Shoot shoot

755 21 12
                                    

Napakunot ang noo ni Risa ng makita ang komento ni Leni sa isang video, hindi naman dapat siya magselos dahil alam niyang loyal ang kanyang girlfriend sa kanya.. Pero ewan, hindi kasi siya kumportable na ibahagi si Leni sa iba.

Nakaisip siya ng paraan para magpunta sa kinaroroonan nito ng walang nakakaalam.

"Sinta, alam mo ba kung nasaan ang Mama mo? Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko mula kahapon."

"Tita Leni hindi po siya umuwi eh, ang alam ko lang na pupuntahan niya, Baguio since gusto niya daw mag unwind."

" Ah, ganun ba.. Sige, tawag na lang ako kapag nariyan na siya. Bye, nak. Love you!"

"Sige po, Love you din po.. Pasalubong! Joke!"

"Haha, ikaw pa ba? Syempre meron 'yan!"

"Kaya paborito kita, Tita! Sige po, mag study na ako hehe."

Unang nagbaba ng linya si Sinta, napangisi siya sa surpresang inihanda ng kanyang Mama.

•~•~•~•~•

Tanghali na nakarating si Risa sa Boston, lulan ng eroplano. Wala talagang makakapigil sa kanya na puntahan ang kanyang sinisinta, anuman ang balakid.

Tumuloy siya sa isang unit malapit kung nasaan sina Leni at Tricia, iniisip niya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya, malamang magagalit iyon dahil marami siyang iniwang trabaho.

Pwede namang gawin dito 'yon, ano ba naman ang maliit na sakripisyo basta makasama ko lang siya. aniya sa kanyang isip habang nag aayos ng mga damit.

"Ma, anong oras ka po uuwi?" tanong ni Tricia kay Leni ng sabay silang lumabas ng unit,

"Baka late na, alam mo namang maraming gagawin dahil few weeks na lang uuwi na ako."

"Mamimiss kita, Ma. Seryoso."

"Eto naman, lagi ka namang tatawagan eh."

Nagyakap ang mag ina, nakita iyon ni Risa habang nakasilip sa pinto. Pagtingin ni Tricia, nagulat siya dahil nakita niya si Risa, natigilan siya sandali.

"Bakit, Trish?" agad na tanong ni Leni sa anak niya na parang nakakita ng multo,

"W-wala M-ma.. Haha, baka namalik-mata lang ako. Haha, oo."

"Okaaay, ang weird mo, nak." aniya sabay lakad papunta sa hagdan,

"Ma, wait!" ika naman nito habang naglalakad.

•~•~•~•~•

Lumabas si Leni para mag grocery, pumasok ng maaga si Tricia at day off naman niya. Naisip na niyang bilhan ng supplies ang anak, kahit wala siya ay makakain ito ng maayos.

Sakto din na nag grocery din si Risa para magkalaman ang kanyang pantry, hindi pa siya nagpapakita kay Leni mula ng dumating siya.

Habang nasa cereal aisle si Risa, nasa poultry section naman si Leni at kumuha ng dalawang tray ng itlog.

Nang pareho silang nasa fruits and vegetables section, pareho nilang hinawakan ang yellow bell pepper at nagkatinginan pa!

"Lens!"

"Ris! Mygahd!"

Masaya si Leni na makita si Risa, mas niyakap siya nito at halatang miss na miss siya. Panakaw na humalik si Risa na ikinagulat niya, napangiti na lang siya.

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon