...
"May project ba kayo hija, gabi na" saad ng matandang lalaki na nagmamaneho ng tricycle. Nasa harap kame ngayon ng school ni Mitch sa isang public school. "Ahh may kukunin lang po ako" sagot ko habang pinagmamasdan yung school nila Mitch, hindi pa'ko nakakapunta dito at mag gagabi na. Pero nandito na'ko ngayon, hindi ko din alam pero malakas ang kutob ko na nandito siya at kung may multo man, sana'y na'ko dun. Pero sana ay wala.
"Hija gusto mo bang hintayin kita dito?" tanong ni manong napatingin ako sa kaniya "Kung ayos lang po sa inyo manong" napatango siya sabay ngiti. Naglakas loob naman akong pumasok.
Nasa hallway ako, ngayon naglalakad napapatingin na lang ako sa paligid pag humahangin ng malakas, at rinig na rinig ko yung mga sirang yero kaya lumilikha ito ng nakakatakot na tunog. "M-Mitch andito kaba?" sigaw ko ng kaunti pero kasabay nun ang lakas na hangin na sumagot sa akin at rinig na rinig ang mga sirang yero, kasabay din nun ay may narinig akong kakaibang tunog na ngayon ko lang narinig hinawakan ko ng mahigpit ang braso ko dahil nanginginig na'ko sa lamig, kaninang umaga ang init-init tapos ngayon, sobrang lamig na. May kakaibang presensya sa paligid na hindi ko maipaliwanag. "May m-multo ba rito?" nagdadalawang-isip kong tanong pero bigla na lamang lumabas sa aking bibig. Imbes na tanungin ko sana kung may ibang tao rito pero multo ang na sabi ko dahil sa kakaibang presensya. Ang kaninang nakakagaan na hangin kanina lamang ay biglang naglaho at napalitan ito ng nakakapangambang lamig.
Nasa gym na'ko ngayon, may mga ilaw naman, dahil solar ang gamit nila kaya kahit gabi na maliwanag pa rin ang kapaligiran. "Mitch ako to si ate Mirabelle, Mitch andito na'ko tutulungan kita" saad ko pero walang sumagot, pero nagulat ako ng may malakas na tunog ang nagmula sa itaas, dahilan para gulat akong mapalingon doon. May mataas na hagdan sa aking likuran at ito ang dinadaanan ng mga students para makababa dito sa gym.
"Hindi mo na siya matutulungan" nagulat ako dahil may nagsalita, tumindig din lahat ng aking mga balahibo dahil sa takot na baka multo yung nagsalita. Napalunok ma lang ako bago dahan dahang lumingon sa likod, napaatras ako ng kaunti ng na puno na ng pulang usok sa kapaligiran, saan naman ito galing? "Naging isa na siya sa amin kaya huwag mo na siyang hanapin pa" dagdag ng multong nagsalita kanina, malalim ang kaniyang boses at hindi ko itatanggi na nakakatakot ito ng sobra. Hindi naman ako nagpatalo dahil alam kung hindi niya ko masasaktan kase multo lang siya, ang tanging magagawa lamang niya ay ang takutin ako.
"Kaibigan ko siya kaya gagawin ko ang lahat para matulungan siya, ngayon kung alam mo kung nasaan siya, sabihin mo na" matapang kong sagot, pero tumawa lang siya na umalingawngaw sa paligid at sa pagkakataong iyon ay nakita ko na siya ng dahan-dahan siyang lumalapit, isa siyang lalaking multo na ang sa tingin ko ay twenty seven years old na! Matangkad, maganda din ang hubog ng kaniyang katawan, kapansin-pansin din ang matatapang nitong mga mata na puno ng galit na para bang itinakwil siya ng mundo at kailanman ay hindi siya naging bahagi nito.
"Hindi mo na siya matutulungan at bakit ko naman sasabihin sayo kung nasan siya, ang misyon ko paramihan ang mga katulad namin, at ngayon idadagdag nakita" natauhan ako ng tumawa siya, nagtaka naman akong tumingin sa kanya at kung titignan ko siya ng mabuti parang hindi siya multo dahil ni isa wala siyang sugat o senyas na namatay siya. Para siyang normal na lang na lalaking nakatayo sa aking harapan, hindi siya kagaya ng mga multo na tinutulungan ko noon.

BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...