CHAPTER 2.2: The Accident *+18*

245 7 6
                                    

KIAN

"Yoi, yoi! Isa pa Kian. Okay, wait, keep that pose... okay! Perfect!"

Patuloy lang akong nag-pose para sa camera habang patuloy naman ang pag-puri saaking ng photographer, si Darri. Kasalukuyan akong nasa studio para sa shoot ng SweetTooth Mag. Napatingin ako sa malaking wallclock na nasa pinakadulo ng studio at 6:20 am na pala.

"Okay, okay! Last shot na at may schedule pa si Kian!" sigaw ni Art, ang aking manager.

"Hai-hai!" nakangiti namang sagot ni Darri.

Matapos ang ilang minuto, natapos na rin ang shoot. Dumiretso na ako sa dressing room upang magpalit dahil 7am ang schedule ng unang shoot ng AoN.

"Handa ko lang yung sasakyan. Magpalit ka na, balik ako agad." paalam ni Art bago umalis ng dressing room.

Mabilis akong nakapagpalit ng damit pero hindi pa nakakabalik si Art kaya naupo muna ako sa sofa. Nilabas ko ang aking phone at nag-check ng mga notifications sa social media. Marami akong natanggap na DMs pero hindi ko pa binubuksan lahat. Yung iba kasi kalokohan lang, spam, o di kaya thirst messages. Mga DM lang ng mga kakilala ko ang binabasa ko agad dahil baka may mahalagang balita.

Ilang saglit pa, narinig kong bumukas ang pintuan kaya napalingon ako rito. Tinitigan ko mula ulo hanggang paa ang pamilyar na taong pumasok sa dressing room.

"Kian, hi." Nakangiting bati nito pero tumango lamang ako at binalik ang tingin sa aking phone.

"Sir Sebby, cr lang po ako." Dinig kong paalam ng kanyang kasama bago umalis.

Hindi ko pinansin si Sebastian nang maupo siya sa sofa, sa aking tabi.

"Long time no see, Kian. Di ko naman alam na tatanggapin mo pala ang offer para sa gawa ni Caelum." Saad niya di ko siya pinapansin.

Isang sikat na writer si Sebastian. Marami na siyang sinulat na kwentong nagkaroon ng drama adaptation. Karamihan din ng mga gawa niya ay BL kaya sikat siya sa mundo ng mga BL series. Ilang beses na siyang nagpadala ng request kay Art para kunin akong cast ng mga gawa niya pero lahat ng iyon ay tinaggihan ko.

"So... I heard cute daw ang partner mo. How about you star on my upcoming series?" mahina nitong saad habang dahan-dahang lumalapit saakin.

Napatingin ako sa kanyang kamay nang ipatong niya ito sa aking tuhod. Ito ang dahilan kung bakit lagi kong tinatanggihan ang mga offer ni Sebastian. Marami nang balita ang nakarating saakin sa paraan ng pagtrato niya sa mga nagiging cast ng kanyang mga gawa.

"Di mo naman sinabing you like younger boys." Bulong niya sa aking tenga kaya mabilis akong napatayo.

Mula nang na-announce na tinanggap ko ang role ni Zin sa AoN, marami nang kagaya ni Sebastian ang umaaligid saakin. Mga taong makikitid ang utak na akala dahil kasali ako sa isang BL series ay magkakagusto na rin ako sa mga lalaki. Nakakapang-init ng ulo.

"I don't swing that way. Tigilan mo ko kung ayaw mong masira yang peke mong ilong." Inis kong saad at tila nagulat siya.

"A-ano!? How dare y—"

"Kian let's go! Naka—what the? Anong ginagawa mo dito? Di mo ba nakikitang may gumagamit pa ng dressing room na to. Tara na nga Kian." Inis na saad naman ni Art nang makapasok siya sa dressing room at nakita si Sebastian.

Tinignan ko ng masama si Sebastian bago naglakad paalis ng dressing room.

"Hoy Kian di pa tayo tapos!" dinig kong tawag ni Sebastian pero hindi ko na siya nilingon.

..

Padabog kong sinara ang pintuan ng van pagkapasok. Napapikit nalang ako sa inis dahil sa mga sinabi ni Sebastian.

FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon