Nakangiti habang naglalakad palabas ng opisina si Rhea ng mabangga niya sa daan si Rome, gulat man ay agad naman itong humingi ng paumanhin.
"Sorry, Rhea.. By the way, gusto ko rin sanang ibigay sa'yo ito." Iniabot ni Rome ang sobre, nakalagay ang resignation letter.
"Ah, ok." Tinanggap naman iyon ni Rhea, na parang wala lang. Agad na siyang naglakad palayo sa binata na nagtataka naman kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo nito sa kanya.
"Rhea, sandali... Can we please talk, for a while."
"Ano pa ba ang gusto mo, diba break na tayo?" Inis na turan ni Rhea, tiningnan niya ang kanyang relo. "Dalian mo at may meeting ako."
"Hey, I just want you to know that, I'm sorry.. I'm sorry if I'm invasive, so naive. But I'm doing this because I love you, hindi ko kaya kung wala ka."
"No, hindi pagmamahal 'yon. That's it." Tiningnan ni Rhea sa mata si Rome, "Don't show your face here at lalong-lalo na kina Yves at Lalaine." Naglakad na papalayo si Rhea at hindi na nilingon si Rome.
◉◉◉
Habang nasa tent si Lalaine para maghanda sa kanyang eksena noong araw na iyon, nagpunta si Richard, ang kanyang reel husband para kumustahin siya.
"Laine, bakit nakabusangot ka na naman?" Pansin nito ang biglang pagpakla ng mukha ni Lalaine noong inilapag nito ang telepono.
"Yung ex-boyfriend ng jowa ko, ayaw pa rin siyang tigilan.. Nasundo niya yung inis ko." Aniya habang kumukuha ng tissue pamunas sa pawis. "Tawag na ba tayo, tara na-"
"Hindi pa.. Laine, kung hindi naman kalabisan na itanong sa'yo 'to, pero.. This time ba, sure ka na isugal ulit ang puso mo?"
Nagulat si Lalaine sa tanong, pati siya napaisip din. "Chard, Rhea and I love each other. Why not, if it's worth the pain noong una."
"Sure ka ba na hindi na niya sisirain ang tiwala mo?"
"Bakit ang issue mo ha, mahal na mahal ko yung tao.. Plus, ito din ang gusto ng anak namin, that we will be a complete family again. Gusto ko ibigay kay Yves iyon." Huminga ng malalim si Lalaine. "Thanks sa concern pero hanggang doon lang 'yon ha, mahal ko ang mag-ina ko. And no one can ever take me away from them."
Nagpaalam naman si Richard, hindi successful ang misyon niya kay Lalaine. Masyado itong mailap sa kanya, matagal na niyang gusto si Lalaine ngunit hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon.
Naging smooth ang taping noong araw na 'yon at maaga nakapag pack-up, uuwi na si Lalaine kasama ng kanyang MUA ng makasalubong niya ulit si Richard na nagkakarga ng kanyang mga gamit sa sasakyan.
"Uuwi na kayo, tara sabay na kayo sa akin.." Aniya, nagtinginan naman si Lalaine at ang kanyang MUA.
"Actually, susundin kami ni Rhea– Ayan na siya!" Nakita ni Lalaine ang itim na SUV, bumaba dito si Rhea na galing pa sa opisina. Agad silang nagyakapan na para bang hindi nagkita ng ilang taon.
"I missed you, Laine!" Wika ni Rhea, at agad niyang hinalikan sa labi si Lalaine na tila nagitla pa.
Maski si Richard ay napanganga, kahit kailan, sa ilang buwan nilang magkasama ni Lalaine ay hindi ito nagpahalik sa labi. Kaya para siyang nakaramdam ng selos.
"I miss you.. Chard, mauna na kami!" Paalam ni Lalaine, kumaway na lang si Richard habang pinapanood silang sumakay sa kotse.
.
.
.
.
.
.
Matapos nilang mag siping, nakatulala na nakatitig sa kisame si Rhea. Napansin naman iyon ni Lalaine, kaya agad niya itong tinanong. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, may nangyari ba?""Kanina kasi.. Alam mo, nagseselos talaga ako sa ka-love team mo. Ewan, parang gusto ko syang upakan kasi iba yung tingin niya sa'yo!" Inis na turan ni Rhea, napangiti naman si Lalaine at yumakap sa kanya.
"Rest assured, walang kissing or bed scenes sa work.. They know that I would never do that, sa'yo lang." Isang halik naman ang iginawad ni Lalaine sa naka awang na mga labi ni Rhea. "Magtiwala ka lang sa akin, Rhea."
Napangiti naman si Rhea sa narinig, "May tiwala ako sa'yo. Sa mga lalaki lang talaga hindi, kahit alam na nilang may mga jowa na, gusto pa rin landiin."
"Let's take a shower muna.."
"Then, a quickie perhaps?"
"Ang L mo talaga!"
"Sa'yo lang!"
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
FanfictionCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄