Chapter 12: 11:11

298 52 27
                                    

Live versions

Noah:

Adam:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Adam:

Please vote

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Please vote. Grabe wala pa akong pahinga. This is 3K plus words! Nakakapagod. Sunud-sunod ang mga updates ko. Gusto ko pang pahabain ito. Super enjoy ang kuwento nila. Sa may mga hypothesis na diyan, keep it to yourself for now. Sinasadya ko talagang magbigay ng clues. (Or clues nga ba talaga or pampagulo)

Chapter 12

"11:11"

Year: June 8, 1996, Batanes

Adam's POV

"Aray!" sigaw ko. Sinalo ng malakas na buhos ng ulan at ng sunud-sunod na kulog ang mga hiyaw ko. Ramdam ko ang pagdurugo ng aking kamay. May kirot na dulot ang pagpatak ng ulan sa maliit kong sugat.

Gulong-gulo ang aking isipan. Naalala ko na ang aking mga magulang. Ngunit hanggang sa aking kabataan lamang ang mga memoryang bumalik sa utak ko. Malamang ay naalala ko na ang lahat kung natapos lamang ang pagtugtog ng biyulin kanina.

Nakasubsob ang aking mukha sa lupa. Maputik, basa, at madamo ang buong paligid. Pinilit kong imulata ng aking mata hanggang sa matanaw ko ang malaking puno. May makakapal na dahon na pinipilit akong silungan sa gitna ng malakas na unos.

"Narra," nangungulila kong bulong. May kakaiba akong naramdaman sa pamilyar na puno.

Masaya.

Maaliwalas.

Malungkot.

Sa isang sanga ay may hinanging isang damit ng bata. T-shirt na kulay puti. Sa kabila ay may mga medyas na tinangay ng malakas na bagyo. Sa pinakamalapit na sanga ay may tuwalya na pangbata. Kulay green, tanging nag-iisang tuyong tela na para bang iningatan talaga ng mga dahon sa puno. Nang makatayo na ako nang maayos ay napansin ang nakataling kuwintas mula sa aking pulso. Doon nagmumula ang sugat ko. Tinangka kong yumuko nang may bigla akong mapansin.

Kiss the Rain (The Time Traveler's Boyfriend Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon