ZERO
"There you are." Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang boses ni Kian.
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya bago ngumiti ng alanganin habang pinapanood siyang humakbang palapit sa aking kinauupuan. Kita ko ang pagtabingi ng kanyang ulo bago yumuko palapit saakin, sobrang lapit ng kanyang mukha.
Ito nanaman siya. Mula nang magtapat siya saakin ay mas lumala ang kanyang pagiging malambing. Hindi ko naman maikakailang natutuwa ako ngunit nakaka kaba na ang kanyang mga ginagawa. Noong nakaraang linggo, pinadalhan niya ako ng food truck sa shoot. Tinanong ko kung para saan iyon at sinabi niyang pambawi raw niya dahil hindi niya ako masasamahan sa shoot dahil puno ang kanyang schedule. Nung una ay okay lang at sobrang saya rin ng mga staff dahil sa libreng pagkain. Gayun pa man, nitong mga nakaraang araw ay tuloy-tuloy niya akong pinapadalhan ng maraming pagkain, halos araw-araw na niyang pinapakain ang mga staff sa bawat shoot schedule ko.
Sinabihan ko na siya kahapon na itigil ang pagpapadala ng maraming pagkain ngunit tanging pagsisisi lang ang aking naramdaman.
'If you kiss me, I might change my mind.' ang sagot niya sa sinabi ko.
Nataon pang may scheduled shoot kami ngayon at magkasama kami buong araw. Iniisip ko palang ay kinakabahan na ako.
"K-Kuya." Utal kong tawag at tumigil siya sa paglapit saakin.
"What?" tila inosente niyang tanong habang nakayuko parin sa aking lebel.
"M-may mga tao. Sabi mo hindi ka gagawa ng kalokohan pag maraming tao, nangako ka." Paalala ko dahil sinabi niya yun noong nakaraang araw.
"Ugh... right. Okay, you win." Saad niya bago tuluyang lumayo kaya napahinga ako ng maluwag, buti nalang.
Kasalukuyan kaming nasa refreshment area at maraming tao dito. Busy man ang lahat, alam kong may ilang mga matang nakasubaybay saamin. Alam kong malaking tulong ang mga behind-the-scene videos namin ni Kian ngunit ayokong isipin ng lahat ng sinasadya namin ito para lang mapansin. Isa pa, kung ano man ang meron sa amin, gusto kong dahan-dahanin ito.
..
Lumipas ang mga araw at sa wakas ay ipapalabas na ang pangalawang episode ng AoN. Bukas na ito at talaga namang nasasabik na ako para rito. Sobrang bitin kasi ng unang episode at alam naming lahat na wala pa sa 1% ang nakita sa unang episode.
"Zero, sino ang kasama mong manonood ng second episode?" Tanong ni Sanna habang inaayusan ako para sa susunod naming eksena.
"H-hindi ko pa po alam. Busy po kasi si Kuya Kian at may mga schedule rin po ang mg aka-grupo ko. Baka mag-isa ko nalang po kung sakali hahaha." Patawa kong saad at kita kong nalungkot ang kanyang mukha.
"Eeh? Di pwedeng mag-isa kang manood! Gusto mo bang magkaroon tayo ng premier viewing kasama ang mga staff? Nag-usap-usap kasi kami kahapon at gusto naming manood ng magkakasama. Ano? Sama ka ba?" masayang tanong ni Sanna at napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.
"Hoy ano nanaman yan?" biglang tanong ni Mika nang makapasok siya sa dressing room at lumapit saamin.
"Tinatanong ko kung gusto niyang sumama sa viewing natin bukas ng gabi." Sagot naman ni Sanna habang nakatingin sakanya.
"Oh, bakit? Wala kang kasama? Pwede naman ah. Isa pa, kasama ang mga intern natin at si direk. Ang balita ko rin may ibang cast na pupunta." Saad naman ni Mika habang ngumunguya ng bubblegum.
"Totoo!? Kasama ang mga intern? Pati sina Chiharu at Keiji?" tanong naman ni Sanna na tila nasabik bigla.
"Yung mga banyaga? Not sure pero kung sasama si direk sigurado naman andun sila." Sagot naman ni Mika.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
FanficZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...