Undercover ( 6 )

583 23 3
                                    

"Sigurado ka bang hindi ako sasabit dito?"

"Basta hindi magsasalita ang mga kasama mo, ligtas ka. Tuloy na ba natin ang plano?"

"Tuloy na tuloy!"

Isang riot ang nangyari sa loob ng selda, ito ang naging dahilan para makatakas ang grupo nina Manuel Vizcarra sa piitan. May ilang pulis ang napatay at marami ang sugatan dahil may mga grupo rin ng armadong lalaki ang nanloob sa istasyon.

Nangngangalit sa galit ang hepe, ngayon lang nangyari ang insidente at nakatakas pa ang malaking isda.

"May isa sa mga pulis ang naging kasabwat nila sa loob, at kung sino man iyon.. Mananagot ka, tandaan mo 'yan!"

Nagkatinginan lang ang mga alagad ng batas, sina Ris at Leona ay nabahala sa nangyari.

Matapos ang meeting, nag ikot ang mga pulis, sumakay sa sasakyan sina Leona at Ris.

"Major, sa palagay mo.. Sino kaya ang nagpatakas sa kanila?"

"Alam mo ayaw ko naman mambintang ng walang ebidensya pero pansin mo ba na wala si Romualdez kanina.." sambit ni Leona, kumunot ang noo ni Ris at nag isip,

"Nag file ng leave 'yon, paano naman nadamay yung tao?"

"Alam mong may mali talaga, kasi hindi naman siya nag file! Umalis lang talaga siya, ang tanong dito kung sino pa ang mga kasama niya na nagpatakas kay Vizcarra."

"Teka—si Romualdez, ayun!" itinuro ni Ris kay Leona ang lalaking biglang sumakay sa itim na van na may dalang briefcase.

Sinundan nila ito, ngunit nakatunog ang driver ng van at pilit sila nitong iniligaw.

"Shit!" napahampas sa manibela si Leona ng hindi na nila nakita ang van, pilit siyang pinakakalma ni Ris.

"Kailangan natin i-report ito, tara na." sambit ni Ris,

"Sinasabi ko na nga ba, nasuhulan nila si Romualdez! Siya at ilan sa mga kasamahan nila ang nagpatakas kay Vizcarra, ngayon ang order ko sa inyo ay i-track down ninyo sila. Kailangan silang magbayad sa mga kasalanan nila!" ika ng hepe, sumaludo sina Leona at Ris bago sila umalis.

Mula ng makatakas si Vizcarra ay naghigpit na ng seguridad sa lugar at naglagay na ng checkpoint sa mga kalsada.

"May development na ba, Sanchez?" tanong ni Leona sa isa sa nagpapatrol, umiling ito.

"Ma'am ni anino ni Romualdez hindi makita, kinontak na rin namin ang pamilya niya kung umuuwi ba siya doon pero wala silang alam."

"Hindi naman siya gagawa ng desisyon kung sa tingin niya mali, i would like to give him the benefit of the doubt pero—"

"Iba na kapag malaking pera ang involve, Major. prinsipyo at salipi.. Pinili niya ang huli." ika naman ni Ris, tumango naman si Leona bilang pag sang ayon.

"Major Gerona, we need back up! May mga armadong lalaki ang sumalakay sa isang bangko sa Hidalgo!" sambit ng pulis sa radyo.

"Move, move!" tumakbo si Leona, sumunod naman si Ris at pumasok sila sa kotse.

Nakarating sila sa Hidalgo st kung saan may nanloob na mga armadong lalaki sa bangko, dumating sina Leona sa lugar kasama ng tatlo pang police cars, napaligiran na nila ang entrance ng bangko.

Isa sa mga nanloob si Romualdez, nakasuot ito ng maskara.

At nang nakipag barilan sila sa nga pulis ay nabaril siya sa balikat at paa, napasuko nila ang nga holdaper at isa-isang pinosasan.

Bakas sa mukha ni Leona ang pag aalala sa dating kasama na ngayon ay namimilipit sa sakit, binigyan na siya ng paunang lunas at isinakay sa ambulansya.

Pinuntahan ng mga imbestigador si Romualdez at inamin nito ang lahat naging partisipasyon niya sa pagtakas ni Vizcarra.

"Hindi mababago nito ang katotohanan na tinulungan mo sila, pagbabayaran mo ito." ika ni Chel, hindi na nagsalita si Bong.

Nagbuo ng special ops ang kapulisan, pinamunuan ito ni Leona. Nabalangkas na nila ang plano, kailangan maibalik si Vizcarra, buhay man o patay.

Nasa isang abandonadong gusali ang grupo ni Vizcarra at marami sila,

Habang nagpapakalango sila ay bigla silang nabulabog sa pagdating ng Special Ops, nakipagsabayan din sila ng putok ng baril sa mga ito.

Magkasama sina Leona at Ris sa pagbaril at marami na rin silang natamaan, nakita nila si Vizcarra na tumatakas sa rooftop.

"Ris, susundan ko siya.. Dito ka lang, provide support!"

"Major, pero—"

"I love you, babalikan kita!" hinalikan ni Leona si Ris bago siya umakyat sa rooftop.

Nagpaputok si Leona ng baril, napatigil si Manuel at itinaas ang mga kamay.

"Easy, Major.. Kailangan mo ako ng buhay, di ba?" aniya,

"Wala ka nang kawala, Vizcarra.. Dito na matatapos ang lahat!" dahan-dahan lumapit si Leona para kunin ang baril pero agad siyang sinunggaban ni Manuel at nakipagbuno dito.

Nang maka buwelo si Leona ay ni-arm lock niya ito, nabali ang kaliwang braso ni Manuel at namimilipit ito sa sakit.

"Ano, susuko ka na ba?" ika ni Leona, ngunit hindi natinag si Vizcarra at bumunot siya ng patalim at sa nalalabi niyang lakas ay sinksak niya sa tagiliran si Leona.

Bumagsak ang dalaga sa lupa, nakatingin siya kay Manuel at kita sa mata nito na hindi ito titigil hanggat humihinga pa siya.

"LEONAAAAAAAA!!!!!" sigaw ni Ris, binunot ni Leona ang pocket knife sa gilid ng bulsa niya at sinaksak din sa tagiliran si Manuel.

Natumba ito sa tabi niya, sumaklolo ang mga kasama niya.. Agad na nagpunta sa tabi niya si Ris.

"Leona, please huwag mo akong iwan! Mahal na mahal kita!" pagsusumamo ni Ris, napangiti si Leona sa mga sinabi ni Ris sa kanya.

"Mahal na mahal din— aaaargh!!!" napatingin si Leona sa sugat niya na kanina pa hindi tumitigil sa pagdugo.

"Dalhin na natin siya, we cannot lose her!" ika ng isa pa nilang kasama, binuhat nito si Leona at agad na ibinaba sa gusali.




Isang buwan ang makalipas...

"Good morning, Major!" ngiting sambit ni Ris, niyakap niya si Leona ng mahigpit at pinugpog ng halik.

"Hmm.. Good morning din, Ris!" aniya, tinitigan niya ang nga mata nito at hinalikan ang nakaawang na mga labi nito.

"Sarap naman, hehe. By the way, may pupuntahan tayong awarding ceremony after ng trabaho natin."

"Ayoko, nakiusap ako kay Chief na siya na lang ang kumuha nun, aalis kasi tayo ngayon!"

Nagtaka naman si Ris sa tinuran ni Leona, nakakunot ang noo niya dito.

"Ha?"

"I want you to be my wife, pakakasalan kita sa Las Vegas!"

𝙀𝙉𝘿

❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁

𝑺𝒐𝒓𝒓𝒚 𝒊𝒇 𝒃𝒊𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚, 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈 𝒊𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒆 𝒔𝒂 𝒏𝒈𝒂 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊 𝒔𝒂 𝑳𝒂𝒔 𝑽𝒆𝒈𝒂𝒔 𝒉𝒆𝒉𝒆.

𝑷𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒚𝒂 𝒏𝒂 𝒑𝒐 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒉𝒊𝒉𝒊𝒏𝒕𝒂𝒚 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊 𝒑𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂𝒂𝒔𝒊𝒌𝒂𝒔𝒐, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒃𝒂𝒃𝒂𝒘𝒊 𝒑𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒑𝒓𝒂𝒎𝒊𝒔!

𝑨𝒏𝒅 𝒑𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆, 𝒏𝒐 𝒔𝒄𝒓𝒆𝒆𝒏𝒔𝒉𝒐𝒕 𝒐𝒓 𝒘𝒉𝒂𝒕𝒔𝒐𝒆𝒗𝒆𝒓.. 𝑨𝒚𝒐𝒌𝒐 𝒎𝒂 𝒋𝒂𝒊𝒍 𝒆𝒓𝒂, 𝒋𝒖𝒔𝒌𝒐! 𝑯𝒂𝒚𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐-𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈 𝒆𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒔𝒂 𝑨𝑼𝒅𝒂, 𝒐𝒌?




LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon