The Exes 2

222 9 1
                                    

Tahimik lang na nakatitig sa labas ng bintana ng opisina niya si Rhea, inaalala pa rin niya ang mga salitang binitiwan ni Lalaine. Napabuntong hininga na lamang siya, talaga ngang walang pag asa.

"Love, kanina ka pa tulala.. Si Lalaine na naman ba ang dahilan?" Wika ni Rome, inilagay nito ang biniling iced coffee at strawberry shortcake sa mesa. "Payagan kaya si Yves sa Baguio trip natin?"

"Hindi ko rin alam, pero kung may lakad sila sa araw na 'yon, hindi ko na siya isasama kasi baka isipin niyang inilalayo ko ang bata sa kanya." Sagot ni Rhea, nagpapasalamat siya na sibil pa rin sila ni Lalaine pagdating kay Yves, pero kapag sa relasyon nila, medyo alanganin. Umiiwas si Lalaine, naiintindihan naman niya iyon.

"Anak mo pa rin si Yves, i-assert mo rin minsan ang katapatan mo." Uminom na si Rome ng kape, "Mamaya baka tuluyan na niyang lasunin ang isip ng bata, eh di kawawa ka."

Tila nagpantig ang tenga ni Rhea sa sinabi ni Rome, "Excuse me, do you even know my ex-gf??? Hinding-hindi magagawa ni Lalaine na i-brainwash si Yves for her own good, alam mo bang isinuko niya ang kaisa-isang film offer niya abroad noong minsang nagkasakit ang bata dahil sa dengue! She always prioritizes our child and never been absent throughout her milestones. Stop acting like you own me, hindi pa tayo kasal!" Padabog na umalis sa upuan si Rhea, humabol agad si Rome at hinawakan ang braso nito upang mag sorry, pero tiningnan siya nito ng masama bago niya ito bitawan.

Nakita ng ilang empleyado na umalis ang Boss nila, hahabulin pa sana ni Rome pero nakaalis na ito. Nainis naman ito, tiningnan niya ng matalim ang ibang tao doon bago magpunta sa sarili niyang opisina.

◉◉◉◉

"Mommy, isasama niyo ako sa Amanpulo next week?!?" Gulat na sambit ni Yves, napataas ng kilay si Lalaine na para bang hindi naniniwala ang anak.

"May plano ba kayo ng Mama mo next week?" Tanong niya.

"Baguio sana, sabi ni Mama.. Kasama ni Tito Rome." Sagot nito, hinihintay lang niyang pumayag ang Mommy.

"Sumama ka sa kanila, panigurado miss ka na ng Mama mo.. Kailan pa yung huli nyong roadtrip, medyo matagal na." Nang marinig iyon ni Yves, agad siyang yumakap sa Mommy niya.

"Bakit hindi na lang kasi kayo magbalikan ulit?" Aniya, "Pihadong miss ka na rin ni Mama."

"Hindi ko pa siya napapatawad, anak. Masakit pa eh, hindi ko kayang gawin yung gusto mo ngayon. Basta, tumawag ka sa Mama mo at sabihin mong pinapayagan kita." Bumitaw naman si Lalaine sa kanyang anak at ginulo ng buhok nito. "Hayaan mo na muna akong maghilom na mag isa, mangyayari naman iyon pero hindi agad-agad."

"Sinong isasama mo sa Amanpulo kung na kina Mama ako?" Natawa ng kaunti si Lalaine sa tanong ng anak.

"Ano bang silbi ng mga Ninong at Ninang mo kung hindi ko sila isasama?"

◉◉◉

"Yves, anak.. Sorry for the short notice, pero hindi matutuloy ang Baguio trip natin." Nanlaki ang mga mata ni Yves nang marinig iyon kay Rhea.

"Bakit po, nag away kayo ni Tito Rome?" Tanong niya habang nag aayos ng mesa para sa tanghalian nilang mag ina.

"Hindi, may nauna palang commitment ang Tito Rome mo.. Eh sayang naman daw kung hindi siya sasama. Pero pangako niya kapag ok sa sched niya, itutuloy na natin yung pagpunta sa Baguio." Pagsisinungaling nito, mukha namang kumbinsido si Yves at hindi na nag usisa.

"Kung gano'n, sasabihin ko kay Mommy na sasama ako sa kanya... What if, sumama din kayo?" Wika ni Yves, kinikilig na siya sa pag-iisip na magkasama ang mga magulang niya.

Iniripan siya ni Rhea, "Nako.. Hindi na ako umaasa. Malaki pa ang galit ng Mommy mo sa akin."

"Mama naman eh, alam kong mahal nyo pa ang isa't-isa.. Bakit hindi niyo pagbigyan ang kaisa-isa ninyong anak?" Nagmamaktol na sambit ni Yves.

"Anak, hindi madali yung hinihingi mo.. Kung sasama ka sa Mommy mo, sige, pinapayagan kita." Pag-iiba ni Rhea sa usapan, "Maupo na at kumain."

Nakauwi na sa condo unit si Yves, naroon na si Lalaine at naghahanda na ng kanyang baon para sa taping ng show nila kinabukasan. Dama nito ang malalim na paghinga ng anak habang ibinababa ang mga gamit sa sofa.

"Bakit, nak.. May problema ba?"

"Hindi po tuloy ang Baguio trip namin nina Mama at Tito Rome."

"Bakit daw?"

Naintriga naman si Yves sa tanong ng Mommy niya, ngumisi siya. "Next time na lang daw, sabi ni Mama. Pero.. Mommy, ask ko lang sana kung pwede ba siyang sumama?"

Nagulat naman sa tanong ng kanyang anak si Lalaine, hindi niya alam kung ano ba ang dapat isagot. "Uhm.. P-pwede???"

Tila kumislap naman ang mga mata ni Yves sa sagot ng kanyang Mommy at agad yumakap dito, "The best ka talaga, Mommy! Yeheeey!!!"

"Teka, sabihin mo muna sa kanya at baka hindi siya pumayag.. Masyado ka namang umaasa eh!" Agad namang sumimangot si Yves, kinuha nito ang phone at tinext si Rhea.

"Hindi pa nag reply, Mommy.. Sige, maligo na muna po ako." Paalam ni Yves, iniwan na lang niya ang phone sa mesa at umakyat sa kwarto niya para kumuha ng damit. Ilang saglit lang, nag ring ang phone. Tiningnan ni Lalaine ang caller at nakitang si Rhea ito. Hinintay pa niyang mag ring ulit, bago niya ito sagutin.

"Hello, Yves?"

"Hi.. Si Lalaine ito, naligo si Yves eh. May sasabihin ka ba sa kanya?"

Napangiti si Rhea, "Ah, wala naman.. I was checking on her lang. Sige, ibaba ko na at alam kong busy ka–"

"Hindi naman, was preparing my things for tomorrow's taping." Aniya, hindi niya rin talaga alam kung saan sila magsisimula ng pormal na usap. "Uhm.. By the way, may pinapapirmahan na consent for si Yves for her subject.. Baka idaan ng bata diyan, ikaw na lang ang hinihintay na pumirma."

"Yeah, sure.. Uhm.. Laine.."

"Bakit, Rhea?"

"Can we talk, just the two of us? Friday, 7:00 PM.. Sa Astoria."

"Ok, day off ko.. Sige, see you."

Nagtatago naman si Yves sa gilid ng pinto, kilig na kilig habang pinagmamasdan ang kanyang Mommy. Nakangiti ito at iniwan ang phone sa mesa at itinuloy ang ginagawa kanina.

"Gagawa ako ng paraan para magkabalikan sila, magiging masaya ulit kaming pamilya!" Bulong niya sa sarili.

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon