CHAPTER 6: The Feels

102 8 9
                                    

KIAN

(ISANG ORAS BAGO ANG PANGYAYARI)

Ilang araw nang kakaiba ang kinikilos ni Zero at nababahala na ako. Bigla bigla niya akong iniiwasan at sinusungitan. Minsan naman sobrang lambing at mabait. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala at mag-isip ng kung anu-ano.

"May ginawa ba akong masama?" Di ko mapigilang tanungin sa aking sarili habang nakatingin sa aking phone.

"Ha? Sakin? Oo naman. Gusto mo isa-isahin ko?" Biglang saad ni Art na kasalukuyang nagmamaneho.

"Hindi kita kinakausap." Inis kong sagot habang nakatingin sakanya ng masama.

Napasandal ako kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

Hindi ko siya maintindihan.

"Hey, may napansin ka ba kay Zero?" Tanong ko kay Art bago tumingin sa rear view mirror.

"Zero? Bakit? Nag away ba kayo?" Medyo natatawa niyang tanong.

"I shouldn't have asked you in the first place." Inis kong bulong dahil alam ko namang hindi ko talaga siya makakausap ng matino.

"Ito naman, di na mabiro. Bakit ba? Sobrang sweet niyo nga eh. Baka nagtatampo lang?" Bawi ni Art.

"Nagtatampo?" Naguguluhan kong tanong.

"Hay naku Kian. Alam mo napakamanhid mo. Sobrang busy mo nitong nakaraan at madalas kang nasa trabaho. Kelan ba ang huling beses na nag usap kayo ni Zero?"

Natahimik ako sa sinabi ni Art. Kung tutuusin, medyo matagal na mula nang naupo kami sa iisang lugar at nag usap. Sobrang busy ko rin sa trabaho pero gayun din naman siya.

"Matanong ko nga, nag chachat manlang ba kayo?" Tanong ni Art.

Agad kong kinuha ang aking phone at binuksan ang aking IG account. Napatigil ako nang buksan ko ang convo namin ni Zero at makitang ang huli naming usapan ay noong nag live broadcast sila. Mula noon hindi na kami nag kausap sa chat.

"Ano? Kita mo? Ako nga hindi mo nirereplyan eh." Sumbat ni Art habang nakatingin sa kalsada.

"Ugh shit." Inis kong singhal.

Marahil nga ay nag tatampo si Zero dahil hindi ko siya nakausap nitong nakaraan. Pero paano ko siya kakausapin kung pareho kaming puno ang schedule? Tulog nalang ang pahinga ko pag-uwi at wala na akong oras para mag online.

Napatingin ako sa bintana at nakita ang isang pamilyar na shop, MoonBux Cafe. Naalala ko ang bubble tea na binili ko para kay Zero noon.

"Hey, anong oras ang shoot nila ngayon?" Tanong ko kay Art.

"Si Zero? Two pm ata." Sagot ni Art.

"Teka... Bakit mo alam?" Tanong ko ulit nang mapagtanto kong sa tuwing tinatanong ko siya ay alam niya ang schedule ni Zero.

"Duh? Halos kada-oras mo akong tinatanong ng schedule niya kaya kinuha ko na kay Jam." Sagot niya naman kaya napatango nalang ako.

May mahigit isang oras pa bago ang shoot nina Zero kaya pwede ko muna siyang dalawin.

"Daan muna tayo sa MoonBux. May bibilhin ako."

..

"Good afternoon po! Ano pong order niyo?" Tanong ng cashier habang nakangiti.

Nakasuot ako ng cap at itim na facemask upang matago ang aking mukha. Madalas ay si Art ang inuutusan kong bumili pero iba ang sitwasyon ngayon. Gusto kong personal na bilhan si Zero.

"D1, grande." Simple kong sagot sa cashier at pinindot na niya ang order ko.

"Ano pong pangalan?" Tanong niya kaya napaisip ako.

"Ze--"

"Omg! Nakita mo ba yung tweet ng KiZe International? Yung behind the scenes nina Kian at Zero?" Biglang saad ng mga babaeng nasa likuran ko kaya napatigil ako.

"Ze po?" Tanong muli ng cashier kaya napatingin ako sakanya.

"Ze..Zee. Double E." Sagot ko nalang dahil baka may makamukha saakin kung sakaling Zero ang sasabihin kong pangalan.

"Okay po. D1, grande for Sir Zee. Pakihintay nalang po." Saad niya matapos kong magbayad.

Tahimik akong naupo sa pinakadulong mesa habang nag hihintay.

"Oh. My. Nakita mo ba to?" Biglang tanong ng isang babae na nakaupo sa tabi kong mesa.

"Oh my... Ang sakit talaga sa apdo ng KiZe. Napuyat ako kagabi kakanood ng fan edits nila. Sobrang nakakakilig. Pano pa kaya pag lumabas na ang first episode nila? Hindi na ako makahintay~" Halos patili namang komento ng isa.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa mga sinasabi nila.

"Sir Zee? Order for Sir Zee!" Dinig kong tawag ng nasa counter kaya tumayo na ako upang kunin ang aking order.

Hindi na ako makapaghintay na makita si Zero. Sana magustuhan niya ang binili ko.
..

"Gaya nga ng sabi mo, we do it all for the fans. I'm just doing what you want, Kian." Saad ni Zero at tila nakaramdam kong nanghina ang aking mga kamay.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ko mapagtanto kung saan nanggagaling ang galit niya. Kung ano ba ang talagang ginawa ko at ganito siya magsalita.

"Diba yun ang sinabi mo? Infairness, best-actor ka talaga. Napakatotoo ng pag-arte mo. Maski ako napa-paniwala. It's fine now Mr. Superstar. Hindi mo na kailangang magpanggap kung dadalawa lang tayo. Hindi lang naman ikaw ang professional dito. Kaya ko ring magbigay ng fanservice."

Ito ba ang puno't dulo ng lahat? Ang palagay niya ay fanservice ang lahat ng ginagawa at ginawa ko para sakanya?

Tumingin ako sa kanyang mga mata at di ko mapigilang mapatitig. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Kung ano ba ang dapat kong sabihin at gawin, hindi ko na alam.

..

Ilang araw na ang lumipas at patuloy akong iniwasan ni Zero. Gayun din na sa tuwing may mga taong nakapaligid at nakakakita saamin, umiiba ang kanyang ugali. Ang mga ngiting aking nakasanyang, ang kanyang kamay na lagi kong hawak, ang kanyang boses na lagi kong naririnig, lahat nakikita at nararamdaman ko. Gayun pa man, tila isang de-kontrol na manika, nag-iiba siya sa tuwing kami nalang ang magkasama. Ang mga mata niyang tila walang gana at inaantok, ang boses niyang mahina at tipid niyang mga sagot. Sobrang lamig sa pakiramdam.

Pero sino ba ako para magreklamo? Maski ako, hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Aminado akong magaan ang loob ko kay Zero at masaya ako sa tuwing magkasama kami. Pakiramdam ko nawawala ang pagod ko pag hawak ko siya sa aking mga kamay.

Ano nga ba ang mga ginawa ko para kay Zero? Fanservice nga lang ba?

Fan service man o hindi, pakiramdam ko huli na ang lahat. Mula sa tono ng pananalita hanggang sa inaasal ni Zero, kita kong wala na siyang interes saakin. Marahil ay mas maayos nang ganito. Trabaho ang dahilan ng aming pagtatagpo at dapat lang na seryosohin namin ito.

Tama. Ako si Kian De Vega. Hindi ko hinahayaang maapektohan ng personal kong nararamdaman ang aking trabaho.

..

Gaya ng dati, sinabayan ko ang nais ni Zero. Dalawang araw ko na siyang sinusunod at hindi ko maitatangging nahihirapan akong umiwas. Minsan gusto ko siyang hilain upang yakapin ngunit natatakot akong magalit siya lalo. Dapat ay makuntento na ako sa oras na binibigay niya saakin sa tuwing magkasama kami. Ilang buwan pa at matatapos na ang shoot namin. Pagkatapos ng lahat, babalik na sa normal ang aming mga buhay.

"So... are you ready?" Tanong ni Hale kay Zero habang nakatayo kaming tatlo sa likod ng isang bar kung saan kukunan ang isang mahalagang eksena ng AoN.

"O-opo. Kabisado ko po." Saad ni Zero.

"Sige, let's do the first take." Saad ni Hale bago umalis.

"Scene 165, take one!" Dinig kong sabi ng isang staff bago tumunog ang slate.

"Kuya..." Mahinang tawag saakin ni Zero, ngayon ay nasa karakter ni Eli.

Ito ang bahagi ng kwento kung saan lasing si Eli at sinundo siya ni Zin. Ito ay matapos tanggihan ni Zin ang nararamdaman ni Eli para sakanya.

"Eli, kailangan mo nang umuwi." Seryoso kong saad at hinawakan siya sa braso upang alalayan.

"Bakit kuya? Bakit... bakit hindi tayo pwede? S-sabi mo gusto mo akong kasama. Na magaan ang pakiramdam mo saakin? Hindi ko maintindihan..." Saad ni Zero na naayon sa script.

Napatitig lang ako sa kanyang mga mata. Nalulungkot ako sa mga salitang binibitawan niya sa aking harapan. Ito nanaman ang nararamdaman kong hindi naman dapat.

"Cut!" Dinig kong tawag ni Hale kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.

Mabilis bumitaw si Zero mula sa kanyang pag kakahawak sa aking damit bago humakbng palayo. Maya-maya pa, lumapit saamin si Hale.

"Zero, are you okay? Parang... may kakaiba sayo ngayon?" Pansin ni Hale bago hawakan ang balikat ni Zero.

"U-uhm... hindi ko rin po alam." Nahihiyang sagot ni Zero kaya napabuntong hininga si Hale.

"Hey, look at me. Sabi ko naman sayo, it's not always how good you memorize the lines. It's the feelings that comes with it. You know what, forget the script." Biglang saad ni Hale kaya napatingin ako sakanya.

"P-po? Pero..." Naguguluhang saad naman ni Zero.

"Tell me, Zero. Ni minsan ba na-in love ka na?" Tanong ni Hale na siyang nagpaubo saakin.

Hindi ko maisip na maririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig ni Hale.

"H-hindi po..." Mahinang sagot ni Zero bago umiwas ng tingin.

"Well this won't be easy. Hey, look at me. Isipin mo ang sitwasyon ni Eli. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may taong nakakaintindi sakanya. Sa unang pagkakataon, hindi niya kailangan magpanggap sa harap ng taong malapit sakanya. Kung kelan napagtanto niyang mahal na niya si Zin, sasabihin ng taong ito na hindi sila pareho ng nararamdaman. Yung sakit ng pagkabigo, the betrayal Eli felt! Ang magmahal ng taong hindi maibalik ang pagmamahal na kaya mong ibigay."

Hindi ko mapigilang mapaisip sa mga salita ni Hale. Ang magmahal ng taong hindi naman dapat at ang pagtanggap ng nararamdaman para sakanya. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob na sabihin ang lahat upang lamang mabigo at masaktan. Ang masakit na katotohanan na hindi lahat ay aayon sa nais at inaasahan mo.

"Is the pain really worth it?" Tanong ko sa aking sarili.

"Okay, take two!" Biglang saad ni Hale kaya napabalik ako sa kasalukuyan.

Pinanood kong lumapit saakin si Zero at napansing umiba ang kanyang tingin saakin. Hindi ko alam ang ginawa ni Hale ngunit tila epektibo ito.

"Action!"

"Kuya... sabihin mo saakin. Bakit mo pinaramdam na mahalaga ako. Na kailangan mo ko. Na gusto mo rin ako?" Simula ni Zero habang nakatingin ng diretso saakin.

Iba ang mga sinasabi niya sa nasa script at hindi ko mapigilang mapatitig sakanya.

"Kuya... bakit di mo ako pwedeng magustuhan?" Pagpapatuloy ni Zero bago nagsimulang umiyak at mahigpit na kumapit sa aking damit.

"Hindi ko maintindihan. Bakit mo pinaramdam saakin ang lahat ng ito kung hindi mo ako gusto!? Kuya! Ahh!!!" Pasigaw na saad ni Zero habang patuloy na umiiyak sa aking harapan.

Napapikit ako kasabay ng patulo aking luha. Hindi ito bahagi ng eksena ngunit hindi ko mapigilang maiyak sa mga salitang nagmumula kay Zero. Pilit ko mang balewalain, ramdam kong hindi si Eli ang aking nasa harapan kundi si Zero.

Patuloy na humagulhol si Zero habang bahagyang sinusuntok ang aking dibdib. Tumayo lang ako at tinanggap ang bawat niyang salita at sampal habang pilit pinipigilan ang pagnanais na yakapin siya.

"Cut!" Dinig kong sigaw ni Hale bago nagpalakpakan ang mga tao sa aming paligid.

Dinig ko parin ang mahinang paghikbi ni Zero kaya niyakap ko siya.

"Zero... tahan na..." Bulong ko ngunit hindi siya sumagot.

Hinawakan ko siya sa braso at bahagyang tinulak palayo. Tumambad saakin ang nakapikit at tila walang malay na itsura ni Zero.

"Z-Zero? Zero!" Paulit-ulit kong tawag ngunit nakapikit parin ang kanyang mga mata.

Ramdam kong nanginig ang aking mga kamay habang binababa si Zero sa sahig. Inalalayan ko ang kanyang ulo ng aking kanang kamay habang tinatapik ng kaliwa ang kanyang pisngi.

Nagkagulo ang paligid at dinig ko ang sigaw ng mga tao. Gayun pa man, tanging kay Zero lang nakatuon ang aking atensyon.

..

Tahimik akong nakaupo habang nakatingin sa walang malay na tao sa aking harapan. Nakahiga siya sa kama sa loob ng camper van kung saan siya dinala ng medics. Ayon sa sumuri sa kanya kanina, pagod at kulang daw sa pahinga ang dahilan ng pagkawala niya ng malay.

Kita ko ang pag-aalala ni Jam at ng mga tao nang makita ang sitwasyon ni Zero. Maski ako ay nakaramdam ng takot nang mapagtanto kong wala nga siyang malay.

"Kian, we have to go." Tawag saakin ni Art habang nakatayo sa may pintuan ng van.

FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon