Please vote for my stories. Thank you.
Chapter 10
"Kung Alam Lang Nila"Year: 2013, Metro Manila (Present)
Isang linggo ang nakalipas. "This is nonsense. Ang lakas ng trip ninyo!" saad ni Adam. Nakahalukipkip pa ito habang nasa gitna ito nina Tristan at Pauline. Nasa loob sila ng isang mamahaling restaurant. Hinawakan nito ang larawan ni Noah at maiging tinititigan ito.
"Buwiset talaga, Nico. Nanggigigil na ako!" bulalas ni Regina. Nakadantay ito sa lamesa habang nakatitig kay Adam. Naiirita ito habang walang reakyson si Adam na pinagmamasdan ang larawang inabot niya. "Wala pa rin ba, Nico?"
"Wala akong mahanap!" nagmamadaling sagot ni Nico. Panay ang halungkat nito sa kanyang cell phone sa mga social media ni Noah. Ngunit wala itong makitang larawan na magkasama sina Noah at Adam. "Looks like he deleted or put most of them in private."
"Amin na nga iyan!" Inagaw bigla ni Regina ang cell phone ng kapatid nito. May mantsa pa ng spaghetti ang kanyang ngipin dahil sa dami ng kinain niya. "Sa gallery mo baka meron kang naitabi."
Nanlaki ang mga mata ni Nico. Agad nitong kinuha bigla ang kanyang cell phone. "Ano ba? Baka ano pang makita mo rito!"
Nagbabangayan ang magkapatid nang magdesisyong tumayo si Adam. Ang kanyang mata ay nanlilisik at maging ang kanyang noo ay kanina pa nakakunot. Marahan nitong hinawakan ang kamay ni Pauline.
"Tara na, Apple. Sayang ang oras natin dito."
"Hindi nga siya si Apple!" sabay-sabay na sigaw nina Tristan, Regina at Nico.
"Lagi kong sinasabi sa kanya iyan," sagot ni Pauline. Inalis niya ang pagkakahawak sa kanya ni Adam at pinilit itong paupuin. "Ark, makinig ka muna. Baka naman nagsasabi sila ng totoo."
"I doubt it," dagdag naman ni Tristan. "Baka naman pinadala lang sila ng ama mo, Pol!"
"Ama?" pagtataka ni Nico. "Mga wanted ba kayo?"
"Nako, nagbibiro lang siya," sagot ni Pauline. Pasimple nitong nilakihan ng mata si Tristan na siyang nagpatikom agad sa bibig nito.
Sina Nico at Regina ay abala pa rin sa paghahanap ng larawan ni Adam at Noah samantalang panay naman ang senyasan nina Tristan at Pauline. Natigilan sila sa kani-kanila nilang ginagawa nang biglang tumunog ang cell phone ng isa sa kanila.
"Nako, ito na iyong sinasabi niyong kakilala niyo." Marahang itinaas ni Pauline ang kanyang telepono. Nakangiti pa siya at iniharap ito sa dalawa niyang bisita. "Ito na si Miss Eve."
"Sagutin mo, dali!" utis ni Regina.
"Just don't tell her we are here," dagdag pa ni Nico.
Marahang sinagot ni Pauline ang tawag. Nakangiti nitong binati ang taong nangangamusta sa kanila. Panay ang oo at mahinang tawa ni Pauline sa linya habang tahimik na nanonood ang mga kasama niya. Si Adam ay nakayuko lamang. Pinoproseso nito ang mga sinabi ng dalawang estranghero sa kanyang harapan. Panay ang kuyakoy niya habang tanging mga tawa ni Pauline at mahinang bulong ng kausap nito ang umaalingawngaw sa kanyang tainga.
"Akin na!" Mabilis na inagaw ni Adam ang cell phone. Nanlilisik ang mga mata nito habang inilalapad ang hawak sa kanyang tainga. "Hoy! Sino ka ba talaga?"
Mabilis na naputol ang linya. Padabog na nilapag ni Adam ang telepono.
"Nakakainis talaga!" sigaw ni Adam. Halos mapatingin na sa kanila ang lahat ng tao sa restaurant dahil sa lakas ng kanyang boses.
"See! He won't answer it, kasi mabobosesan mo siya!" ani ni Regina. Kumuha ito ng sticky note mula sa kanyang bag at mabilis na sinulatan ito. "Please come to this place tonight."
BINABASA MO ANG
Kiss the Rain (The Time Traveler's Boyfriend Book 4)
Fiksi IlmiahThe Time Traveler's Boyfriend Book 4