CHAPTER 9: TIPSY

146 8 8
                                    

ZERO

Tahimik akong nakaupo sa aking kama, yakap ang aking mga tuhod habang nakatingin sa aking phone na nakalapag sa aking harapan. Matagal ko nang alam na nagkaroon ng mga karelasyon si Kian ngunit noon pa ang mga iyon. Karamihan pa ng mga iyon ay, ayon sa mga tabloid, promotion-purpose lamang. Gayun pa man, hindi ko alam kung bakit kailangang ungkatin ng mga tao ang mga nakaraan.

Tapos na ang mga iyon pero bakit hinahalungkat pa nila? Para ba sirain ang pangalan niya? Para sirain kami? Hindi ko talaga maintindihan.

Nagulat ako nang biglang nagliwanag ang screen ng aking phone at mabilis kong nahagip ang pangalan ng nag-chat saakin. Agad ko itong inabot at binuksan bago mapatigil sa aking nabasa.

'Can I call you?' tanong ni Kian kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

Akmang sasagot na sana ako nang mag-ring bigla ang aking phone at halos mabitawan ko ito sa gulat. Kinabahan ako lalo nang makita kong video-call pala ito kaya mabilis akong napatingin sa salamin. Maayos naman ang aking mukha dahil hindi pa ako nag-sha-shower.

"H-hi Ku—" napatigil ako nang makita ko ang itsura ni Kian.

Nakatapat ang camera sa kanyang mukha at halatang kakaligo lang niya. Isa pang nagpatulala saakin ay kita ko ang kanyang dibdib dahil nakatopless siya.

"Hey, wait kakaligo ko lang. Stay here." Dinig kong saad ni Kian ngunit hindi ako makasagot dahil sa aking nakikita.

Tahimik akong nakatingin sa aking phone habang naglalakad si Kian at linapag ang phone sa tila mesa sa loob ng kanyang kwarto. Mula sa anggulong aking nakikita, kita ko ang malaking kama at kanyang walk-in closet. Akmang magsasalita na sana ako nang naglakas siya palayo sa akin at tumambad ang topless na si kian. Hindi lang iyon dahil naka tapis lamang siya ng tuwalya. Biglang uminit tuloy ang aking pakiramdam habang nakatingin sa kanyang katawan. Lalong nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang tinanggal ang tuwalyang nakatakip sa kanyang katawan kaya mabilis kong binaba ang aking phone upang hindi siya makita.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng isang malakas na tawa mula sa aking phone, tawa ni Kian. Dahan-dahan akong tumingin sa aking phone at lalo kong narinig ang malakas niyang pagtawa. Nun ko napansin na nakasuot pala siya ng boxer shorts na kulay pink.

"Kuya talaga." Napasinghal ako sa inis dahil sa kabang aking naramdaman sa kanyang ginawa lalo lang siyang tumawa bago pumasok sa kanyang walk-in closet.

Hindi ko inakalang ganito ang kwarto ni Kian, napaka-minimalist. Akala ko noon ay magarbo ang bahay ni Kian dahil yun din ang mga nababasa ko sa mga fan-fic na ginagawa ng kanyang mga fans. Hindi ko mapigilang mapangiti habang sumusulyap sa kwarto ni Kian, nakakapanibago.

 Hindi ko mapigilang mapangiti habang sumusulyap sa kwarto ni Kian, nakakapanibago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Liked the show? Hahaha." Natatawa niyang tanong nang makalapit na siya sa camera habang nakasuot na ng pajama pants pero nakatopless parin.

Napatawa nalang ako habang pinapanood siyang naglakad paatras bago biglang nahiga sa kama at kita ko ang pag-alog ng paligid.

FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon