CHAPTER 12: Their Story

112 9 9
                                    

ZERO

"It's about Kian." saad ni Santana kaya napalunok ako.

Anong sasabihin niya? Na sakanya lang si Kian? Na magkakabalikan din sila? Na ... hindi kaya buntis siya?

"Ey, hold your horses. Parang kung saang lupalop na napunta yang isip mo hahaha." Natatawang saad niya kaya naman napatigil ako sa pag-iisip.

"S-sorry po." Saad ko naman dahil sa kung anu-anong naisip ko tungkol sakanya.

"I just want you to know that there's nothing going on between me and Kian." deretso niyang saad kaya muli akong napatingin sakanya.

"P-po?" tanong ko.

"We're just friends, yun ang gusto kong malaman mo. I've been reading those nasty tweets about me and him and of course you. Alam ko ang pakiramdam mo, Zero. Those people just want something to pry on kaya dapat huwag kang magpaapekto." Saad niya kaya at hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa.

"P-pero... bakit mo sinasabi saakin to?" tanong ko kaya napatingin naman siya saakin.

"Well, let's just say I know a man's love when I see one hahaha." Saad niya at pakiramdam ko namumula nanamang ang aking mga pisngi sa hiya.

"Don't tell me tama ako? Oh my! That bastard really did fall in love with you hahaha!" lalo akong nag-init sa hiya dahil sa sinabi niya kaya mabilis kong ininom ang iced cola na binigay niya kanina.

Muli akong napatingin kay Santana at hindi ko mapigilang magtaka sa kanyang inaasal. Kung magsalita siya ay tila matagal na niyang kaibigan si Kian. May hindi parin matanggal sa aking isipan na noon ko pa gustong malaman kung totoo ba o hindi. Marahil ay ngayon na ang pagkakataon para malaman ko ang totoo.

"T-totoo po bang naging kayo si Kian ng dalawang taon?" nag-aalangan kong tanong at kita kong napatigil siya bago ngumiti ng matamlay.

"You want the truth or the one the from the media?" tanong niya kaya napakunot ang aking kilay.

"Well, you are his boyfie so I guess you have the right to know. Kian helped me back then. Ang totoo niyan, I had a girlfriend." Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"I-ibig-sabihin po..." hindi ko kayang ilabas ang nais kong sabihin.

"I'm lesbian, yes. At tinulungan ako ni Kian na itago ito mula sa lahat. He's the best friend an artist can have at hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya para saakin." Saad niya habang nakatingin sa hawak na lata at nakangiti.

"You know, I've never seen Kian look at anyone like that. The way he looks at you, the way he treats you, everything he's doing, all of it new to me. Kaya noong sinabi niya saakin na nahanap na niya ang taong mahalaga para sa kanya at na naiintindihan na niya ako noon, naisip ko agad na ikaw ang tinutukoy niya. Please take care of him, hm? Kahit gago yun, matino parin siya kahit papaano hahaha."

Hindi ko mapigilang matawa sa huling sinabi ni Santana. Okay na sana pero hanggang sa huli may pang-asar parin siya.

"Ano? Okay na ba ang pakiramdam mo? Wala ka nang pag-aalinlangan kay Kian?" tanong niya at ngumiti naman ako bago tumango.

..

"Wow, ang galing talaga ng mga new-gen, right partner?" tanong ni Santana nang matapos ang prod ng bagong grupo.

"Yes partner. Nakakamangha silang panoorin. Mula sa choreo at pag-awit, makikita mo talagang sagad sila sa ensayo." Komento ko naman na ayon sa que card.

"Diba ganun din kayo?" biglang tanong ni Santana na wala sa script kaya napatingin ako sakanya.

"Yes naman. Kailangan mag ensayo ng mabuti para sa mga fans, ate." Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong tinawag ko siyang "ate".

FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon