Chapter 25: Their Last Meeting (Finale)

506 52 73
                                    

Author's note: Please play the above song while reading. 😭

Chapter 25

"Their Last Meeting (Finale)"

Year: 2021, Metro Manila (Present)

Noah's POV:

I was born, the day he died. I had my first breath in the morning. He had his last at night.

Like my parents, he too died on my birthday. All of these came pouring like an endless rain. Destiny gave me no mercy on the day after our eighth wedding anniversary.

Sa pagkawala ko sa kuwarto, ako ay napunta sa dagat ng mga ala-ala. Nagtungo ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Isang lugar na wala sa mundong ito. Puro kulay puti at gintong mga ulap. Sa dulo ay may malaking butas. Hugis bilog na tila isang bintana. Doon ay nasaksihan ko ang lahat.

Ang sakripisyong ginawa niya.

Panay ang hawi ko sa mga ulap. Hindi ako makatakbo patungo sa bintana dahil sa sobrang lambot ng mga tinatapakan ko. Hindi ako magkandamayaw sa pagsigaw sa kanyang pangalan. Ninais kong huwag niyang ituloy ang mga binabalak niya.

Ngunit sa lugar na iyon ay parang ikinulong ako ng tadhana. Sinasalo ng mga ulap ang mga pagnanangis ko. Ang mga sigaw ko ay nanatiling nakakubli sa langit. Hanggang sa ako ay mapayuko. Naghihinagpis habang ang minamahal ko ay naglalaho.

This is probably why deep down inside me, I have been forcing myself to stay away from him multiple times:

why I was hesitant for him to come with me to Batanes in High School,

when I broke up with him before the JS prom,

when I kissed Peter in my condo,

when I left Adam in Palawan,

when he had amnesia,

when I hid myself at the Parola.

Ang pakiramdam sa sarili ko na kailangan ko siyang iwan bago pa kami umabot sa tagpong ito...

Ang isakripisyo niya ang buhay niya para sa akin.

Destiny is a toddler who acts in spite.

Destiny is a beast who will destroy everything without remorse.

Destiny is a bitch and will never be an angel.

Destiny is never a gift, hindi ko gugustuhin ang regalong katulad nito sa buhay ko.

"Dad, Noah is appearing!" sigaw ni Kim sa kuwarto.

Nanginginig pa ko habang unti-unting bumabalik sa aking silid. Sa ibabaw ng aking mga iniwang damit, ako ay lumitaw. Marahan akong nabubuo habang nababalot ng gintong liwanag. Ako ay nakayakap sa aking tuhod habang hubad. Panay ang aking pagluha habang binabalot ako ni Kim ng tuwalya.

"Noah, saang timeline ka napunta?" agad na tanong ni Dr. Cornwell. Sa kanyang kamay ay may hawak siyang mga gamot. Mga likidong pampakalma sa katawan kong nanginginig.

"Dad! Tsaka na iyan!" pagsaway ni Kim sa kanyang ama. Agad niya akong tinabihan. "Are you okay, Noah? May masakit ba sa iyo?"

"Wala na siya," humihikbi kong sagot. Niyakap ko lalo ang aking mga tuhod habang namamaluktot sa sobrang lungkot. "Adam is gone."

"How did you know?" pagtataka ng doktor. Sa aking mga nasabi ay nabitiwan nito ang lalagyan ng gamot. Nagkalat sa sahig ang mga bubog ng salamin ng likidong hawak niya.

Kiss the Rain (The Time Traveler's Boyfriend Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon