Portia's POV
"What?! Really as in?! May fiance pala siya." Nagulat ako sa pag sigaw si Bianca kaya muntikan ko ng mabuhos ang iniinom kong kape sa papel ni Lucas at ang itsura niya ay mukang malalagutan ng hininga dahil kinabahan siya sakin.
"Hehe, sorry." Sambit ko sabay nag peace sign dahil masama talaga ang titig niya sakin.
"Alam mo ba kung naituloy mong mabuhos ang kape mo sa plates ko ay parang sinaksak mo narin ako?" Sumimangot naman siya kaya kinurot ko nalang pisngi niya pero mukang napalakas dahil umaray siya.
Well hindi naman ako maka react ng maayos sa pinaguusapan nila Bianca dahil alam kong may fiance na talaga si Miss Daniella noon pa. Kasi kilala ko rin yun si Carson noon dahil kay Vera nuong sila pa ni ate.
Close din kasi yung lalake na yun kay Vera, tapos hindi ko rin sinasadyang marinig ang pagtatalo nung lolo nila at ni Miss Daniella dati sa hospital. Paanong hindi kung sa mismong labas lang ng room ni Vera sila nag aaway.
Noon pa man alam ko rin kung anong gender talaga ni Carson, I just can feel it. From the way he moves and talks, naguusap narin kami noon pero hindi ko lugar na sabihin yun kay ate kung ano ba talaga ang kasairan niya. It's wrong na ipagkalat yun lalo na't hindi pa siya nalabas sa closet niya. Although this would hurt my sister, pero still it is not my place.
I just have to trust Miss Daniella on this.
"Malay mo naman pilit lang yung arrange marriage nila." Sabat ni Regina habang kinakain yung inorder ko. Oo inagaw niya kasi tinatamad daw siya tumayo at mag order ng sarili niyang pagkain. Ang galing diba tas nakikiagaw pa yung isang unggoy.
"Bat di kayo mag order ng sarili niyong pagkain? Meron nga kayong black card makikiagaw pa kayo." Reklamo ko.
"Mas masarap pag libre." Sabat ni Lucas sabay ngumisi pa.
"Here ito nalang kainin mo Portia, busog narin ako napa dami yung inorder ko." Sabi ni Bianca sabay inusog papalapit sakin ang plato niya. Tinanggap ko naman yun at masamang tumitig sakin yung dalawang unggoy kaya nilabas ko nalang dila ko bilang pangaasar.
I just smiled and mouthed thank you kay Bianca pero alam niyo ba yung feeling na para bang may nasesense ka sa tao na may tinatago siya? Kasi ganon nafefeel ko kay Bianca. Okay naman siya, mabait. Sakto lang.
Alam kong type niya si ate pero hindi narin ako nangengealam but I don't know why I can't feel her, yung tipong nanjan siya sa harapan ko kaso hindi ko kinakausap kasi, may mali. Ewan, baka guni guni ko lang.
Overall, close naman ako sakanilang lahat sa buong squad, tanging kay Bianca lang talaga ako naiilang sa di ko malaman na dahilan. May feeling ako sakanya na hindi ko ma figure out. Sometimes my guts tells me something na hindi nakikita ng mata ko.
"Portia? Honey? Can we talk?" Medyo nagulat pa ako nang sumulpot sa harapan ko si Miss Elise. Dala dala ko pa ang ilang libro na kailangan ko for reviewer dahil pupunta ako ngayon sa library. May long quiz kami bukas and I can't fail it.
"Busy ako, Ma'am." Sambit ko.
"Then can I come with you? Hindi kita guguluhin promise. I'll just uh...right there beside you." She pleaded so I had no choice but to bring her with me.
Habang naglalakad kami papunta sa library ramdam ko ang tension na meron saming dalawa pero I'm sure na mas lamang ang awkwardness because the last time that we had an interaction ay nung na hospital pa ako. Panigurado hindi niya alam ang gagawin niya dahil nalaman niyang involve siya sa reasons why ako napunta sa ganong sitwasyon.
"Does your head still hurts?" She worriedly asked.
"Magaling na sugat ko, Miss Elise no need to worry. Kayo ba ni Miss Veronica?" Tanong ko. Ayaw ko naman sana talaga itanong yun pero mukha kasing seryoso talaga yung away nila.
BINABASA MO ANG
Exception [PSLU #2] [GL]
Romance[ A story of Raleigh Portia Lawson. ] #2 She became the light during her tough times, she was the one who lift her up but she was also the reason for her nightmares. It became a parade of life for Portia where she never wish for love again. But some...