Chapter 18: Rule Number Two

338 50 51
                                    

Author's note: Some names here are in reference to my other BL book "Sunset Bucket List". Okay lang kung hindi nyo iyon nabasa. It will not greatly impact the story anyway. Enjoy.

Chapter 18

"Rule Number Two"

Year: 2021, Zambales (Present)

Author's POV:

Walong taon ang lumipas. Huling araw ni Adam sa pagtuturo. May hawak itong malaking libro na may makukulay na larawan. Sa kanyang harapan ay nakaupo sa sahig ang mga batang edad limang taon pababa.

Walang ni isang inaantok. Walang ni isang nagmumukmok. Lahat ay nasa kanya ang atensyon at sa librong kanyang ikinukwento.

"And then Pinocchio became a real boy thanks to the magic of the?" saad ni Adam.

"Peywi god mader!" sagot ng kanyang mga estudyante.

"Also known as?"

"Blue Fairy!"

Umaapaw sa galak si Adam sa tuwing tinatapos ng mga mag-aaral niya ang kanyang binabasa. Sa ganoong paraan ay natuturuan niyang bumigkas ang mga ito.

"And they live--"

"Happily ever after!"

"Ang gagaling talaga ng mga estudyante ko," nakangiting tugon ni Adam.

Ayaw pa rin tumayo ni Adam. Sa kanyang puso ay nakaramdam siya ng kirot. Tinititigan niya ang mga bata at tila nag-aalangan pa rin siyang magpaalam sa mga ito.

Napatingin sa orasan si Adam. Naalala nito na paparating na ang kanyang asawa. Masakit man sa damdamin ay kailangan na niyang bitawan ang pagtuturo. Parating na ang bakasyon at may iba ng taong hahalili sa kanya.

Napalunok siya ng laway. Binalikan ang mga bilog at inosenteng mata sa kanyang harapan. Itinago ni Adam ang hawak na libro. Itinodo niya ang kanyang ngiti. Gamit ang pinakamalambing niyang boses ay nilakasan niya ang kanyang loob.

"Goodbye everyone!" malakas ngunit maamong bigkas ni Adam.

"Goodbye, Sir Adam!"

Isa-isang kumaripas papunta kay Adam ang kanyang mga estudyante. May mga batang umiiyak habang ang iba ay panay ang abot sa kanya ng bulaklak.

"Oh, huwag na kayong malungkot," ani ni Adam. Marahan itong lumuhod upang mas mayakap nang husto ang mga paslit. Kanya-kanyang balot ang mga ito sa kanya nang maabot nila ang kanyang balikat. "Panigurado namang mabait ang kapalit ko."

May ilan na panay ang sabunot sa buhok niyang kulay kahoy. Ang ilan ay nagwawala habang hinihila ang kanyang bigote at manipis na balbas. May mga batang lalaki na panay ang hatak sa kanyang damit. Ang butones ng kanyang polo ay halos pumutok na sa laki ng kanyang katawan.

"Huwag na kayong umiyak. Summer vacation niyo na, oh. Ang haba kaya ng bakasyon ninyo," saad ni Adam. Hinihila nito ang ilang batang nagtatampisaw na sa sahig habang inaalalayan ang ilan sa mga umaakyat sa kanyang likod. "Wala na kayong assignment. Puro na lang kayo laro."

Mabilis na nagtayuan ang mga batang nagwawala. Maging ang mga umaakyat sa kanyang likuran ay mabilis na bumaba at nagtatalon sa tuwa.

"Nako, Mr. Ambrosi, paniguradong mami-miss ka ng mga ito," saad si Susan. Panay ang kanyang ngiti habang nakadungaw sa pinto. Nakasuot ito ng apron na itim at may buhat na mga libro. "Pero, hindi bale. Sobra na siguro ang walong taon na pagtuturo ninyo rito."

"Hindi lang iyon. Medyo malaki rin ang nagastos ko sa pagpapatayo nitong Preschool rito sa Zambales," tugon ni Adam. Marahan itong tumayo at lumapit kay Susan. Sinimulan niyang kunin ang ilan sa mga librong buhat nito.

Kiss the Rain (The Time Traveler's Boyfriend Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon