Chapter 19: Black Forest

644 52 41
                                    

Listen to the above song for more feels.

Chapter 19

"Black Forest"

WARNING: THE FOLLOWING SCENES ARE RATED R18. THIS NOVEL HAS BEEN TAGGED AS MATURED. BEHAVE!

⚠️Warning: THIS CHAPTER IS FOR MATURE AUDIENCE ONLY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


⚠️Warning:
THIS CHAPTER IS FOR MATURE AUDIENCE ONLY

Year: 2021, Metro Manila (Present)

Adam's POV:

"Dito ka lang!" sambit ko.

Nagpumilit akong unang pumasok sa unit ni Noah. Naiwan siyang tumatawa sa labas. Agad kong kinuha ang mga ipinadala sa akin ni Nico mula sa bake shop niya at inilagay sa kusina. Inilabas ko ang isang espesyal na cupcake. Nilagyan ng maliit na kandila at sinindihan bago buksan muli ang pinto.

"Happy Anniversary!" bulalas ko.

"Wow!" tugon ni Noah. Agad niya itong inihipan at niyakap ako nang mahigpit. "Happy Anniversary, Adam!"

"So, do you want this?" Inabot ko muli ang cupcake sa kanya.

"Oh, yes! I'm starving!" Mabilis niyang kinuha ang cupcake at nilantakan. Nakangiti lang ako sa kanya habang halos makalahati na niya ang ibinigay ko. "Grabe! Bakit parang sobrang sarap naman nito?"

"Maghapon ka lang kasing walang kain," pagdadahilan ko. Pigil ang aking ga halakhak sa munti kong plano.

"Oo nga!" bulyaw sa akin ni Noah. Mabilis siyang sumimangot habang inaalala ang mga ginawa ko habang pauwi kami sa simenteryo kanina. "Kanina ko pa gustong mag stop over sa highway pero ayaw mo!"

"So you'll have more room for me," bulong ko. Nakayuko ako upang hindi niya mabasa maging ang mga labi ko.

"Ha?" pagtataka ni Noah. Muli nitong binalikan ang cupcake.

"I want you to eat me later," bulong ko sa sahig. Sa walong taon naming pagiging mag-asawa, naiilang parin akong yayain siyang makipagtalik.

"Ah, basta. Maliligo lang ako at dahil ikaw ang nagpumilit na umuwi, ikaw ang magluto!"

Iniwan niya ako sa sala. Ang hindi niya alam ay pumapalakpak ang tainga ko sa tuwa. Binigyan niya lang ako ng sapat na oras para ituloy ang mga plano ko. Ganito kami lagi. Siya ang driver at ako ang cook. Mas madalas kong gawin ang mga bagay na ligtas dahil na rin sa kakayahan ko.

Agad siyang nagtungo sa banyo. Nang marinig kong umaagos na ang shower ay inihanda ko na ang mga gamit ko. Panay ang awit ni Noah. Humahalakhak naman ako habang naghuhubad sa labas. Kinuha ko ang bagong biling apron at iyon ang tanging isinuot.

Kiss the Rain (The Time Traveler's Boyfriend Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon