CHAPTER 7: Invite

107 7 5
                                    

ZERO

Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang dumating na ang araw kung kelan ipapalabas ang unang episode ng All or Nothing. Muli kong naalala ang pangako ni Kian na magkasama naming papanoorin ito at hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot.

"Oh, oh. May lutang nanaman dito. Kumuha ka na ng mga kumot at unan. Malapit nang matapos sila Kuya Alexis sa meryenda. Isang oras nalang ipapalabas na ang first episode!" medyo tarantang saad ni Kuya Stan habang pinupunasa ang tea table sa gitna ng sala.

Kasalukuyan kaming naghahanda para panoorin ang premier ng AoN at hindi ko maitatangging umaasa parin akong darating si Kian.

"With or without him, papanoorin parin natin and premier, okay?" Alala kong sabi ni Kuya Alexis kaninang umaga.

Tama. Andito man siya o wala, papanoorin parin namin iyon. Isa pa, kasama ko ang mga taong mahahalaga saakin kaya dapat lang na maging masaya ako.

Gaya ng utos ni Kuya Stan, nagtungo ako sa kwarto upang kunin ang mga extrang kumot at unan. Sa kwarto ko kasi nakatago ang mga iyon dahil may malaking aparador doon. Mula sa kwarto, dinig ko ang ingay nila Kuya, napaghahalataang masyado silang excited. Normal nang maingay sila pero iba ang ingay nila ngayon, halos triple. Kinuha ko muna ang limang unan at dalawang kumot, may tatlong kumot na nakalapag sa aking kama. Tumingin ako sa bukas na pintuan at nahagip na tumatalon-talon si Kuya Stan patungo sa kusina. Hindi ko mapigilang matawa sa kanyang inaasal. Marahil ay magnanakaw ulit siya ng pagkain.

Naglakad ako palabas ng kwarto at naisipang tawagin si Kuya Stan upang kunin ang iba pang kumot sa loob dahil hindi ko kayang hawakan lahat. Dinig ko ang kanilang ingay nang makalabas ako ng kwarto at nagulat ako nang nasalubong ko si Uno na may hawak na camera. Napatawa nalang ako dahil sobrang lapit nito sa aking mukha.

"Ang oa naman neto." Patawa kong komento pero tumawa lang siya bago naglakad paatras.

Hinanap ng aking mga mata si Kuya Stan sa sala ngunit wala siya. Naalala kong nagtungo siya sa kusina kaya naman, habang hawak parin ang mga unan at kumot, lumingon ako upang tawagin siya.

"Kuya, pakikuha yun... ku... mot...?" napatigil ako habang nakatingin sa pamilyar na mukha.

Kian...

Nakatayo siya sa may kusina habang nasa likuran niya sila Kuya Stan at Kuya Jacob.

"Oh ano? Tatayo ka nalang ba diyan? Tulungan mo si Zero. Hindi dahil bisita ka eh espesyal ka, ha?" medyo natatawang saad ni Kuya Jacob bago marahang tinulak si Kian palapit saaking direksyon.

"Hi." Nakangiti naman niyang bati at lumapit upang kunin ang mga hawak ko.

Nang maramdaman kong dumampi ang kanyang mga kamay sa aking braso, nun ako natauhang nasa harapan ko ngayon si Kian.

"A-ako na. Pakikuha nalang yung—ano... yung nasa kwarto." Kabado kong utos bago umiwas ng tingin.

Dinig ko naman ang bahagya niyang patawa bago humakbang palayo saakin. Mabilis akong umikot at naglakad patungo sa sala.

..

"Hoy Zero, matagal ka pa ba dyan? Malapit nang mag-umpisa!" Tawag ni Kuya Stan na may kasamang malalakas na pagkatok.

"A-andyan na!" sagot ko naman habang nakatingin parin sa salamin.

Halos sampung minuto na ako dito sa banyo dito sa aking kwarto at hindi pa rin kumakalma ang aking pakiramdam. Hindia ko makapaniwalang darating talaga si Kian. Alam kong parte ito ng aming trabaho pero hindi ko na kayang magpanggap. Mula nang nagkasagutan kami ay hindi na kami nag-usap. Nagsimula na rin siyang umiwas at pinilit kong sabihin sa aking sarili na tama lang iyon.

FAN SERVICE: KIAN and ZERO |ZeeNunew|Filipino| [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon