Portia's POV
"Hoy tama na nga yan, inom ka ng inom akala ko ba kasangga kita sa paghatid ng mga lasinggera nating kaibigan bakit pati ikaw nadadamay na?"
Bumungad sakin ang pagrereklamo ni Noah at agaran na kinuha sakin ang bote ng alak na hawak ko, hindi ko pa nga nauubos yun kaya napanguso na ako.
"What the hell is wrong with you ba? Yung ate mo sinampal si Miss Elise nung nakaraan sa field tas ngayon ikaw ganito, ano ba nangyayari?" Tanong ni Lydia.
"What? She slapped someone?" Gulat na tanong ni Bianca at inagaw pa sakin ang isang bote na dapat bubuksan ko rin.
"Gosh, can you guys stop snatching away the bottles that I ordered? You guys have cards with you, don't take mine." Pinandilatan lang ako ng mata ni Bianca.
"Stop it seriously baka mapatay kami ng ate mo." Sabi niya at bahagya ko siyang inirapan.
"Don't tell me what to do."
"Or maybe you can tell us what's really wrong with you?"
Nakapamewang na sambit ni Regina, alam kong seryoso na siya dahil minsan lang siyang mag english ng straight kasi kahit naman bungangera yan may ipagmamalaki naman siya.
"Oo nga tsaka akala ko pa naman kay Miss Veronica ka, si Miss Elise pala gusto mo." Nakita ko kung pano nasapo ni Lydia ang noo niya.
"Your mouth is really out of control sometimes, Lucas." Asik niya.
Tumaas naman ang kilay ko at hinarap si Lucas. "Anong Miss Veronica ka jan? Saan naman galing yan?"
"Eh kasi diba gusto..." Biglang sinalpakan ni Noah ang bunganga ni Lucas ng bote ng alak kaya wala siyang nagawa kundi lunukin ang laman at hindi natuloy ang sasabihin niya.
"What the fuck, bakit mo ginawa yun?!" Reklamo niya.
"Kung hindi ba naman tarantado yang bunganga mo."
Napailing nalang ako sa pagtatalo nila at kinuha ko sa kamay ni Bianca ang bote na inagaw niya sakin kanina at mukang wala na siyang nagawa dahil deretso ko tong binuksan at ininom agad.
"Malalagot kami nito sa ate mo, Portia. Nakakailang bote ka na." Sabi niya at pinasadahan ng tingin ang table na nasa harapan namin and she's right mag tatlong oras na ako dito sa VIP room at walang tigil ako sa pag inom.
"Minsan lang ako uminom, Bianca."
"Yang minsan mo ang ikakapamahak naming apat dito." Sambit niya kinuha ulit ito sakin.
Wala naman akong magawa kundi sumandal nalang sa upuan at inaantok na tinitigan silang lahat, hindi ko gusto ang emosyon ng mga mata nila. Kasi ganyan rin ako titigan ng mga kakaklase ko nung narinig nila ang pag tatalo namin ni Miss Elise, alam kong naawa lang rin sila.
"She said what?! She used you?" Gulat na tanong ni Lydia nang mag simula akong mag kwento sakanila at sinabi lahat ang nangyare, tumango naman ako bilang tugon.
"Parang impossible namang gawin niya yun, ang sweet niya kaya sayo." Sabi ni Lucas.
"I guess that's what you get if you only see the brighter side of a person." Madiin kong sambit.
"Sometimes people put their mask on, to pretend for such reasons and it maybe for good or bad." Dinig kong sabi ng katabi ko.
"Do you have a mask on, Bianca?" Tanong ko sakanya at nakita ko kung pano nanlaki ang mata niya sa tanong ko, maybe she didn't expect na tatanungin ko siya ng ganon.
"We all have one." Binuksan niya rin ang isang bote na nasa harapan niya at walang pasinsabi na tinungga yun.
She's really weird sometimes, I'm getting the vibe on her na ayaw ko at hindi ko maexplain ng maayos until now. Pero I can't help but to agree with her, kasi nung nag uusap kami ni Miss Elise ramdam ko talagang may tinatago siya, kaso hindi niya masabi ng deretso.
BINABASA MO ANG
Exception [PSLU #2] [GL]
Romance[ A story of Raleigh Portia Lawson. ] #2 She became the light during her tough times, she was the one who lift her up but she was also the reason for her nightmares. It became a parade of life for Portia where she never wish for love again. But some...