Epilogue

74 4 0
                                    

Shane's POV

Wala akong pakielam pagtinginan ako ng mga tao. Kailangan ko siyang abutan, hindi niya akong pwedeng Iwan! Hindi ako nag papigil sa mga guwardya. Hindi ko kayang magisa lalo na ngayon, parang awa mo na Stanlly.

Ramdam ko ang mainit kong luha habang tumatakbo. Sobrang sakit ng dibdib ko sa paninikip, nahihirapan akong huminga, para bang anong oras at bibigay na’ko. Pero hindi ako pwedeng magisa ulit. Ayoko.

“Stanlly!” buong lakas na sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Iiwan niya talaga ‘ko?Buo na ang pasya niya? Gano’n nalang ‘yon?

Lalapit na sana ako ngunit humarang si Mr. Tori.

“Stanlly! Hindi ka pwedeng umalis! Ang daya mo!” humagulgol na’ko.

“Bitawan mo’ko!” sinubukan kong bawiin ang braso sa kaniya.

“Pakiusap Shane, ‘wag mong ipahiya ang sarili mo.” Sambit niya na parang hindi ako kilala.

“Bakit? Bakit ako iiwan?!” sigaw kong tanong, “mahal niya ako diba?Ginagawa ko naman lahat. Mag papagaling ako ng mabilis para maalagaan siya.  Kaya bakit aalis? Bakit ako iiwan?” halos mag makaawa na akong sagutin niya ang mga tanong ko.

May bigla siyang tinurok sa braso ko. Nasaktan ako, ngunit walang wala sa sakit na nasa puso ko ngayon. Unting-unting lumabo ang paningin ko hanggang sa magdilim na ito.

“Sa ngayon, sarili mo muna ang intindihin mo. Hindi pwedeng laging iba ang iniisip mo.” Iyon ang pinkahuling salita na narinig ko.

“Mga bata pumila kayo ng maayos, mabibigyan kayong lahat.” Paalala ni sister Sussie.

Maraming bata ang naka Pila. Ano kayang meron? Laruan kaya? Hindi na ako pwedeng bigyan no’n 13 na’ko e. Sayang gusto ko pa naman ng teddy bear, hindi pa ako nagkakaroon no’n e.

“Shane, pumila ka na.” Sabi ni ate Magie. Galing siya rito noon. Ngayon volunteer pa rin siya mag asikaso sa mga bata.

“Ako po?” itinuro ko ang sarili.

Tumango siya kaya sumunod ako at pumila kasama ang ibang bata. Nang palapit ay naamoy ko na ang mabango at masarap na amoy ng pagkain. Hala, Jollibee! Matagal ko na gusto ulit kumain niyan. Sana may burger at fries pa, nasa hulihaan pa naman ako ng pila.

No’ng mabigyan ako ng paper bag ay nag tanong ng impormasyon tungkol sa’kin.

“Ilang taon kana?”

“13 po.”

“Pangalan?”

“Sansan po”

Ngumiti siya, “Buong pangalan?”

“Shane Deguzman po.” Sagot ko.

Mukha siyang nagulat. Pero hindi ko na siya na tanong dahil natatakam na’ko. Nag lakad ako patungo sa simentong upuan.

Mayroong kasamang maliit na laruan. Ang cute ni Jollibee. Binuksan ko ang paper bag at inilabas ang mga laman. Mayroong spaghetti, chicken, burger at fries. Lumapad ang aking ngiti. Inuna kong kagatan ang chicken.

“Hello,” bati ng babae kanina, umupo siya sa tabi ko.

“He—“hindi ko matapos dahil puno ang bibig ko.

Natawa siya sa’kin.

“Natatandaan mo pa’ko?” tanong niya.

Tumagilid ang ulo ko. Parang pamilyar nga siya. Saan ko ba siya nakita?

The Heartthrob That Can't WalkWhere stories live. Discover now