ZERO
"Ano ba kasing nangyari? He's been asleep since this morning. Pag tinatawag kong kumain, tinataboy naman ako." Dinig kong reklamo ni Kuya Alexis sa pintuan ng aking kwarto.
"Hindi ko nga alam. Basta nang pumasok ako kagabi, umiiyak na siya. Halos buong araw na siyang tulog. Nag-aalala na ako." Komento naman ni Kuya Stan.
Hindi ako makabangon. Wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko dumaan ako sa dalawampung drama workshop sa hapdi ng aking mga mata. Gusto ko lang matulog.
..
"Zero?" Tawag ng pamilyar na boses na agad nagpamulat sa aking mga mata.
"Ther..." Mahina kong bulong at muling tumulo ang aking luha.
Mabilis akong niyakap ni Ther, halos mapahiga na rin sa kama.
"Ther... Ther..." Paulit-ulit kong sambit habang patuloy niya akong pinapatahan.
..
"Fvck. Kung alam ko lang..." Inis na bulong ni Ther nang ikwento ko sakanya ang nangyari, mula nang mapalapit ang aking loob kay Kian hanggang sa aking napanood.
"Sh.t. I'm so sorry Zero. Wala akong kaalam-alam. I thought you two were doing great. Hindi ko inakalang---"
"Ther. Wala kang kasalanan. Isa pa, sapat na saakin ang andito ka. Salamat." Mahina kong saad habang hawak ang kanyang kamay.
Napuno ng katahimikan ang aking kwarto habang nakaupo kami pareho sa kama. Nailabas ko na ang gusto kong sabihin at pakiramdam ko ilang sandali nalang, mawawalan na ako ng malay dahil sa pagod.
"You need to rest, Zero." Bulong ni Ther bago ako niyakap ng mahigpit.
"Magiging okay rin ang lahat." Muli niyang bulong bago ako pinahiga sa kama.
..
"Good morning!" Masaya kong bati nang marinig ko ang boses nina Kuya Alexis at Kuya Jacob mula sa kusina.
"Ay pusa--- Zero! Alam mo namang magugulatin ako! Buti naman lumabas ka na sa lungga mo." Nakangiting saad ni Kuya Jacob bago ginulo ang aking buhok gamit ang kanyang palad.
"Bunso, dito dali." Tawag saakin ni Kuya Alexis kaya lumapit ako sakanya.
Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit bago hinalikan ang aking noo.
"Nakangiti na ng bunso namin ah." Saad niya bago bumitaw at nginitian ako ng napakatamis.
"Thank you Kuya. And sorry dahil pinag-alala ko kayo." Saad ko habang nakatingin sa kabilang direksyon.
"Haha. Bunso, you have nothing to be sorry for." Nakangiti niyang sabi bago ko naramdaman ang kanyang kamay sa aking pisngi.
"Zero!!!" Dinig kong sigaw ni Kuya Stan bago makaramdam ng mahigpit na yakap mula sa aking likuran.
Lahat kami nagulat sa kanyang pagsigaw pero tila inasahan ko na rin ang ganitong reaksyon ni Kuya Stan. Umikot ako bago siya niyakap pabalik ng sobrang higpit.
"Waaah! Zero!" Muli niyang sigaw kaya napatawa kaming lahat.
Tama. Ganito dapat. Ganito lang dapat.
Sa tatlong araw na lumipas, marami akong napagtanto. Una, hindi ko dapat iniiyakan ang taong kagaya ni Kian. Pangalawa, mali ako upang isiping totoo ang lahat sa mundo kung saan lahat ay may ginagampanang papel. Pangatlo, kailangan kong magtrabaho dahil hindi ako mabubuhay ng kakaiyak lamang.
Alam kong alam nina Kuya na hindi pa ako okay, kita ko sa kanilang mga mata ang pagkabahala at pag-aalala. Ang totoo niyan, nahihiya akong magkwento sakanila ang talagang nangyari. Gayun pa man, nagpapasalamat ako dahil hindi nila ako pinipilit mag kwento.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
FanfictionZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...