Estoy Enamorado De Ti

277 9 2
                                    

"Maari ba kitang makasama habangbuhay, aking sinta?"

Mga katagang binitawan ni Luisa sa kanyang nobyang si Rosalia, silang dalawa ay galing sa Buena Familia, pareho nilang pinangangasiwaan ang mga Azucarera ng kanilang mga magulang.

Ngunit hindi rito nagsimula ang kanilang pag iibigan.. Sila muna ay naging.. Mortal na magka-away.

Sa probinsya ng Calamba, Laguna.. May dalawang angkan ang nangunguna sa larangan ng agrikultura, ang mga Sevilla at mga Rosales. Ang mga Padre de pamilya ng mga ito, na sina Don Rafael at Don Segundo ay magkaibigan mula pagkabata.

Ngunit, ang mga anak nilang sina Luisa at Rosalia.. Hindi.

Hindi maipinta ang mukha ni Luisa nang makatanggap ng sulat mula kay Fernando, kanyang pinsan na sinubukang ligawan ang anak ni Don Segundo na si Rosalia.

"Ako'y agad pinauwi ni Rosalia sa kadahilanang hindi raw niya ako magagawang mahalin dahil may iba na raw siyang gusto, at hindi raw siya titigil hangga't hindi niya ito mapapasagot. Ano na lamang ang laban ko, mukhang siya pa ang aakyat ng ligaw?"

"Akala mo'y dehado pa siya sa kakisigan ng Primo ko, masyado naman yata niyang minamaliit ang lahi namin!" Aniya, agad niyang itinabi ang sulat at bumuntong-hininga, maging siya ay nahihiwagaan sa kung sino ang gusto ni Rosalia.

"Señorita, ang inyong Papá ay narito na po!" Wika ni Lourdes, ang kanilang kasambahay.

Sinalubong ni Luisa ang kanyang ama na si Don Rafael, naupo sila sa silya.

"Hija, may nais sana akong ipagawa sa iyo.." Agad na turan nito, inilabas niya ang mga papeles na tangan niya.

"Papá, ano ho iyan, kontrata?" Tanong ni Luisa, bakas sa kanyang mukha ang pagkalito.

"Hindi naman, gusto ko kasing.. Paano ko ba sasabihin.. Ah.." Napakamot na lang sa sentido ang matanda, kahit siya ay naguguluhan din.

"Akin na ho, babasahin ko–" agad namang kinuha ni Luisa ang papel, pati siya ay nagulat sa nakasulat doon.

"PAPÁ, PAANO KAYO NAPAPAYAG SA GANITONG KASUNDUAN??? ABA'Y HINDI ITO NAKAKATUWA!" galit na turan ni Luisa, "Nakasaad dito– pakakasalan ko ang nag iisang anak na dalaga ng mga Rosales na si Rosalia???"

"Anak, hindi mo naman siya pakakasalan sa simbahan.. Kumbaga, kung sakaling magkapalagayan kayo ng loob.. Maari naman kayong mabasbasan!" Katuwiran ni Don Rafael.

"Dahil ayaw niyong may ibang makakuha ng Azucarera ng mga Rosales, ganoon ho ba iyon?" Napailing na lang si Luisa, "Paumanhin, ngunit, alam ko po sa sarili kong hindi ako magkakagusto sa kapwa ko babae." Tumayo na siya at nagpaalam na pupunta na siya sa kanyang silid.

Napatitig sa labas ng bintana si Luisa, alam niyang malaking dagok ang nangyayari sa kanyang pamilya, at ang tanging paraan ay ang ipagkasundo sila ni Rosalia. Ngunit hindi talaga siya makahanap ng rason kung bakit naisip iyon ng kanyang Ama.

"Señorita, heto po ang inyong lemonada.." Ika ni Salud, na kanyang tagapag-alaga.

"Manang, sabihin ninyo sa akin.. May nagawa ba akong pagkakamali para parusahan ako ng ganito? Si Papá, naisip niyang ipagkanulo ako sa bagay na hindi ko gusto.. Alam kong may pagka salbahe ako, pero sobra naman ito!" Aniya, hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Ang nais lang naman po ng inyong ama ay mapabuti kayo, Señorita. Inihahanda niya po kayo kung sakali siya'y malapit nang yumao, alam niya kung kanino niya ipagkakatiwala ang nag-iisa niyang anak." Wika nito.

"At sa tingin niya, hindi ako makakahanap ng lalaking magmamahal sa akin sa kung ano talaga ako.. At hindi dahil sa kung ano ang meron ang pamilyang ito. Bakit pa niya ako pinagkatiwalaan sa negosyo kung hindi naman niya ako hahayaang maghanap ng taong makakasama ko habangbuhay." Inis na turan ni Luisa, agad na umalis si Salud matapos inumin ng dalaga ang lemonada.

◉◉◉

Nakangiting sumalubong si Rosalia sa kanyang mga magulang na galing pa sa karatig-bayan, sila ay nagpunta sa piging ng isa sa kanilang kaibigan.

"Mukhang maganda ang bungad ng araw sa iyo, Hija.. Anong nangyari?" Tanong ni Doña Inez, nang makitang nakangiti ang dalaga.

"Nako, mukhang nakatanggap na ng sulat mula kay Luisa ang anak mo.." Tudyo ni Segundo sabay iling, "Pero imposible, ni hindi ka nga pinapansin noon.. Kahit sa eskwela kung saan kayo nag aral pareho!"

"Papá, masyado mo naman akong minamaliit.. Eh naibigay ko naman na sa kumpadre ninyo ang kopya ng kontrata!" Nakangising sambit ni Rosalia.

"Hija, masyado ka naman yatang mapusok sa gagawin mo! Hindi ka ba natatakot na baka masaktan ka?" Nag aalalang tanong ng kanyang ina.

"Mamá, kahit kailan hindi pa ako nagkamali sa mga desisyong ginawa ko.. At kung hindi magtagumpay ito, wala naman akong magagawa. Kahit naman iharap mo ako sa makikisig ba binata sa bayang ito, isa lamang ang gusto ko– si Luisa lamang." Napabuntong hininga si Rosalia, hindi niya rin alam kung bakit isang araw ay nais na niyang makasama si Luisa, kahit na masungit ito sa kanya.

"Na bato-balani ka na nga sa dalagang iyon, anak. Hindi kami nagkulang sa pag-papaalala sa iyo, bantayan mo ang puso mo." Ika ni Segundo bago mag punta sa silid.

"Mapapaibig ko rin siya, Papá." Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Rosalia.

"Mukhang mapapalaban ako nito." Aniya.

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon