Nabalitaan ni Luisa ang tungkol sa pamamanhikan ni Enrique kina Rosalia, noong minsa'y napadaan siya sa pamilihang bayan. Nalulungkot man, ngunit alam niyang para sa ikabubuti din iyon ng babaeng mahal niya.
Napilitan silang lumuwas ng Maynila para makaligtas sa galit ng Kura, sa kadahilanang ayaw ipagkasundo ni Don Rafael ang anak niya kay Valentin, isang heredero at may ari ng mga sakahan sa kanilang lugar. Nakatira ang mag ama sa pinsan ng kanyang ama na si Tomas.
"Señorita, kanina pa po kayo nakadungaw diyan sa bintana.. Bakit hindi ninyo subukang mamasyal?" Napansin ng kasambahay na si Pilar ang paghinga ng malalim ng dalaga.
"Wala akong gana, Pilar. Noong nasa probinsya ako, lagi akong na kina Rosalia.. At doon sa silid niya, doon kami masayang magkasama." Aniya, kinuha niya ang baso ng tubig at uminom.
"Mahal na mahal nyo po talaga siya ano, napaka swerte naman ni Señorita Rosalia. Tanong ko lamang, kung hindi naman po ninyo mamasamain.. Ano po ang pakiramdam na nagmamahal ng kapwa babae?" Tila nahihiwagaan si Pilar, alam niya na maari magmahal ang babae at lalaki pero ang magkaparehong kasarian at bago sa kanya.
"Hindi naman kakaiba iyon, hindi lang kayo magkakaroon ng supling. Iyon ang pagkakaiba. Iyon ang hindi nila makita, na normal lang na magkagusto sa taong itinatangi ng puso mo, maging lalaki man iyan o babae." Saad ni Luisa, napangiti siya ng maalala kung ano ang ginagawa nila ni Rosalia sa silid nito. Nagtataka naman si Pilar sa nakita sa amo.
"Ngunit, nagkagusto po kayo sa lalaki?"
"Maraming beses, ngunit, iba talaga si Rosalia eh. Minsan lang niya akong hinalikan, hinahanap ko na yung lambot ng mga labi niya. At saka kung paano niya ako yapusin, sa malamig na gabi." Napansin niyang napangiti din si Pilar, "Nako, Pilar, hindi ko iku-kwento ang ginawa namin!"
"Hindi po kita kukulitin, Señorita.. Nakapa espesyal sa inyo iyon, at masaya akong may taong nagmahal sa inyo ng totoo." Nang marinig iyon ni Luisa ay napabuntong hininga ulit siya.
"Mahal nga, pero ipinagkait naman sa akin. Hindi naman kalabisan yung hinihiling naming dalawa, ngunit nanghimasok ang estranghero sa relasyon namin. Nagtagumpay siyang paghiwalayin kami, ngayon ikakasal na yung babaeng itinatangi ko sa kababata niya."
Naputol ang pag uusap ng dalawa nang dumating si Don Tomas at Don Rafael, agad namang nag mano si Luisa sa mga ito.
"Hija, may gustong kumausap sa iyo.. Kaibigan mo raw?" Ika ni Don Rafael, nagtataka naman si Luisa sa narinig, at kailan pa siya nagkaroon ng kaibigan sa Maynila?
Isang matipunong binata, mestizo at may katangkaran. Yumuko ito ng kaunti bilang pagbibigay galang, tiningnan niya ng maigi si Luisa bago magsalita.
"Magandang araw, hindi mo ba ako naalala, Binibini?"
"Alberto? Kumusta!" Masiglang bati si Luisa, isa ito sa mga kalaro niya noon, gulat naman si Don Rafael na iyon na pala yung batang sakitin na dinadalaw nila noong munting bata pa ito.
"Mabuti naman, masaya akong makita kang muli.. Napakahabang panahon noong umuwi ako sa probinsya, ano na ang nangyayari doon?" Tanong nito, nagkatinginan ang mag ama.
"Hijo, kinumpiska ng Kura ang mga ari-arian namin, kaya napilitan kaming lumuwas dito." Wika ni Don Rafael, napatango naman si Alberto bilang tugon.
"Nakakalungkot naman pong malaman.." Tila may pahiwatig ang pagkakasabi ni Alberto, tiningnan lamang niya si Luisa.
"Papá, Tío, maari ko ba siyang kausapin ng sarilinan, may nais lang akong malaman." Paalam ni Luisa sa mga ito, sumang-ayon naman sina Don Rafael at Don Tomas, kaya agad nang naglakad papunta sa hardin ang dalawa.
BINABASA MO ANG
LenRisa: One shot AU
FanficCompilation ng kabaklaan sa LenRisa. - pawang ka-hopiaan lamang - gawa-gawa ng illuminati - huwag seryosohin, kaltok kayo sa akin! 🙄