Nasa Astoria plaza na si Lalaine, nauna na siya sa takdang oras ng pagkikita nila ni Rhea. Dumating naman ito galing sa lobby ng hotel, nag beso sila bago sila naglakad papunta sa cafeteria.
"Order ka ng gusto mo, libre ko na." Sambit ni Rhea, sabay abot ng menu kay Lalaine. Napangiti naman ito at nagpasalamat.
"Yaki udon noodles na lang saka mango smoothie." Aniya, "Sa'yo?"
"Miss, Spaghetti Bolognese please." Sagot ni Rhea, inabot na rin nila sa waiter ang menu at naglakad na ito paalis. Tahimik sila pareho.
"Ano nga pala ang pag uusapan natin, is it about our daughter?" Tanong ni Lalaine, tumingin muna sa kanya si Rhea bago sumagot.
"About us, Laine." Sagot ni Rhea, "Ok na ba talaga tayo sa ganito?"
"Ay, Rhea.. Kung may iniisip kang iba, paano naman yung taong mahal ka?"
Napabuntong hininga si Rhea, "Hindi ko nga siya mahal eh, ano ba!" Nagulat naman si Lalaine sa sinabi nito, paano sila nagtagal kung ganon?
Ilang minuto lang ay dumating ang inorder nilang pagkain, hindi muna sila nag usap. Napaisip na si Lalaine kung bakit ganoon na lang ang ikinikilos ni Rhea sa kanya.
"Tapos ka na, magbabayad na ako.." Sumenyas na si Rhea ng bill sa waiter, ilang minuto lang ay nagpunta na ito sa kanya. Nagbayad na siya pagkatapos noon.
"Teka, sandali.. Ano bang 'about us' ang gusto mong pag-uusapan natin, bakit hindi na lang dito?" Hinawakan ni Lalaine ang kamay ni Rhea noong akma itong aalis, pasimpleng ngumiti si Rhea, bago siya humarap dito at busangot ang mukha.
"Halika sa unit ko, doon ko sasabihin sa'yo." Hinila niya si Lalaine papunta sa elevator, agad naman nitong pinindot ang number 9 kung saan nandoon ang tinutuluyan niya.
Kinakabahan si Lalaine, ang huling pagsama niya kay Rhea few years ago, ay may nangyari sa kanila. Noon, heartbroken ito sa una nitong boyfriend bago si Rome.
Mukhang may nangyari na namang hindi maganda between her and her boyfriend, tatanggihan ko siya para hindi na maulit. Ayoko na masaktan. Sa isip ni Lalaine.
Tumunog na ang bell ng elevator at nagbukas ang pinto nito, naglakad na sila sa left wing. Binuksan ni Rhea ang pinto ng unit niya at unang pinapasok si Lalaine.
Wala namang nagbago sa loob ng unit ni Rhea, ganoon pa rin ito noong una silang nagsalo ng mainit na sandali. Naalala niya yung mga gabi na nangyayari iyon, sa bawat sulok. Mga panahong mahal na mahal nila ang isa't-isa.
Inilabas ni Rhea ang canned beer sa ref at inabot ang isa kay Lalaine, kahit na gusto niyang tumanggi, hindi na niya nagawa. Naupo na lamang siya sa sofa at binuksan ang beer bago inumin.
"Laine.. Nag break na kami ni Rome sa phone, kanina." Sabi ni Rhea, nagulat naman si Lalaine sa narinig.
"Bakit, anong nangyari?" Tanong niya.
"Hindi na talaga nag work out, masyado na siyang controlling." Sagot ni Rhea. "Karma ko na rin siguro sa ginawa ko sa'yo." Napangisi na lamang siya bago lagukin ang beer.
Magkahalong lungkot at awa ang nadarama ni Lalaine sa dating kasintahan, kailangan lang talaga nito ng makakasama ngayon.
Inakbayan ni Lalaine si Rhea, hinayaan niyang ihilig nito ang ulo sa balikat niya. Doon na kang niya naramdaman na umiiyak na ito.
"Wala naman akong maipapayo sa'yo.."
"Ok lang, maganda na rin na nandito ka."
"Sige, iiyak mo lang.. Hanggang sa guminhawa ang pakiramdam mo."
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
FanfictionCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄