Therese
Lumipat kami sa isang nayon ng katimugang bahagi ng Quezon, dito pinili ng mga magulang ko na mamalagi dahil nag retiro na ang Daddy ko sa trabaho niya sa gobyerno.
Maayos naman ang lugar, kung tutuusin, mas maganda pa nga ito sa unang tinirhan namin. May mga ilang bahay ang mataas ngunit karamihan ay mababa at malawak ang bakuran. May sapat ding bilang ng ilaw, malaking tulong din kapag nakakauwi sa alanganing oras.
May mga naging kaibigan ako sa ilang araw pa lang na pananatili, isa sa kanila si Leonie. Anak siya ng kapitan ng lugar at maayos silang namumuhay, kwento niya, 9 years old na siya noong unang naging kapitan ang Tatay niya at talagang masaya ang mga tao sa pamamahala ni Mang Gener.
Anyway, balik tayo sa kwento.. Hindi ko ito makakalimutan, isa ito sa nagpabilib sa akin kay Mang Gener at Leonie.
Isang gabi, pauwi na ako galing sa pamamalengke ay wala akong nadatnan na tricycle. Ang sabi nila, gumarahe na yung ilan, tapos nasa ibang ruta naman yung natira. Wala akong magawa kundi maglakad na lamang.
Sa hindi kalayuan, may naririnig akong pagaspas ng.. Ibon?
Unti-unti itong humihina, iginala ko ang mga mata ko sa paligid, hindi ko maaninag kung ano talaga iyon.
Ngunit, isang boses ng babae ang narinig ko na nakasakay sa tricycle, "Therese, tara na!" sambit nito, si Leonie?
Agad nga akong naglakad ng mabilis, humahangos akong nagpunta sa tricycle kung nasaan siya at si Mang Gener, "Bakit nag iisa ka? Nako, tara na't maabutan pa tayo ng aswang na 'yon!" aniya, kinabahan ako sa tinuran ni Mang Gener, sumakay na ako sa loob ng tricycle at si Leonie nama'y nasa likurang bahagi ng sasakyan.
Habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay, heto na naman ang malakas na pagaspas.. Sumilip ako ng makita ko ang isang pigura ng isang tao? Namumula at nanlilisik ang mga mata nito habang hinahabol kami, mas binilisan ni Mang Gener ang pagpapatakbo ng motor.
Si Leonie naman ay may hinatak na mahabang patpat-hindi, buntot-pagi iyon, nagtaka ako kung paano napunta iyon doon. Iwinasiwas niya iyon sa hangin, at natamaan ang aswang sa mukha!
Napatigil iyon at lumipad na palayo, nakarating naman ako sa bahay ng buo.
"Jusko, anak mabuti at nakauwi ka ng ligtas!" niyakap ako ni Mama, batid sa kanyang boses ang pag aalala at takot.
"Mang Gener, Leonie, salamat ng marami! Kung hindi nyo ako nakita kanina, baka hindi na ako nakauwi ng buhay!" pagpapasalamat ko sa kanila,
"Ineng, pakiusap, huwag ka na magpapaabot ng gabi dahil hindi mo rin masasabi ang mangyayari.. Anak, bigyan mo sila ng bote ng langis, para alam nila kung may kasama silang iba na hindi natin katulad." ika ni Mang Gener, sumunod naman si Leonie at inilabas ang mga bote at inorasyunan ang nga ito bago ibigay sa amin.
Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganito, pero nag iba ang pananaw ko ng maranasan ko mismo.
Inaya ni Mama sina Mang Gener at Leonie na maghapunan sa amin, bilang pasasalamat na rin sa pagsaklolo nilang mag ama sa akin.
Nahuhuli kong tinitignan ako ni Leonie, agad naman siyang umiiwas at agad na sumusubo ng kanin.
"Misis, ang maipapayo ko lamang sa inyo, para makatagal kayo dito ay kailangan lagi kayong handa. May mga nakakasalamuha tayong hindi natin kauri."
"Gaya nung nakita natin kanina?" agad kong tanong, tumango si Mang Gener bilang sagot.
"Mga kapitbahay natin iyon na sa unang pagkakataon ay nakita kayo.. Hayaan ninyo, hihingi na rin ako ng dispensa sa pagkakahampas ng buntot-pagi." ika ni Leonie na para bang kilalang-kilala niya ang nilalang na iyon.
Nagtataka talaga ako, bakit ganon?
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa amoy ng sigá na galing sa bakuran namin. Si Papa, maaga pa lang pinausukan ang puno ng mangga.
Bumaba naman ako at naabutan ko si Mama na naghahanda na ng almusal, alas singko pa lamang noon at papasikat na ang araw.
"Ma, naniniwala ba kayo sa mga sinabi ni Mang Gener kagabi? Ako kasi, parang nag aalangan pa ako kahit na nakakita ako ng aswang. Para kasi-" napatigil ako sa sinabi ko ng tinitigan ako ni Mama,
"Hindi naman masamang maniwala, pero sa diyos pa rin hihingi ng tulong." aniya.
Natahimik ako, naghain na lamang ako ng kanin at inilagay iyon sa mesa.
Dumaan ang isang matandang lalaki, may sugat ito sa pisngi at matalim ang tingin sa akin ng lumabas ako sa bakuran. Tumigil siyang tumitig ng dumating ang Papa ko na may dalang tasa ng kape, nagtaka ito sa ikinikilos ng matanda.
"Kilala mo 'yon, anak?"
"H-ha? Hindi, Pa! Ngayon ko lang siya nakita."
Kinuha ko ang tasa at naupo sa silya, kinakabahan ako sa naging tingin noon sa akin, nakalayo naman na ito sa bahay.
Nakita ko naman si Leonie sa barangay hall, nakangiti siya sa akin, agad siyang lumapit sa akin.
"Kumusta, anong sadya mo?" tanong niya, nanginginig akong humawak sa braso niya. First time kong makaramdam ng ganoong hilakbot, kaya inaya niya ako sa opisina ni Mang Gener.
"Ginagambala ka niya?" agad na tanong ng matanda sa akin, tumango na lang ako bilang sagot dahil gusto kong maiyak.
"Nag sorry naman na ako sa kanya kanina at nag paliwanag, grabe naman 'yon!" ika ni Leonie,
"Alam mo naman iyon, kapag wala ng makitang hayop, tao ang pinupulutan." kaswal na sambit ni Mang Gener,
"Sino po ba iyon, para bang kilalang-kilala niyo siya!" tanong ko,
"Therese, matandang aswang iyon na walang mapagpapasahan ng bertud.. Ayaw ng mga kamag anak na saluhin yung pagiging aswang eh. Kaya ayan, ang mahirap lang nanggugulo siya." paliwanag ni Leonie.
"Hindi naman niya ginusto ang kapalaran niya, ganunpaman, wala rin siyang magagawa." napahigop ng kape si Mang Gener.
"Therese, yung bote dala mo ba?" baling sa akin ni Leonie, ipinakita ko yung bote na may langis na nasa bulsa ko.
"Kapag nariyan siya o kung sinoman, kukulo iyan. Saka heto-" binigyan niya ako ng maliit na supot, may laman daw iyon na pantaboy sa aswang.
"Sobra-sobra naman na itong ginagawa mo para sa akin, wala naman akong maibibigay sa'yo pabalik!"
Pagkarinig noo'y napangiti lang siya sa akin, "Basta makita lang kitang ligtas, ok lang."
Nagpaalam na ako sa kanila at nagpunta na sa kaibigan ko na ilang bahay lang mula sa brgy hall ang layo.
May gusto ba siya sa akin? tanong ko sa sarili ko, ano ba, Leonie pinag iisip mo naman ako sobra!
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
FanfictionCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄