E05

10.1K 368 127
                                    

(A/N): The italic is the continuous scene coming from E02 and E03 (after the Bar)

...

Portia's POV

"Oh my gosh!" Muntikan kong mahulog ang plato na hinuhugasan ko dahil sa gulat kaya dali dali naman akong pumunta sa kwarto ko para icheck ang babaeng sumigaw.

"Oh my ghad...oh my..." Nanlalaki niyang tinitignan ang sarili niya sabay tumingin sa direksyon ko dahil sa ingay na narinig sa pag bukas ko ng pinto.

"Are you okay?" Nanginginig ang mga kamay nito at tila hindi mapakali.

"D-did s-something happened between us?" Kunot noo naman akong tumingin sakanya dahil sa tanong niya pero nang maintindihan ko kung bakit ito nag papanic...

"I changed your clothes because you vomited last night and I didn't touch you if that's what you are trying to tell." I clarified. 

Nakita ko naman kung pano siya nakahinga ng maluwag at tila nasapo ang noo niya, for sure masakit ang ulo niya dahil sa dami ng ininom niya kagabi. 

"You have to eat, I already made us a breakfast and you have to drink your medicine narin para mawala yan." Sabi ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto.

Ramdam ko naman ang pigura niya na nakasunod sakin kaya hinayaan ko nalang ito. Nakadikit parin ang palad niya sa noo niya na iniinda ang sakit, just how much did this girl drink kaya ganito ang kalagayan niya? 

Tahimik itong umupo habang abala narin na kainin ang niluto kong pagkain. She was just chewing it slowly so I just mentally chuckled dahil halatang halata ang pag ka hang over niya.

"Did I do something stupid last night?" She asked.

"None." Maikli kong sambit ayoko narin mafeel niyang maguilty siya sa pagsuka sakin at ayoko narin sabihin ang ginagawa niyang pag gulong sa kama at sa sahig pati narin kung pano siya sumigaw ng sumigaw tas biglang umiiyak.

"So what's your name? I just wanna know since you really help me a lot." She smiled at napaiwas naman ako ng tingin.

I don't really give information easily but since we ended up in this situation, "Raleigh Portia Lawson." Sagot ko na lalong nagpalawak sa ngiti niya.

"BS Nursing?" She asked which I nodded. Pero bigla kong narealize na paano niya nalaman yun dahil ngayon palang naman kami mag kakilala.

"Pano mo nalaman yun?" I raised a brow and then she softly chuckled.

"Architect Elise Olivia Salvador." Inabot niya ang kamay niya sakin. "I'm one of the professors of your sister before, we were kind of close so I knew about you." Sagot niya and then I accepted her hand. Ang labot ng kamay niya infairness ang sarap hawakan.

So she's an Architect and then a professor? She must be so smart and responsible given na dalawang license ang meron siya. Sana all diba kung ako kasi ilang taon pa mag aaral bago makuha ang pinapangarap kong lisensya. 

But that's fine, I can wait since this is my passion. Wala na ulit samin nag salita kaya tahimik nalang rin kami kumain. Mukha ring wala rin siya sa mood makipag daldalan since malakas ang hang over niya.

"Portia!" 

Napabalik ako sa realidad nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Napatingin naman ako sa gawi nito at nakita ko na papalakad sila Lucas, Lydia, Regina at Noah papunta samin habang ang kapatid ko naman ay naka tingin lang sa stage at pinapakinggan ang nag peperform. 

Exception [PSLU #2] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon