CHAPTER 3.2: The Tension

206 7 22
                                    

ZERO

Mabilis akong napaatras nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kian sa aking bewang.

Kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang reyalisasyon ko sa aking ginawa. Napatingin ako sa mata ni Kian at kita ang pagkagulat. Maski ako ay nanlaki rin ang aking mga mata dahil sa aking ginawa.

"You two okay? Parang nakakita kayo ng multo." Komento ni direk nang makalapit siya saamin kaya sabay kaming napaiwas ng tingin.

"Okay na. Next pose na tayo direk." Dinig kong saad ng photographer kaya mabilis akong napatayo at humakbang palayo kay Kian.

"You okay?" tanong ni direk nang makalapit siya kay Kian kaya palihim akong sumulyap sakanya.

"Never been better." Nakangiti namang sagot ni Kian habang nakatingin saakin.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang makita kong abot-tenga ang kanyang ngiti na tila natuwa talaga siya sa nangyari.

"U-uhm, ate Sanna, retouch." Pagdadahilan ko at humakbang palayo kila Kian dahil kung magtatagal pa ako doon ay baka mamatay na ako sa kahihiyan.

Ilang sandali pa ay nakahanda na ang pangalawang set-up ng photoshoot. May malaking itim na swivel chair sa gitna ng platform. Naalala kong may mahalagang eksena sa kwento ang nangyari sa office scene kung saan naging parte ang swivel chair ni Zin.

"Kian, Zero." Tawag ni direk kaya lumapit kami pareho sakanya.

"Remember the scene here? Yung office scene, the hot one." Saad niya at tumango naman si Kian kaya tumango na rin ako.

"It's an important part in the novel so we have to portray a part of it here. Yung tipong sexy and conservative at the same time. Are we on the same page here?" tanong ni direk saamin at tumango lang kami.

"Okay, let's begin. Kian, sit here, legs open." Utos niya kay Kian at mabilis naman itong sinunod ni Kian.

"Move further, spread your legs more. Zero, umupo ka rito sa gitna." Utos ni direk at bago pa ako makaangal ay hinila na niya ako at itinulak paupo sa pagitan ng mga hita ni Kian.

"Shi--- di ba pwedeng dahan-dahan?" inis na tanong ni Kian habang nakatingin ng masama kay direk.

"Oops, sorry about that. Napisa ba? Hahaha." Pang-aasar ni direk bago umalis patungo sa monitor.

"S-sorry..." bulong ko habang nakatingin sa aking kanan kung saan bahagya ko siyang nakikita.

"Sorry? For what?"

Nagulat ako nang bigla siyang bumulong sa aking tenga kaya mabilis akong napaiwas sakanya.

"U-uhm... kasi... nevermind." Saad ko nalang at inayos ang aking pagkakaupo.

Umusog ako paharap upang hindi masyadong dumikit ang aking katawan kay Kian.

"Where do you think you're going?" tanong ni Kian bago ko maramdaman ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

Bago pa ako makaangal ay hinila na niya ako palapit sakanya. Maluwag ang swivel chair na aming gamit kaya kasya kami pareho sa ganitong posisyon. Gayun pa man, naiilang ako dahil ramdam na ramdam ko ang kanyang katawan saakin likod.

"Hey, just do something! I have to answer this." Biglang saad ni direk mula sa monitor kaya napatingin ako kay Kian.

"You heard him. Start posing." Seryosong saad ni Kian kaya mabilis akong tumingin sa camera.

Tila otomatiko kaming gumalaw sa bawat tunog ng camera. Dinig ko rin ang mga compliment ng mga taong nanonood. Hindi ko alam kung anong itsura namin upang mamangha sila ng ganito. Isa lang ang nasa isip ko, kailangan kong galingan.

FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon