Chapter 24: Somewhere Only We Know

423 48 93
                                    

Author's Note:

Please listen to the above song first then dala kayo tissue while reading. Seriously, listen to the song. It is my inspiration for this chapter.
This is 5000 words.
Please don't forget to vote and comment after reading.
Pagandahan po ng react sa comment section.

⚠️Everytime you see this
༒༺🦉༻༒
it means Adam time traveled.⚠️

Chapter 24

"Somewhere Only We Know"

"Somewhere Only We Know"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ADAM

Adam's POV:

Year: 2021, Metro Manila (Present)

Hindi ito magandang biro.

Tumatakbo ako sa eskinita. Wala akong masakyan dahil hindi kumikilos ang trapiko sa lahat ng kalsada. Pinilit kong habulin ang hangin na kumakawala sa aking baga. Kinakagat ko ang aking mga labi dahil napapahinto ako sa tuwing humahagulgol.

Malakas ang ulan. Sa bawat paghakbang ko ay tumatalsik ang tubig baha sa ere. Mga butil mg tubig na tila may lamang mga larawan ng magagandang alaala namin ni Noah. Mga alaalang kumikislap sa kadiliman ng gabi.

Napasandal ako sa isang pader. Tinangka kong tawagan si Tristan. Nanginginig pa ang mga daliri ko habang panay and pindot ng kanyang numero.

Hindi niya sinasagot.

Panay ang aking paghikbi. Nanginginig na ang aking kalamnan. Pinagmasdan ko ang aking balat. Lalo akong natatakot sa tuwing nakikitang nagiging transparent na ang aking mga kamay.

Gamit ang aking kamao ay kinalampag ko ang dibdib ko.

"Parang awa mo na. Huwag ngayon!" pakiusap ko sa aking puso. Sa tuwing hinahampas ko ito ay bumabalik ang balat ko mula sa paglaho.

Huminga ako nang malalim. Nagpatuloy sa pagtakbo. Ang buhos ng ulan ay binabalot ang katawan kong nanghihina na dahil sa lahat ng mga nalaman ko. Muli akong napatigil. Isinandal sa isang pader ang aking likod.

Nakakasulasok ang usok ng siyudad. Kasabay ito ng buhos ng ulan na lalong nagpahirap sa aking paghinga. Itinaas ko ang palad ko. Tumatagos ulit ang liwanag mula sa poste sa aking balat.

"Tangina! Adam! Huwag muna!" sigaw ko sa aking sarili.

Muli, sinapak ko ang aking dibdib. Sinuntok ko sa aking harapan ang kanan kong kamay. Kinontrol ko ang aking paghinga, mapigilan lamang ang paglaho ko.

Kinuha kong muli ang aking cell phone. Ngunit sa pagkakataong ito ay ibang tao ang aking tinawagan. Isa pang numero na kanina ko pa hindi tinitigilan. Masigurado ko lamang ang kaligtasan ng minamahal ko.

Kiss the Rain (The Time Traveler's Boyfriend Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon