KIAN
"Kuya... pwede bang... akin ka lang?"
Pakiramdam ko tumigil ang oras dahil sa mga salitang binitawan ni Zero. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanyang inaantok na mga mata.
"Gusto kita Kuya... sobra... akin ka lang, ha?" bulong pa niya kaya lalo akong napangiti.
Kung tutuusin, hindi na dapat siya nagtatanong ng ganito dahil una palang ay pag-aari na niya ako.
Akmang sasagot na sana ako nang napapikit ang kanyang mata bago tuluyang natumba kaya mabilis ko siyang niyakap.
"Sir Kian!" dinig kong tawag ng isang malaking lalaki habang patakbong palapit sa aming direksyon.
"Troi?" tanong ko nang tuluyan na siyang makalapit sa amin.
Troi Grieldon, half-American at assistant slash bodyguard ni Hale. Marahil ay pinasama nanaman siya ng kuya ni Hale para magbantay. Kung tutuusin, mahilig kasing pumunta sa bar at mga club si Hale kaya madalas siyang napapaaway. Binigyan tuloy siya ng kuya niya ng bantay.
"Sir Kian, kanina ko pa po siya hinahanap. Hinihintay ko siyang lumabas sa banyo pero pagpasok ko wala na siya sa loob. Sorry po." Paghingi niya ng tawad pero nginitian ko nalang siya.
"Okay lang. Ako na ang bahala sakanya. Sabihin mo kay Hale na umuwi na kami, okay?" bilin ko sakanya at tumango naman siya bago umalis.
Muli kong tinignan si Zero at nakitang wala na siyang malay, marahil ay tulog na sa sobrang kalasingan. Napabuntong-hininga nalang ako bag siya buhatin, bridal style. Mabuti nalang at malapit lang ang parking area sa aming kinalalagyan dahil kung hindi baka nabitawan ko na siya. Dahan-dahan kong sinakay si Zero sa front passenger seat ng aking kotse bago nagtungo sa driver's seat.
"Hello? Alexis?" tanong ko nang sagutin ni Alexis ang tawag ko.
"Hey Kian, anong meron?" tanong naman niya, tila hindi pa nila alam na lumabas si Zero.
"Kasama ko si Zero ngayon kaso lasing siya." Saad ko at napasulyap kay Zero na kasalukuyang nakatulog sa aking tabi.
"Lasing? Teka... lumabas siya? Bakit di siya nagpaalam sakin? Ugh, yang batang yan talaga. Pag may nakakita sakanyang ganyan, ano nalang ang mga lalabas na issue kung sakali?" nag-aalalang tanong ni Alexis at tama naman siya.
Hindi man alam ni Zero pero unti-unti nang dumadami ang mga matang nakamatyag sakanya. Hindi na lang siya miyembro ng TenUp kundi lead actor ng nangungunang series ngayon.
"Iuuwi ko nalang muna siya." Saad ko at natahimik ang kabilang linya.
"Alexis? Hell—"
Napatigil ako nang biglang may kamay na gumapang sa ilalim ng aking damit. Nun ko lang napagtantong nakasandal na pala si Zero sa aking balikat habang pinapasok ang kanyang kamay sa ilalim ng aking t-shirt.
"Fine. Mas okay kung uuwi muna siya sayo. Paki-ingatan nalang siya, Kian." dinig kong pagpayag ni Alexis ngunit hindi ako makapagsalita dahil unti-unting tumataas ang kamay ni Zero pataas sa aking dibdib.
"Kian? Are you there?" tanong ni Alexis kaya mabilis kong hinawakan ang kamay ni Zero na nasa ilalim ng aking damit.
"Yeah, uhm, alis na kami. Baka may makakita pa saamin dito." Paalam ko bago patayin ang tawag at tumingin kay Zero.
"Hey, stop it." utos ko ngunit nakatingin lang siya saakin habang nakasimangot.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at ninakawan ako ng halik bago dahan-dahang umatras.
"Isa pa..." bulong niya bago ako makapagsalita at muli akong hinalikan sa labi.
Ngayon ko lang ulit nakitang magkaganito si Zero mula nang araw na iyon. May kakaibang titig sa kanyang mga mata at hindi ko mapigilang mag-isip ng hindi maganda.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
FanfictionZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...