ZERO
"Not until i know what I'm sorry for? Ugghhh." Gigil kong saad bago pinagsusuntok ang punching bag na nasa aking harapan.
"Oy oy, chill. Ang init ata ng ulo natin?" Natatawang saad ni Uno na ngayon ko lang napansing nadito pala.
Kasalukuyan akong nasa gym ng Hexa upang magpapawis at maglabas ng sama ng loob. Isang linggo na mula nang iwan ako ni Kian na nakaluhod sa sahig sa dressing room. Hindi pa pala sapat na sinadya ko siyang bisitahin kahit sobrang busy ng schedule ko. Hindi pa sapat na binilhan ko siya ng paborito niyang iced coffee at cake. Hindi sapat ang pagluhod ko sa kanyang harapan upang humingi ng tawad sa kung ano mang ginawa ko sakanya noong araw na iyon.
Hindi sapat ang lahat ng iyon!
"Sh.t." Mahina kong mura bago pinagpatuloy ang pagsuntok sa punching bag.
..
"Oh, punasan mo nga yan pawis mo. Kadiri." Saad ni Uno at binato ang facetowel sa aking mukha.
Hindi na ako nagsalita dahil hinihingal ako sa pagod. Naupo lang ako sa gilid habang nakasandal sa pader habang nakaupo sa aking tabi si Uno na kanina pa nagbabasa ng habang umiinom ng bubble tea.
"Bakit ka ba andito kung hindi ka naman mag wowork-out?" Tanong ko dahil nakatingin lang siya sa kanyang binabasa.
"Sabi ni kuya Alexis samahan daw kita." Simple niyang sagot bago humigop sa bubble tea na hawak.
"Kala mo naman mawawala ako." Bulong ko pero hindi ata niya narinig dahil nakafocus lang siya sa kanyang binabasa.
"Cr lang ako." Paalam ko at tumango lamang siya nang hindi tumitingin saakin.
Tumayo ako at tinahak ang daan patungong cr habang nagpupunas parin ng pawis. May mga pamilyar na mukha akong nakita sa gym kaya ngumiti lamang ako bilang pagbati sa mga nakatingin saakin. Nakakapagtaka lang dahil tila umiiwas ng tingin ang iba sakanila. Marahil ay hindi lang nila ako kilala kaya ganun.
..
"Tagal sa banyo ah. Tumae ka ba?"
"Ay putek-- Uno naman eh!" Pasigaw kong sita dahil sa gulat.
Pagkalabas ko kasi ng banyo, bigla nalang nagsalita si Uno na nakatayo sa gilid ng entrance.
"Tara na nga. Hinahanap na tayo sa taas." Saad naman niya bago humakbang palayo.
"Okay." Tanging sagot ko at sinundan na siya pabalik ng aming room.
Gaya ng mga normal na araw, dumaan ito ng mabilis. Ginugol ko ang aking oras sa panonood ng acting tutorials at pagbabasa ng script. Ganun lang ang aking ginawa hanggang sa makatulog na ako.
..
Sobrang dilim ng paligid, wala akong makita.
'Zero...'
Naririnig ko ang aking pangalan pero hindi pamilyar ang boses na iyon.
"Uhmmm..."
Napaigtad ako nang may maramdaman akong kamay sa aking bewang. Napakagat-labi ako nang makaramdam akong haplos mula sa aking bewang pataas ng aking dibdib. Halos maputol ang aking paghinga habang bumaba ang haplos patungo sa aking mga hita.
"W-wag..." Mahina kong bulong pero tila may narinig akong mahinang tawa.
'Zero...'
*GISING NA!!!*
Mabilis akong napamulat ng mata nang marinig ko ang tunog ng aking alarm. Napahawak ako sa aking dibdib at napatitig sa kisame. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
ФанфикZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...