ZERO
*PRESENT*
Nakangiti lang kami ni Kian habang nakaupo sa gitna ng long table na nasa stage. Sa kanan ko si Josh at direk Hale, kasama ang iba pang staff ng Twin Ent. Sa kaliwa naman ni Kian ay sina Vin at Eris, kasama ang mga screenwriter at acting coach.
"Sorry for waiting everyone. Finally, I am delighted to introduce to you the cast of All or Nothing!" Masayang saad ni direk Hale at naghiyawan ang mga tao.
Nagpatuloy ang pagsasalita ni direk habang lahat kami nakikinig. Bigla akong nakadama ng pagkauhaw kaya napahawak ako sa aking leeg. Napalunok ako ng laway pero lalo lang akong nauhaw. Tumingin ako sa likod ng aking upuan at ilalim ng mesa upang maghanap ng tubig pero wala.
"Thirsty?" Dinig kong tanong ni Kian kaya napatingin ako sakanya.
Nagulat ako nang may iabot siya saaking bottled water. Tinignan ko ang tubig at muling tumingin sakanya.
"Anong nilagay mo diyan?" Tanong ko kaya napataas ang kanyang kilay.
Ngumiti siya ng bahagya bago binuksan ang tubig.
"See? Seal's not broken. Tubig lang yan." Saad niya at kinuha ang aking kamay bago idikit dito ang hawak na tubig habang nakangiti.
Napakunot ako ng noo dahil sa kanyang inaasal. Nakakapagtaka ang pagiging mabait nanaman niya saakin. Kanina lang halos magsuntukan kami tapos ngayon ganito nanaman siya.
"Yang mukha mo hahaha." Bulong ni Josh mula sa likod kaya napalingon ako sakanya.
Napatingin lang ako sakanya nang lumapit siya sa akin. Tinakpan niya ng kanyang kamay ang kanyang bibig at naramdaman ko ang hininga niya sa aking tenga.
"It's called fan service. Sabayan mo nalang siya." Bulong niya at dahan-dahang lumayo.
Napatingin lang ako sakanya at nagulat nang kumindat siya. Napansin kong lumihis ang tingin ni Josh sa aking kaliwa bago nilabas ang dila na tila nang-aasar.
Nagulat ako nang may kamay na humawak sa aking kanang balikat. Narinig ko ang pagtawa ni Josh bago humarap sa mga manonood at umupo ng maayos. Napalingon naman ako sa may-ari ng kamay na nakahawak saaking balikat at nagulat nang makitang sobrang lapit ng mukha ni Kian saakin.
"Aaaahhh!!!"
Nagulat ako sa malakas na pagtili ng mga tao kaya napatingin ako sakanila. Naghahampasan pa ng braso ang ibang manonood kaya nagtaka ako. Akmang titingin ako kay direk Hale nang mapansin ko ang aking mukha sa malaking screen nasa gawing kanan ng stage. Nun ko napansin na nakatutok pala saaming tatlo ang camera.
Nun ko lang naintindihan ang sinabi ni Josh na "fan service". Dahil sa inis ko kay Kian, muntik ko nang makalimutan ang aking trabaho. Parte nga pala ng pagiging cast ng BL series ang malakasang fanservice. Sa pagkakaalala ko, may gusto si ang Eron kay Eli sa AoN. Kumbaga love triangle ang kakalabasan naming tatlo.
Ngumiti ako bago tumingin kay Kian at hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa aking balikat. Kita kong bahagya siyang nagulat pero mabilis din siyang ngumiti. Bigla tuloy umandar ang pagkapasaway ko. Palihim kong kinurot ang kanyang kamay at natawa ako nang manlaki ang kanyang mga mata. Ngumiti naman ako sakanya, pilit na pinipigilan ang aking pagtawa.
"So let them introduce themselves. Starting with... Itong katabi ko."
Napatingin ako kay direk Hale nang marinig ang kanyang sinabi. Tinanggal naman ni Kian ang kanyang kamay sa aking balikat at pareho kaming umupo ng maayos.
"Hi everyone!!! Namiss niyo ba ako?" Masayang bati at tanong ni Josh kasunod ng malakas na sigawan ng mga tao.
"Wow hahaha. Well, my name is Josh and I play the role of Eron." Maiksing saad ni Josh bago napatingin kay direk Hale.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
Fiksi PenggemarZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...