ZERO
"Ladies and gentlemen! Ang pinakabagong kakakiligan ng bayan! Playing Zin and El from the famous novel 'All or Nothing'! Five-time best actor awardee, Kian and TenUp main dancer and rookie actor of the year, Zero!"
Dinig sa buong mall ang ingay mula sa mga fans. Hindi ko inakalang ganito karami ang dadalo sa conference para sa series na ito. Di ko tuloy maiwasang kabahan.
Sumenyas ang floor director at humakbang na ako palabas ng backstage. Nag palakpakan at naghiyawan ang mga tao kaya lalo akong napangiti habang kumakaway. Napasulyap ako sa kabilang banda ng stage at palapit na rin ang aking kapareha sa gitna ng stage.
Pareho kaming tumigil sa gitna habang nakatingin sa isa't isa, nakangiti ng pagkatamis. Humarap kami sa mga tao at parehong kumaway.
"Heart! Heart!!!" Sigaw ng mga tao sabay taas ng banner na may nakalagay na "KiZe".
Tumingin ako sa baba at nakitang sumesenyas ang assistant director na lumapit pa kami sa isa't isa. Napatingin ako kay Kian at nakatingin din pala siya sa baba.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit saakin at bahagyang binaba ang ulo upang lumebel sa akin.
"May oras pa para umatras ka bata." Bulong niya habang nakangiti parin.
"Galing sa lalaking diring-diri sa BL. Ikaw dapat ang umatras, tanda." Bawi ko sakanya habang nakangiti rin at may kasabay pang pakurap-kurap.
"Correction. Una, hindi ako nandidiri sa BL. In fact, I find it very interesting. Pangalawa, walong taon man ang agwat natin, hindi ibig-sabihin matanda na ako." Nakangiti niyang sumbat habang naka-heart sign ang mga kamay.
"Talaga ba? Diba sabi mo 'what the ef' nung nabasa mo yung script?" Bulong ko habang ginagaya ang mga heart sign na ginagawa niya at tumitingin sa camera.
"Hindi ako nagmura dahil sa script. Nagmura ako dahil nakita ko yung picture mong nakasigpit sa script." Sabat muli niya at medyo nairita ako.
"Nakakahiya naman sa mukha mo, Mr. Superstar." Inis kong bulong pero nakangiti parin.
"Oh really, Mr. Rookie Actor?" Sabat niya at tumingin din saakin, nakangiti parin.
"Yabang." Saad ko.
"Isip-bata." Sumbat niya.
"Pangit."
"Brat."
"Hoy... Pssst! Umayos kayo! Di boxing poster ang ginagawa niyo!" Halos pasigaw na bulong ng assistant director na nasa baba ng stage.
Nun lang namin napansin na nakakuyom na pala ang aming mga kamay at tila susuntukin na ang isa't isa. Nagtinginan kami ni Kian at otomatikong umiwas ng tingin sabay ngumiti sa mga fans habang kumakayaw. Mabuti nalang at busy lahat sa pag-cheer sa mga kasama naming isa-isang pumagitna na sa stage matapos ipakilala ng host.
Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi siya, sobra. Kahit sinong artista ay gagawin ang lahat para lang makasama siya sa isang palabas.
Gayun pa man, kahit gaano pa kaganda ang imahe niya sa ibang tao, ayoko sakanya. Hindi lang sa ayoko, galit ako sakanya. Galit na galit!
Apat na taon bago ko pa siya makilala ng personal, mainit na talaga ang ulo ko sakanya. Dalawang buwan matapos mag-debut ang TenUp, nagperform kami sa isang award show. Matapos nun, pinanood ko lahat ng reaction videos sa internet at nahanap ang isang fan-cam video ni Kian. Kitang-kita ko kung paano niya pinigilan ang pagtawa nang mag-zoom-in ang camera sa aking mukha habang nagpe-perform kami. Nang makita ko yun, naghanap agad ako ng articles tungkol sa award show na yun at nahanap ang isang interview sakanya. Sa pinakadulo ng article, tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa mga nag-perform nang gabing iyon dahil maraming bagong grupo ang nabigyan ng pagkakataong magperform at lalo akong nainis sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
FanficZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...