ZERO
Huminga ako ng malalim bago uminom ng tubig habang nakatayo sa paanan ng malaking kama. Andito kami ngayon sa isang hotel kung saan kukunan ang isang bed scene ng AoN at sobrang abala ang lahat habang inaayos ang set.
"Zero, blocking tayo." Tawag ni direk at tumango naman ako bilang tugon.
"So, Zin will carry you to bed and we'll have a close-up on your face here..."
Patuloy akong nakinig sa mga sinasabi ni direk, sinasaulo ang mga anggulo na dapat kong tandaan. Mahalaga ang bahaging ito ng kwento dahil ito ang magsisilbing turning-point ng relasyon nina Zin at Eli.
"Oh, Kian! Nakapalit ka na?" tanong ni direk kaya napalingon ako sa aking likuran.
Hindi ko mapigilang mapatulala sa itsura ni Kian. Nakasuot siya ng long-sleeve black polo at nakabukas ang mga botones nito kaya kitang-kita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan.
"Yeah. Is it fine that I open it all the way through?" tanong ni Kian.
"Hoy, hindi. Isara mo nga yan. Matatanggal palang yan mamaya dahil hihilain ni Eli ang damit ni Zin sa eksenang to." Paliwanag naman ni direk.
"Mind helping me out?"
Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Kian habang nakatingin ng diretso saakin.
"H-ha? Kaya mo na yan." Saad ko at mabilis na umiwas ng tingin.
"Puro ka kalokohan, Kian. Sige na, ayusin mo na yan para makapasimula na tayo." Saad naman ni direk bago kami iniwan upang makipag-usap sa ibang staff.
"So you're not gonna help me?" pag-uulit ni Kian pero inirapan ko lang siya.
"Pft. You're so cute." Dinig kong komento niya kaya mabilis akong napatingin sakanya.
"Whatever. Bilisan mo na nga diyan." Saad ko at naupo sa gilid ng kama.
Pinanood ko ang mabagal na pag-aayos niya ng mga botones na aking hihilain mamaya. Habang nakatingin sakanya, hindi ko mapigilang maalala ang mga nangyari kanina sa dorm. Hindi parin ako makapaniwalang pinagnanasaan ko ang sira-ulong ito.
"Okay, first take na tayo!" anunsyo ni direk kaya tumayo na ako mula sa kama.
..
Gaya ng nasa script, binuhat ako ni Kian mula sa pintuan patungo sa kama, bridal-style.
"A-aray..." ungol ko nang pabagsak niya akong binaba sa kama.
"Naku naman! Pano ba ako napunta sa sitwasyong ganito!?" inis na tanong ni Kian sa kanyang sarili.
"Oh? Zizi! Attor...ni Zizi!" tila wala sa sarili kong tawag sa kanya habang nakaturo sa kanyang mukha.
"Manahimik ka bata kung ayaw mong makatikim ng di mo pa natitikman." Inis niyang saad habang nakatingin saakin ng masama.
"Di ko pa natitikman? HA-HA-HA! Patikim!" parang bata kong sigaw habang nakataas ang mga kamay sa ere.
Nagulat ako nang biglang pumaibabaw si Kian saakin at alam kong kitang-kita ang aking naging reaksyon. Sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin at amoy na amoy ko na ang kanyang hininga kaya hindi ko mapigilang mapaatras.
"CUT!"
Napa-buntong-hininga ako nang marinig ko ang boses ni direk Hale.
"Kian, ano yan? Ginugulat mo si Zero!" saad ni direk mula sa kabilang kwarto, gamit ang kanyang mega-phone.
"Ha-ha. Sorry. Diba sabi sa script susunggaban ko siya?" saad ni Kian habang nakatayo sa paanan ng kama.
"K-kuya! Hindi yun ang nasa script!" sita ko naman nang maalala kong hindi yung ang dapat niyang gawin.
BINABASA MO ANG
FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]
FanficZERO POV Superstar KIAN DE VEGA. Best Actor awardee ng limang beses, blockbuster action and drama movies, sold-out fan meetings and concerts. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon at siya ang kapareha ko sa serye na ito. Bukod sa mayaman, pogi s...