CHAPTER 4.2: I was Happy

161 7 12
                                    

Zero

Naramdaman kong hinawakan ni Kian ang aking mga balikat bago ako itulak palayo sakanya.

"What did you say?" Tanong niya, tila di makapaniwala sa narinig.

"Hm? Anong sinabi?" Pagmamaang-maangan ko naman sabay iwas ng tingin.

"Don't 'hm?' me. May sinabi ka!" Tila iritado pero nakangiti niyang saad na may kasamang pag-alog saaking mga balikat.

"Wala akong sinabi!" Natatawa kong saad at kita ko ang magkahalong naiinis at natatawang ekspresyon ni Kian.

"Hale! You heard him right? He said he---"

"Wala nga akong sinabi! Alis na ako!" Pagputol ko sakanya bago ko siya itulak palayo saakin at tumakbo paalis ng kwarto.

..

Isang linggo na ang nakalipas mula nang araw na iyon at sobrang naging mas malambing si Kian. Madalas niya akong bilhan ng pagkain, samahan sa shoot kahit wala siyang eksena, at lagi siyang nakadikit saakin sa tuwing naka-break kami.

"Mmm! This tastes good, tikman mo." Saad ni Kian matapos niyang humigop sa binili niyang bubble tea habang nakaupo kami sa sofa na nasa refreshment area ng set dito sa police station.

Kakatapos lang namin ng unang take para sa araw na ito at kasalukuyang sina Vin ang may eksena kaya naghihintay muna kami habang nakaupo sa sofa.

"Diba pareho to?" Tanong ko habang nginunguya ang pearl ng binili niya para saakin.

"Nope. This is a new flavor. I wanted to try it first kaya yung dati ang binili ko para sayo." Saad niya habang nakatapat sa aking bibig ang straw ng kanyang inumin.

Tinignan ko muna ang kanyang hawak na bubble tea bago muling tumingin sakanya. Hindi ko mapigilang mapangiti nang muli niyang sinensyas na tikman ko ito.

"Mm? Hmm... Mmm! Masarap nga. Anong flavor?" Tanong ko habang nginunguya ang pearl na aking nahigop.

"I think it's coffee caramel pero may halong kung anu-ano. I didn't bother to see the name. Gusto mo ba?" Tanong niya habang pinupunasan ang gilid ng aking labi.

"Gusto ko kaso... Pano to?" Saad ko at itinaas ang hawak kong inumin.

"Palit nalang tayo." Mungkahi niya kaya napangiti ako.

"Okay." Sabi ko na may abot-tengang ngiti at inabot sakanya ang aking inumin.

"So... Talagang di niyo ako papansinin?" Biglang sabi ni Art na nun ko lang napansing nasa harap pala namin.

"Andito ka pa?" Masungit na tanong ni Kian kaya napatawa ako.

"W-wow. Matapos kitang samahang bumili niyan, gaganyanin mo ko? Talaga ba Mr. Kian?" Pag-aarte naman ni Art sabay hawak sa kanyang dibdib.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ni Kian habang iniinom ang bubble tea na dapat ay akin.

"Ipapaalala ko lang po sanang nag-email kanina ang Lollipop Mag. Nalipat sa katapusan ang event nila na dapat ay next week gaganapin. Baka lang kasi makalimutan mo po." Tila nang-iinis na saad ni Art kaya hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood sila.

"Or really? Yun lang ba? Pwede mo namang sabihin saakin yan mamaya, diba?" Saad naman ni Kian.

"Wala na po tayong oras mamaya dahil may eksena kayo mamaya, may meeting ka pa mamayang gabi, at matutulog ka na pagkatapos. Tuloy-tuloy din ang schedule mo kaya baka wala nang oras para---"

"Sh.t, oo na, oo na. Pinapasakit mo ang ulo ko." Saad ni Kian bago uminom ng hawak na bubble tea.

"Oh? Diba ayaw mo ng choco--- aray! Ano nanaman!?" Angal ni Art nang biglang kurutin ni Kian ang kanyang pisngi.

FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon