Chapter 6: Anti-Hero

276 48 48
                                    

Chapter 6

"Anti-Hero"

Year: 2013, Metro Manila (Present)

"Ate, isang linggo na ako rito sa labas ng apartment nila," reklamo ni Nico sa telepono. Nasa loob siya ng kanyang kotse habang matiyagang nag-aabang sa labas ng tinutuluyan ng mga taong nakabangga nila sa labas ng bar. "Pero wala pa ring Adam na lumalabas."

Nakasuot si Nico ng pang-chef halatang kagagaling niya lang sa klase. Ang katabi niyang passenger's seat ay may mga lamang balat ng sitsirya at tsokolate na nilapang niya habang tatlong oras nang naghihintay. Nakabusangot na siya habang hindi inaalis ang tingin sa pintuang tila hindi gumagalaw.

"I told you for the nth time! Sabihin na natin kay Noah!" bulalas ni Regina. Nasa opisina ito habang nakayuko sa kanyang lamesa. Nakatitig siya sa mga empleyado habang ang kanyang isip ay tila ba nag-iimbistega rin kasama ni Nico.

"Hindi nga kasi puwede!" Nabilaukan si Nico matapos sumigaw. Agad itong kumuha ng tubig at agad na uminom. Nang makabuwelo ay muli niyang sinagot ang ate niyang nagmamataray sa kabilang linya. "Hindi tayo puwedeng mag padalos-dalos."

"Bakit naman?" usisa ni Regina. Bahagya siyang yumuko upang matakpan ng nakabukas niyang laptop ang kanyang mukha. Iginala niya ang kanyang paningin papunta kay Peter na may kakaibang kinikilos patungo sa opisina ni Gaile.

"We don't want to get his hopes up." Binuksan ni Nico ang isa pang balot ng pagkain at binanatan ang dalawang slice ng tiramisu cake. Ngumangata pa siya at puno pa ng laman ang kanyang bibig habag nagpapaliwanag sa kanyang ate.

"Who?" pagtataka ni Regina. Mabilis siyang napatingin sa kanyang cell phone upang mas mapagtuunan ang sinasabi ni Nico.

"Sino pa ba?" saad ni Nico. Napatitig siya sa dalawang kuwintas na pagmamayari ni Noah at ng kasintahan nito. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib habang iniisip ang masayang mukha ng kanyang pinsan sa mga panahong kasama pa nito si Adam. "Si Noah."

Walang imik si Regina. Hindi ito makasagot dahil may punto nga si Nico. Nangangati man siyang kalampagin ang opisina ni Noah upang balitaan ito. Madalas siyang nagdadalawang-isip dahil ayaw na rin niya ngang guluhin pa ito.

"May kakaiba talaga dito sa kuwintas nilang dalawa," saad ni Nico. Nakatitig na siya sa dalawang kuwintas na may orasang hugis kuwago.

"Ano na naman, Nico?"

"Kasi itong kay Adam, wala pangalan ni Noah dati. Ako lang ang nagpaukit," saad ni Nico. Napaalis saglit ang kanyang tingin sa pintuan na kanyang binabantayan habang pinagmamasdan ang mga pangalan nakaukit sa loob ng kuwintas.

"So?" pagmamataray ni Regina. Mula sa kanyang puwesto ay tinititigan niya sina Peter at Gaile na pabulong kung mag-usap. Kitang-kita niya ang ginagawa ng dalawa sa loob ng opisinang may pader na gawa salamin.

"Kasi, itong sirang kuwintas ni Noah, parang lumang version nitong kay Adam.May pangalan na nilang dalawa ito dati pa at sira pa rin, nakahinto sa 11:11." Napalunok ng laway si Nico. Marahan niyang itinaas ang isa pang kuwintas. "Ito namang kay Adam ay kakapabago ko lang. Ang weird, kasi hindi ko naman pinakita doon sa gumawa itong isa pa. Kuhang-kuha nila ang pagkakasulat ng pangalan ni Noah mula dito sa mas lumang kuwintas."

Itinaas ni Nico ang dalawang kuwintas sa kanyang harapan.

"Parehong-pareho ang pagkakalagay ng 'Adam Love Noah', oh" pagtataka ni Nico.

"Ang dami mong sinasabi! Pagtuunan mo nang pansin ang binabantayan mo," ani ni Regina. Naiirita na ito sa kapatid na mukhang hindi seryoso ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Kiss the Rain (The Time Traveler's Boyfriend Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon