Dumating sa piging na inihanda ng pamilya Rosales and pamilya Sevilla, ika-pito na iyon ng gabi, at ang mga malalapit na kaibigan ng dalawang pamilya ay naroon din.
Hindi maipinta ang mukha ni Luisa habang nakaupo sa silya, nais man niyang umalis agad sa lugar na iyon ay hindi niya magawa. Sa totoo lang, wala rin naman siyang magagawa dahil na rin sa kontrata.
Si Rosalia naman'y natapos na sa pakikipag-halubilo sa kanyang mga amiga, nagpunta na siya sa mesa kung nasaan si Luisa, naupo siya sa tabi nito at hinaplos ang braso ng dalaga.
"Pasensya na, Luisa.. Pagod ka na ba?" Aniya habang tinitignan ang mukha nito.
"Hindi naman, ayos lang. Gusto kitang makausap ng sarilinan, maari ba?" Wika ni Luisa, "Halina sa hardin." Agad naman siyang tumayo, hinintay niya si Rosalia at nagpunta sila sa hardin.
Nakaupo sila sa isang mahabang bangko, malamig ang simoy ng hangin. Tahimik na ninanamnam ni Rosalia ang panahong magkasama sila ni Luisa.
"Sabihin mo nga sa akin, sa paanong paraan mo ako nagustuhan?" Wika ni Luisa habang nakatingin sa mukha ni Rosalia.
"Gusto ko ang buo mong pagkatao, iyang pagiging mapagmatyag mo.." ngiting sambit ni Rosalia, "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik na makapiling ka, mula noong unang makita kita sa eskwelahan."
"Maari bang pigilan mo ang nararamdaman mo sa akin, masasaktan ka.. Hindi kita gusto." Malumanay ngunit masakit na salita ang binitiwan ni Luisa. Napangiti lang si Rosalia, na para bang balewala iyon sa kanya.
"Ngunit, gusto kita.. Gustong-gusto! Hindi mo ba iyon nakikita?" Hinawakan ni Rosalia ang mga braso ni Luisa, nagtama ang kanilang mga paningin, "Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na maipadama kung gaano kita kamahal."
Marahang lumapit ang mukha ni Rosalia, ngunit umiwas naman si Luisa, masyado siyang nabibilisan sa nangyayari.
"Mali ito, ituon mo na lang sa iba ang nararamdaman mo para sa akin.. Hindi kita gusto, naiintindihan mo ba?!?" Aniya, sabay yugyog sa mga balikat ni Rosalia. Agad itong umalis at iniwan siyang mag isa.
Tinawag ni Don Segundo ang atensyon ng lahat, "Nais kong ipabatid sa inyo, na ang aking anak na si Rosalia ay aking ipinagkakasundo sa anak ng aking matalik na kaibigan na si Luisa. Marahil ay nagulat kayo kung bakit sila, sa kadahilanang wala kaming mga anak na lalaki.. At ayaw rin naman naming magmadali ang mga ito na magsipag asawa." Napatingin siya kina Luisa at Rosalia, halata naman sa mukha noong una, na labag sa loob niya ang nangyayari.
"Hangga't walang silang binatang nagugustuhan, at kung magkapalagayan sila ng loob.. Ay isasaayos na namin ang pamamanhikan." Nagkatinginan ang dalawang dalaga, walang nagsalita sa kanila.
Nagpatuloy naman ang piging, nagsalo na ang lahat sa hapag at nagsimula na silang kumain. Tahimik naman si Luisa, habang nakaw na mga tingin naman ang iginagawad ni Rosalia sa kanya.
Matapos noon, nagsimula na magpaalam ang mga bisita. Pinayuhan na ni Doña Inez na magpahinga na sina Rosalia at Luisa, nagpunta naman ang mga dalaga sa silid kung saan sila pinagpahinga.
"Magpapalit lamang ako ng kamiseta." Paalam ni Luisa kay Rosalia, tumango naman ito. Ilang minuto ang nakalipas ay nakasuot na ito ng puting panloob, nakalitaw ang makinis na mga braso at binti nito. Napako ang tingin ni Rosalia doon, ngunit naalala niyang hindi pala siya nito gusto.
Nahiga na lamang si Rosalia sa kanang bahagi at nakatalikod ito kay Luisa, tahimik naman itong nakatitig sa kisame.
"Rosalia, gising ka pa ba?" Tanong ni Luisa, napalingon naman sa kanya ang dalaga.
"Bakit, hindi ka ba kumportable na may katabi ka.. Lilipat na lang ako.." Aniya, tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Luisa.
"Hindi kita pinapaalis.. Naninibago lamang ako, hindi ako pamilyar sa ganito. At saka, gusto kong humingi ng dispensa sa sinabi ko kanina sa hardin. Ayaw lamang kitang umasa." Ika ni Luisa, tinitigan niya ng maigi ang dalaga sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
FanfictionCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄