E10

8.3K 316 57
                                    

Portia's POV

I was on my way on the Archery facility dahil ngayon ang unang practice ko for the sports fest. Kung hindi lang talaga kailangan to ay hindi na dapat sana ako sasali sa mga ganito. For sure nakatambay lang ulit ako sa cafe o di kaya sa library. Pero minsan siguro okay narin to dahil nag g-gym ako ay baka mawalan naman ako ng social life.

Kahit di ko naman talaga medyo gusto ng madaming kausap. Pagkapasok ko ay meron naring ibang tao sa loob hindi rin nakaligtas sa paningin ko yung tiga Accountancy na nakita rin akong papasok sa loob. She smiled and I know it was fake just like her face and boobs.

Napairap nalang ako sa hangin nang tanggalin ko ang tingin ko sakanya. Hindi ko rin gusto ang tingin niya, halatang may balak at hinanakit eh. Almost a year na pero hindi parin ba siya nakakamove on? Bakit hindi nalang niya kaya siya dumeretso kay Miss Elise at mang-ligaw, sabay para kasi siyang linta na dikit ng dikit ayaw naman sakanya.

"I see, hindi ka parin pala nadadala Portia." Speaking of, ayan na ang nakakairita niyang boses na akala mo kay ganda eh muka naman siyang pato.

Hindi ako nag salita dahil ayaw ko mag sayang ng laway sa mga taong katulad niya. Walang emosyon akong humarap sakanya at tinignan siya saglit sa mata pero inalis ko yun agad dahil nakita kong papalapit at papasok na ang coach namin. 

She was even mumuring pero hindi ko na ulit yun pinansin dahil mukha siyang mangkukulam sa ginagawa niya.

"Oh, I'm glad that you joined again for this year Portia. Mukhang sure win na agad." Narinig ko naman kung pano ismiran nung babaeng yun ang sinabi ng coach sakin. Halata talagang may galit ah.

"It's the effort that counts, Sir." Pormal kong sabi.

"You and your sister is really humble sa lahat ng mga ginagawa niyo." Sabi niya sabay napapailing. "Okay guys, let's start." 

Nag explain lang ang coach namin sa mga equipments, rules and regulations ng laro dahil meron iba samin na bago at halatang napilitan lang sumali dahil walang choice. After that, I made sa platform kung saan pwede kaming mag warm up. 

Inassemble ko muna ang mga kailangan kong gamitin especially the equipments, inilagay ko narin ang Chest Guards, Arm Guards, at Gloves and sinigurado kong tamang tama lang ang adjustments nito sa katawan ko para comfortable ako.

Thankfully, dumating agad yung inorder kong set kasama na dun ang bow, tamang tama lang dahil hindi kasi ako sanay kung gagamit or hihiram ako sa iba. Madalas kasi kami dun sa center nila Lydia dahil meron din dun facility kung saan merong Archery. Well actually may iba't ibang sports facilities pa dun kaya siguro nahasa narin ako sa mga ganitong bagay.

Hindi ko nakalimutan mag stretching dahil kung tutuusin kapag pinanuod mo sa malayo mukha talagang madali lang ang Archery pero hindi, need mo ng magandang physical and body fit na katawan, in short need mong alagaan. 

Bukod kasi sa pwede kang mangalay, medyo mabigat yun bow kaya hindi rin biro na buhatin ito.

So the amount of power and force is needed to play this game plus the mind set and control, kaya dapat present ang stamina mo dito pati ang mental capacity mo rin. Hindi ka pwedeng madistract dahil kung hindi mawawala ka agad sa tamang concentration.

Dahan dahan kong iniangat ang kamay ko habang relax kong hinahawakan ang bow, mabuti nalang ay wala akong grado sa parehas kong mata kaya nakikita ko ng maayos ang Target. When I already pinpoint it at the center ay pinakawalan ko na arrow at saktong napunta yun sa mismong center.

"Oh, wow. No doubt dugong Lawson talaga kayong magkapalit." Hindi ko napansin ang presensya ng mga tao sa likod ko na pinapanuod na pala ako. Kaya medyo nagulat pa ako sa sunod sunod na palakpak nila.

Exception [PSLU #2] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon