ZERO
"... And that's Fake Tears by Bulletproof Boys. ... this is Sunny and you're tuned in to Sunny-sunny Live~" masayang bati ni Sunny, isang sikat na radio dj.
Sikat ang mga live broadcasts niya sa YT dahil bukod sa magaling siyang host, puro sikat na tao ang iniimbitahan niya sa kanyang studio.
"And we're with our special guest, TenUp Zero!"
Hindi ako makapaniwalang andito ako ngayon kasama siya ngayon.
"Hello po, ako po si Zero ng TenUp." Masaya kong pakilala habang kumakaway sa limang camera na nakatutok saamin.
Bukod kasi sa radio station at YT, naka live din kami sa ibang social media accounts ng kanyang palabas. Kita ko rin sa tablet na nasa aking harapan na marami nang nakasubaybay saamin sa YT, nakakatuwa.
"Oh~ alam mo bang ang tagal ka nang nirerequest ng mga viewers ko? Finally, I got a chance haha." Masayang saad ni Sunny kaya napangiti ako.
"Sobrang saya ko rin pong andito ngayon." Saad ko at ngumiti naman siya bago tumingi sa kanyang monitor.
"Let's talk about your show, All or Nothing. Tell us more about it." saad niya gaya ng sa nasa notes na binigay niya saakin kanina bago magsimula.
"All or Nothing po ay isang action filled drama from the best-selling BL novel of Caelum. Nasa pang anim episode na poi to ngayon at sana po ay suportahan niyo ang palabas na ito. Kasama ko po rito sina kuya Kian, Josh, Eris, Vin, at marami pa pong iba." Saad ko bago ngumiti sa camera.
"Nasa episode six na pala tayo? Oh wow, parang kelan lang. Ang totoo niyan, inaabangan ko talaga ang AoN since the first episode. Lalo na at painit ng painit na ang bawat episode~" tila kinikilig na saad ni Sunny kaya napatakip ako ng mukha sa hiya.
Malapit na kasing ipalabas ang mga extra-hot scenes namin dahil patikim palang ang nangyari sa huling episode. Kung tutuusin, wala pa sa kalahati ng ginawa namin ni Kian ang nakikita na nagpaparamdam saakin ng hiya at tuwa.
Nagpatuloy ay interview namin at kung titignan sa mga komento ng mga nanonood, tila natutuwa sila sa aming mga pinag-usapan. Magkahalong kalokohan at promotion kasi ang forte ni Sunny at talaga namang napaka komportable niyang kausap.
"Ah! Speaking of gifts, malapit na ang birthday ni Kian. May plano ka na ba?" saad niya at napatahimik ako.
Tama, sa susunod na linggo na ang birthday ni Kian pero hanggang ngayon wala pa akong maisip naireregalo.
"A-ang totoo po niyan, naghahanap pa po ako ng ireregalo hehe." Nahihiya kong saad at napuno ng mga komento ang comment panel.
"Wow, ang daming willing tumulong para sa regalo ni Kian hahaha. Let's read some of your comments. Suit? Relo, flowers hahaha. Stuff toy..." patuloy na binasa ni Sunny ang mga komento habang nakatingin kami pareho sa tablet.
Hindi ko mapigilang matawa sa mga komento ng mga nanonood per napatigil ako sa kakaibang komento.
'Birthday sex~'
Nanlaki ang aking mata at mabilis na napatingin kay Sunny at nagtama ang aming mga mata. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago tumawa ng pagkalakas ni Sunny at namula naman ako sa hiya, mukhang nakita rin niya ang nakita ko.
"Hey, hey, huwag kung anu-ano nirerekomenda niyo! Kayo talaga~" komento ni Sunny at muling napuno ng tawanan ang studio.
..
Napabuntong-hininga ako habang nakahiga sa kama. Ilang araw nalang at kaarawan na ni Kian at hindi ko parin alam kung ano ang bibilhin para sakanya. Naisip ko nang bilhan siya ng suit pero nakita ko sa kanyang wardrobe na puro custom made ang kanyang mga sinusuot na suit. Kung perfume naman, nakita ko rin na galing pang ibang bansa ang mga bote na nasa kwarto niya. Sa relo, napakaraming nakadisplay sa bahay niya kasama ng mga necktie.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
Fiksi PenggemarZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...