Pista na sa nayon, napiling Hermano at Hermana Mayor ang mga magulang ni Rosalia. Kinausap sila ng Kura ng simbahan ang mga ito, tungkol sa dalaga.
"Don Segundo, Doña Inez.. Maitanong ko lamang, bakit naman ninyo pinayagan ang ang inyong anak na si Rosalia na ipagkasundo kay Luisa. Alam ninyong taliwas iyan sa itinuturo ng simbahan, hindi ba kayo natatakot sa kinahihinatnan ng mga taong gaya nila?" Ika ni Padre Menandro.
"Mahal na Kura, nag iiba na ang panahon ngayon.. Kasabay ng pagbabago ay ang mga pag-iisip din ng tao at sa posisyon nila tungkol sa pag hanap ng kanilang mapupusuan. Hindi ko po pinipilit kay Rosalia ang nais ko sa kanya, siya ang pipili ng kung sino ang itinatangi niya at si Luisa iyon." Wika ni Don Segundo.
"Si Luisa nama'y mabuting bata, siya lamang ang nakikita naming makakasabay sa mga nais ni Rosalia. At siya rin ang nakapagpapasaya sa aming unica hija. Kaya hindi ko na pinagbawalan kung gusto niyang makapiling ang taong mahal niya." Segunda ni Doña Inez, halatang dismayado ang Kura sa mga sinabi ng mga magulang ni Rosalia, naisip niyang baka kulang lamang sila sa pagpunta sa misa at kinakailangan ng dasal para magliwanag ang kaisipan nila.
Dumating naman ang mga dalaga, nagulat sila na naroon ang Kura, nagbigay galang ang mga ito bago sila nagpaalam na magpapahinga. Galing kasi ang dalawa sa plaza para manood ng patimpalak doon.
"Ano kaya ang pinag-usapan ng mga magulang mo at ng Kura?" Takang tanong ni Luisa kay Rosalia, kagagaling ng huli sa palikuran, bagong paligo ito. Kumandong paharap sa kanya ang dalaga at tinitigan siya nito ng maigi sa mga mata.
"Baka kinukumbinsi sina Mamá at Papá na paghiwalayin tayo dahil pareho tayong babae, at ang nararapat sa atin ay mga makikisig na binata." Ika ni Rosalia, bakas ang kalungkutan sa kanyang tinig, niyakap naman siya ng mahigpit ni Luisa para aluin.
"Huwag mo nang isipin iyon, ang mahalaga, pareho naman tayong walang kasintahan.. Wala tayong inaabalang tao – pwera na lang kapag nagtatalik tayo, pero.. Ganoon na lang ba dapat ang papel nating mga babae sa lipunang ito, ang manganak, mag-alaga at mag silbi sa kanilang mga asawang lalaki para masabing may pakinabang tayo?" Hindi mapigilan ni Luisa na mag litanya, lalo na't nakikita niya ang iba nilang ka-edad na nag aasawa, at iyon na lamang ang naging papel nila.
"Wala naman akong reklamo kung ikaw ang mapapangasawa ko, sa iyo lamang ako, araw at gabi.." Bulong ni Rosalia, itinulak niya pahiga si Luisa upang itaas ang dulo ng kamiseta nito, kitang-kita ang makikinis na binti nito. "Mahal ko, ibababa ko na ang panloob mo ha.." Paalam niya, tumango naman ang dalaga bilang tugon.
Isang gabing puno ng pagmamahal ang pinagsaluhan nila, malaya silang nagagawa ang gusto nila.
▪️▪️▪️
Kinabukasan nama'y dumating lulan ng kalesa ang kababata ni Rosalia na si Enrique, naabisuhan na ang pamilya Rosales na dadalaw siya dahil sa gusto niyang makita ang dalaga.
"Mahal ko, naghihimutok ka na naman.. Si Enrique ay isang kaibigan lamang, hindi ka naman siguro maninibugho hindi ba?" Wika ni Rosalia, habang nakayakap sa baywang ni Luisa.
"Hindi naman, pero ayoko lang kasing may ibang tumitingin sa iyo. Akin ka lang." May diin na sambit ni Luisa, napatingin na lang ito sa may bintana.
"Halika na, mag gayak na tayo at baka katukin na tayo." Ani Rosalia, tumayo ito at iniabot kay Luisa ang kamiseta. "Mamayang gabi na natin ituloy ang pagmamahalan natin."
Sumunod naman si Luisa, at nang makapagbihis na ito, nagpaalam na siyang uuwi sa bahay nila na ilang bahay lang ang pagitan. Nag asikaso na rin si Rosalia para sa kaunting salo-salo.
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
FanfictionCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄