"Ma'am Leona, tawag kayo ni Coronel!" sambit ng patrol man na nakasalubong ni Leona.
Pumasok siya sa opisina nito, "Sir!" sumaludo siya dito.
"Major Gerona, may assignment ako sa'yo."
Agad kinuha ni Leona ang folder, binasa niya ito.
"Isa ang Vizcarra group sa malalaking supplier ng ilegal na droga sa katimugang Luzon, ayon sa intel, nasa isang toneladang shabu ang naipapasok nila sa metro manila at sa karatig probinsya. Kaya mo ba, Major?"
"Sir, wala naman akong hindi kinaya sa mga operasyon gaya nito. May makakasama ba ako?" tanong niya,
Pumasok naman din si Police Captain Navarro, sumaludo muna ito sa kanila.
"Si Captain, tanungin mo.."
Napatingin si Leona kay Ris, "Partner tayo, gusto mo?"
"H-ha? P-partner tayo? Hala!!!!" napatakip ng mukha si Ris dahil singpula na siya ng kamatis sa hiya.
"I mean, sa mission.. Partner tayo, gusto mo ba?"
"Ahhh... S-sige po, Ma'am!" akala ko jojowain ako, sayang naman! sa isip ni Ris.
Matapos ng ilan pang paalala, sabay na lumabas sa opisina sina Leona at Ris.
"Cap, it's your second operation tapos ako ang kasama mo.. Anong feeling?"
"Kabado pa rin, alam mo hindi ko naman akalain na babangga ang kapulisan sa mga ganito.. Nakakatakot."
Naglakad sila sa lobby at nag log sa log book bago mag off duty, matapos noon ay inanyayahan ni Major Gerona si Captain Navarro sa kanyang bahay.
"Maupo ka, Ris.. Anong gusto mo?" tanong ni Leona, hindi naman makasagot agad si Ris dahil na overwhelmed siya na ang crush niyang superior ay dinala siya sa bahay.
Kinalabit siya ni Leona, bumalik siya sa ulirat, "Ah.. Juice na lang siguro, Ma'am." aniya.
"Ma'am? Wala na tayo sa istasyon.. Leona na lang."
"Nahihiya kasi ako, mas mataas kayo sa akin eh." napakamot sa sentido si Ris,
"Kapag tayo lang ang magkasama, first name basis.. Gaya nito." inilpag ni Leona ang baso na may malamig na juice, hindi niya namalayang nakatitig na pala siya sa mga nangungusap na mga mata ni Ris. Nagtagal pa ang tinginan ng ilang minuto bago umiwas ng tingin ang huli.
"Ah.. Ok po, uhm.. Leona, ano pala ang gagawin natin?" tanong niya,
"Mamaya na, kumain na muna tayo."
Nagsaing sa rice cooker si Leona, abala naman si Ris na tingnan ang mga dekorasyon sa sala.
Bumalik si Leona sa sala, napatingin sa kanya si Ris. Napalunok ito ng makita siyang naka sando. Lumapit ito at naupo sa tabi niya, agad naman nitong kinuha ang files at binasa ang iba pang impormasyon.
"Bukas, pupunta tayo sa NBI para sa iba pang gagawin. Hmm.. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo yung iba."
"Ok, Leona.."
"Bakit ang tahimik mo, samantalang naririnig ko sa mga kasama natin sa station na sinasabi mong crush mo 'ko?"
"Forda chismosa naman pala sila, hindi na talaga ako magkukwento."
"So totoo nga?"
"Na ano?"
"Crush mo 'ko!"
"Oo.. Crush nga kita, takot ko lang kasi umamin baka lumayo ka. Baka isipin mo ang creepy ko."
"Hindi ko gagawin 'yon, unless you told me to. Sanay na rin talaga ako na may nagkaka-crush sa akin na babae."
"Ang confident mo naman pala, Major Gerona!"
Inilapit ni Leona ang mukha niya kay Ris, halos magdikit na ang kanilang mga ilong.
"M-Ma'am.. A-anong ginagawa mo?" tanong ni Ris,
Napangiti lang si Leona sa kanya at tinitigan siya ng maigi, "Luto na yung kanin, magsasandok muna ako ha."
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
ФанфикCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄