Chapter 55

196 15 1
                                    

I had a lot of missed calls and messages from kuya Sandro, Athena, Mom, tito Shaun and also Simon. I don't want to talk to anyone right now, I just wanted to be alone. I was crying since I saw camille's post and directly went straight dito sa bagong bahay na binili ko. Walang nakakaalam about this house kaya hindi talaga nila ako mahahanap and naka off din yung location ko. Natigil lang ako sa kakaiyak a few minutes ago, naubos na ata yung luha ko kase kahit pa nasasaktan ako ng sobra ngayon ay wala nang luha ang gustong pumatak mula sa mga mata ko. Kapag mahal mo ng sobra ang isang tao, sobrang sakit din ang balik sayo sa sandaling makagawa ng mali ang taong mahal mo.As much as I wanted to assess what I am feeling right now kagaya ng parati kong ginagawa but I just really can't. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Alam kong nasasaktan ako ngayon pero alam ko sa sarili ko na hindi lang sakit ang nararamdaman ko because it was mixed emotions and sobrang hirap pa ding paniwalaan ang mga nakita ko pero I saw it clearly with my two eyes at sigurado akong si Simon ang nasa picture sa post ni Camille. I don't want to assume things and alam ko sa sarili ko na kailangan naming magusap ni Simon but not now kase baka kung ano pang masakit na salita ang masabi ko sa kaniya na hindi naman nararapat. Hindi ko ugali at hinding hindi ko gagawin ang manugod at manigaw ng tao kahit pa nasaktan nila ako. Mas gugustuhin kong palipasin at pahupain muna kung ano man ang nararamdaman ko bago ako gumawa ng actions kase I might make the wrong move and said the wrong words kung ganon. Gaya nga ng sabi ng ibang tao, palipasin mo muna ang galit at magusap kung parehas na kayong mahinahon. Natigil lang ako sa pagiisip ko ng biglang tumunog na naman yung phone ko and it was kuya Sandro. Knowing that they are already worried sick about me kaya sinagot ko yung tawag niya.

Thank god you answered. Bungad na sabi niya. Where are you? Are you okay? We are so worried about you. Sunud-sunod na tanong niya saakin na bakas sa boses niya ang pagaalala.
I am sorry for making all of you worried, I am fine kuya. I said to him. Bakas sa boses ko na kakagaling ko lang sa iyak. I will be fine. Dagdag na sabi ko sa kaniya ng malungkot.
Where are you? Pupuntahan kita. Tanong niya saakin at kahit hindi niya ako nakikita ay umiling ako.
Hindi na kuya, ayos lang po ako dito and I assure you na safe ako. Sabi ko sa kaniya.
Pero Sunny... He tries to argue but I cut him off.
Gusto ko din mapagisa kuya. You know me, whenever something happens I choose to be alone muna. Sabi ko sa kaniya at bumuntong hininga naman siya.
Sure ka ba talagang okay at safe ka kung saan ka ngayon? Pagninigurong tanong niya.
Don't worry abou me kuya, I assure you na safe ako kung saan man ako ngayon. Hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko. Paniniguro kong sabi sa kaniya. Alam kong nagaalala siya saakin. Hindi lang siya, kundi silang lahat.
I know you would take care of yourself but I wanted to be with you at this moment. Sabi niya saakin at bumuntong hininga.
I will not harm myself kuya and gusto ko lang talagang mapag isa ngayon. Sabi ko sa kaniya at bumuntong hinininga naman siya. Hindi man siya magsalita alam kong disappointed siya sa sagot ko kaya bumuntong hininga ako bago magsalita ulit. Ganito na lang kuya, I will meet and talk to you tomorrow. Is that fine with you? I said to him.
Really? Where? Excited na tanong niya.
Sa resto na lang ni Athena. I informed him. Tinuloy na kase ni Athena ang pag handle sa isa sa mga restaurant nila. At first sinubukan lang niyang ehandle ang restaurant but it turns out she liked handling it kaya tinuloy na niya.
Okay! How about Simon? Are you planning to talk to him? Tanong ni kuya Sandro saakin.
I have but I don't know kung kailan ko makakaya ang harapin siya. Malungkot na sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin.
Pero kailangan mo siyang makausap. You need to hear his explanations. Paliwanag ni kuya sandro saakin.
I know kuya Sands. Pagiisipan ko po. I said to him. Alam ko naman na kailangan naming magusap ni Simon pero hindi pa talaga ako handa na makausap siya.
He is looking for you since I went to his condo this morning after seeing the post of that camille, hanggang ngayon hindi pa din siya umuuwi. He informed me.
Just tell him to go home kuya Sands. Hindi niya po ako mahahanap, wala pong makakahanap saakin. Tell him I will talk to him but not now or the next few days. Sabi ko sa kaniya. Nagaalala pa rin naman ako kay Simon but I just can't talk to him, hindi ko pa talaga kaya.
Nasaan ka ba talaga ngayon? We wanted to go and be there for you right now. Malungkot na sabi niya. Alam ko na he wanted to be with me para damayan ako just like I am kapag siya yung may problem pero I wanted to be alone kase gusto kong damhin ang sakit na nararamdaman ko ng magisa muna ako.
Gaya ng sabi ko, I wanted to be alone muna kuya kaya just let me be muna. Safe naman ako kung nasaan ako at magkikita naman tayo bukas kaya wag ka nang magalala. Mahabang sabi ko sa kaniya. Kahit na nasasaktan ako, never sumagi sa isip ko ang saktan ang sarili ko. All I wanted is to be alone and think things over.
Bumuntong hininga muna si kuya bago magsalita. Okay fine, I will not force anything anymore but you need to call your mom and tito shaun because they are also worried sick. He said to me. Oo nga pala, si Mommy at tito shaun.
I will kuya Sands. I should get going, maglukuto pa ako ng dinner. I said to him. Almost dinner time na kase at hindi pa ako nakakapagluto.
Okay, I'll just see you tomorrow. He said to me. Bakas pa rin ang pagaalala sa boses niya pero hindi na naman gaya nung umpisa ng usapan namin.
See you tomorrow also. Bye kuya. I said to him.
Bye. He said and I already ended the call.

Just like what I said, tinawagan ko si Mommy at si tito Shaun. Pareho silang nagaalala at gusto akong puntahan pero kagaya ng sinabi ko kay kuya sandro, sinabi ko din sa kanila na gusto ko munang mapag isa pero siniguro ko naman sa kanila na safe at okay ako kung nasaan man ako ngayon. Kahit na nagaalala ay wala din naman silang magagawa kundi ang sumangayon sa gusto ko.

I and Simon waited for a long time for us to have the right moment to be with each other. Sa isang iglap lang, biglang ganito na ang nangyari saamin. Masasayang lang ba ang mga panahong hinintay namin para hubugin ang sarili namin at maging karapat-dapat para sa isa't-isa? Mauuwi lang ba yun lahat sa wala?


















Sorry for the grammatical errors✌️
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Sunny at Simon?

My Moon ( A Simon Marcos Fanfiction Story)Where stories live. Discover now