ZERO
"Zero, great news! Inimbitahan ka ng Music Jam para mag-host nextweek!" masayang balita ni Ate Jam nang makarating ako sa practice room ng Hexa.
Music Jam ang isa sa pinaka-pinapanood ngayong musical-variety show sa bansa at ang maging guest host nito ay isang malaking pagkakataon para saakin. Gayun pa man, sa dalawang schedule ng Music bank, una ang 12pm show na live broadcast at ang 5pm show na pre-recorded.
"Talaga Ate? Anong oras daw?" tanong ko naman.
"12 pm!" nakangiti niyang sagot pero napatigil ako.
Sa dalawang schedule, sa live broadcast pa talaga ako napunta? Ibig-sabihin, hindi ako maaring magkamali!
"Okay ka lang Zero?" tanong ni ate Jam kaya mabilis akong ngumiti.
"O-oo naman ate. Medyo pagod lang." pagdadahilan ko pero ang totoo niyang kinakain na ako ng aking kaba.
"Zero! Halika na!" tawag ni kuya Stan mula sa loob kaya pumasok na ako.
Patuloy kaming nag-ensayo pero hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang live hosting na gagawin ko. Ayon din kay ate Jam, si Franz ang makakasama kong guest host. Kagagaling lang niya sa Japan tour niya at ang balita ko malapit na siyang maglabas ng bagong album. Matagal na siya sa industriya at kung ikukumpara saakin, malayong mas marami siyang fans.
Hindi ako maaring magkamali kundi pati siya madadamay kung sakali. Hindi kasi maiiwasang magkaroon ng mga komento ang mga fans tungkol sa chemistry ng mga host sa Music Jam. Ang iba, ginagawan agad ng issue na hindi raw magkasundo ang mga host kaya nagkakamali o di kaya nai-intimidate.
Kailangan kong galingan!
..
"Wow, that's great then. Papanoorin kita bukas while on break." Saad ni Kian sa kabilang linya habang naghahanda akong maligo galing practice.
"E-eh? Papanoorin mo ko?" taranta kong tanong dahil sa kanyang sinabi at narinig ko namang tumawa siya.
"Of course. Mag-hohost ang kasintahan ko kaya kailangan kong manood." Napatigil ako sa kanyang sinabi at napangiti.
Kasintahan. Hindi parin ako makapaniwalang kami na nga ni Kian.
"Tsk, oo na, oo na. Tawagan kita mamaya at maliligo pa ako." Saad ko habang nakangiting inaayos ang mga sabon sa banyo.
"Maliligo ka? Ugh, kelan ba tayo maliligo ng sabay?" reklamo niya sa kabilang linya at ramdam ko ang pag-init ng aking mukha.
"K-kuya naman eh!" sita ko pero lalo lang siyang tumawa.
"Hahaha. Sorry na. End the call at maligo ka na." bawi naman niya at tinapos ko na ang tawag.
Para akong hibang na nakangiti habang hawak ang aking phone at nakatayo sa gitna ng banyo. Mula nang natulog ako sa bahay ni Kian, naging bahagi na ng bawat araw ko ang kausapin siya. Sabi nga niya, kasintahan niya ako, kasintahan ko na siya. Pakiramdam ko, lahat ng pagdududa ko ay nawala nalang na parang bula mula nang araw na iyon. Ang araw na...
"Tama na Zero. Maligo ka na." saad ko sa aking sarili habang umiiling dahil baka hindi lang pagligo ang gawin ko kapag patuloy ko pa siyang maisip.
Halos isang linggo na mula nang maging opisyal kami ni Kian at sa mga araw na iyon ay lumala ang pagiging malambing niya, on set at off set. Lagi rin niya akong tinatanong kung kelan ulit ako maaring matulog sa bahay pero lagi ko siyang sinasagot ng 'ewan' at 'basta'.
Ang totoo niyan, gusto ko rin namang matulog ulit doon kaso natatakot ako. Nang hinatid niya ako sa dorm, agad akong nag-search kung paano nagtatalik ang mga lalaki at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Iniisip ko palang ay tila mahihimatay na ako sa mangyayari saaking katawan kapag nagtalik kami. Napuno ng "paano" at "kaya ko ba?" ang aking isipan mula nang araw na iyon kaya naman pinilit kong iwasan na mapag-usapan namin iyon ni Kian.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
FanfictionZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...