"Major, huuy!" ikinaway ni Ris ang palad niya sa harap ni Leona, nakatulala kasi ito at mukhang malalim ang iniisip.
"H-ha? Ano 'yon, Ris?" aniya ng matauhan siya,
"Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi mo ako iniintindi.. Ano bang iniisip mo?" tanong niya,
"Wala.. Ano kasi, hmm.. Natutuwa ako na pinayagan ako ni Tito Roberto na ligawan ka." sagot nito,
Napailing naman si Ris, May nangyari na nga sa atin, dalawang beses na.. Ligaw pa ba 'yon? sa isip niya.
"Sabihin mo na ang totoo, hindi ganyan ang reaksyon mo nung isang gabi.
May bumabagabag sa'yo? Willing naman akong makinig, kaya—""Pwede sa opisina ko na lang, masyado kasing classified information 'yon." lumingon sa paligid si Leona, hinawakan niya ang mga kamay ni Ris, "Gusto ko, safe ka."
Ang sandaling iyon ay naputol nang may bumabang apat na armadong lalaki, lahat sila ay may baril! Nagpaulan ito ng bala sa restaurant kung nasaan sina Ris at Leona, pareho silang dumapa kinuha ang kanilang mga service firearm.
"Dumapa lang kayo!" sigaw ni Leona, nakipag palitan ng putok ng baril si Ris at may natamaan siya sa isa sa mga gunmen.
May isang batang paslit naman ang umiiyak ilang dipa sa kanila, sinaklolohan iyon ni Leona, ngunit ng tumakbo siya doon ay binaril siya ng isa pang gunman at tinamaan siya sa hita.
Gumanti rin siya ng putok at natumba ang lalaki, gumapang siya papunta sa bata."Ateeee, may dugo po kayo!" ika nito ng makitang duguan si Leona,
"Ok lang 'yan, malayo sa bituka—" napatingin siya kay Ris na naka sandal sa malaking mesa na nakatumba. "Ris, salo!" inihagis niya ang hawak niyang caliber pistol, nasalo naman ito ni Ris at ikinasa, binaril niya ang dalawa pang gunmen.
Dumating naman ang mga kasamahan nilang pulis, agad na nagtawag ng ambulansya dahil sugatan ang apat na namaril. Siniguro naman nina Leona at Ris na nasa maayos na kalagayan ang mga tao sa restaurant bago sila magpunta sa ospital.
"Minor operation lang po ang ginawa natin kay Ma'am, maari po kayong magpagaling sa bahay." paliwanag ng doktor,
"Hay, salamat naman."
"Heto po ang reseta ng mga gamot niya para po sa mabilis na pag galing."
"Salamat po!"
Nakahinga ng maluwag si Ris, nagpaalam na rin ang doktor sa kanila.
"Bukas na ako magpa discharge, Babe.." hinawakan niya ang kamay ni Ris, nanginginig pa ito. "Ok ka lang, kumain ka muna kaya?"
"Ok naman ako, natakot lang ako.. Paano kung hindi ito yung huli, paano kung—" nag aalala si Ris, hindi siya makapaniwala na mangyayari sa kanya ang ganoon.
"Ris, sorry sa pagdamay sa'yo.. Hindi mo 'to deserve. Dapat sinabi ko na agad.." aniya, tiningnan niya si Ris at naguguluhan ito.
"H-ha? Teka, ang daming nangyayari.. Isa-isahin mo, ano muna yung gusto mong sabihin kanina?"
"Hindi ko tinanggap ang drug money galing sa emisaryo ni Vizcarra, sinusuhulan niya gamit ang mga tao niya ang mga involved sa kaso, kasama tayo.." pagtatapat ni Leona,
"Ganun ba, kaya pala noong isang araw may nakipag usap sa akin na babae sa parking lot na tanggapin ko ang 11M na pera, kapalit ang kalayaan ni Vizcarra.. Hindi ko 'yon tinanggap." ika ni Ris, napangiti si Leona. Lalo siyang humanga sa paninindigan nito.
"Hindi ko ipagpapalit ang tsapa at baril ko, hindi ako tutulad sa iba na nilason ang isip sa dami ng tukso.. Kapangyarihan, impluwensya, pera.. Marami akong kakilalang mabubuting alagad ng batas, at nakakalungkot na nahulog sila sa patibong." tiningnan ni Ris ng maigi si Leona, "Huwag tayong gagaya sa kanila ha."
"Oo naman, masaya ako na hindi lang pala ako ang may ganoong prinsipyo sa buhay. Halika nga dito, kiss mo na lang ako!" ngiting sambit ni Leona, lumapit naman si Ris sa kanya at agad naman siyang hinalikan.
"Hmm.. Babe.."
"Ang kamay mo, alisin mo sa pwet ko!"
"Ang lambot eh, hehe."
"Ikaw talaga, napaka pilya mo!"
"Only for you!" kumindat si Leona kay Ris, pinalo naman nito ang braso niya.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Paanong nakaligtas yung dalawang pulis ha, akala ko ba magagaling ang mga hitman mo?" sinakal ni Manuel sa inis ang kausap niya na si Tito, gigil na gigil siyang gantihan sina Leona at Ris.
"Madulas sila eh, saka magaling talaga—" hindi na natapos ang pangungusap ni Tito ng sikmuraan siya ni Manuel, tinadyakan ang tuhod nito at inuntog ang ulo sa pader.
"GUMAWA KA NG PARAAN! KAHIT ANO, GUSTO KONG MAWALA SA LANDAS KO ANG MGA PULIS NA 'YON!" galit na turan ni Manuel.
"Oo, Boss!" nanginginig na sambit ni Tito.
Tatlong linggo ang nakalipas...
"Welcome back po, Ma'am Leona!" bati ng ilang pulis kay Leona habang naglalakad siya papunta sa opisina ng station commander, sumailalim sa imbestigasyon ang nangyaring pamamaril sa kanila ni Ris.
Nakapag bigay na rin sila ng nga pahayag at nasa mga naka tutok sa kaso ang pag-iimbestiga dito.
"Kumusta ka, Major? Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ng superyor ni Leona,
"Ayos naman po, si Sir naman, i survived! Hahahahaha!" biro ni Leona, inanyayahan siyang maupo sa silya nito.
"Well, may ipapagawa ako sa'yo.. This time, ikaw ang pipili ng makakasama mo. Papamunuan mo ang isang malaking raid sa Navotas!" aniya, ibinigay nito ang folder kay Leona at binasa naman ito ng huli.
"Sir, galamay ni Vizcarra ito ah.."
"Exactly! Now, gusto ko na mag surveillance kayo sa area.. Ayon sa informant natin, bago ipasok ang shipment ng shabu ay may padulas na sila sa customs.. Meaning, may tao din sila sa loob ng ahensya. Kailangan mahanap kung sino 'yon at kuhanan siya ng impormasyon, nakakagalaw si Vizcarra kahit nasa loob siya ng selda kaya kailangan siyang maunahan."
"Sige po, ako na po ang bahala magbuo ng team. Mauna na po ako!" tumayo na si Leona at sumaludo, hindi pa siya nakakalabas ay may sinabi sa kanya ang Hepe..
"Bagay kayo ni Ris, Major!"
Napangiti lang si Leona, nagpunta na rin siya sa opisina niya para tawagan ang mga kasama niya sa operasyon.
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
FanfictionCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄