B E A
Matapos kong sundan si Maddie at malamang si Espejo ang kadate nya, eh halos lutang ako araw-araw, malapit na nga yung susunod naming game, pero wala ako sa focus, may mas sasakit pa ba na makita ang taong mahal mo kasama ng iba? Wala na atang mas sasakit pa roon.
Yung wala ka man lang magawa kundi ang tignan siya na masaya kasama ng iba, yung tipong ngiting ngiti sya na parang nasa cloud nine, kahit na gusto mong suntukin at basagin yung mukha ng ungas na kasama nya, kahit na gusto mong ipagsigawan na; 'akin sya! Wag na wag mo s'yang malalapitan! Wag mo rin syang hahawakan' pero wala, eh hindi naman sya sa'kin, dahil duwag ako, di ko masabi sa kanya dahil magkaibigan kami, at higit sa lahat parehas kaming babae, kaya malaki ang posibilidad na di lang rejection ang matanggap ko galing sa kanya, kaya bago pa man madurog ang puso ko dahil sa may kasama syang iba, nauna na itong madurog dahil sa duwag ako.
Yun nga yung masakit, yung tipong napakalaki na ng kagustuhan mong sabihin sa kanya na mahal mo sya, pero mas malaki sa kagustuhan mo yung takot.
Kaya wala kang magagawa kundi ang tignan sya habang binabasag ng tanawin na iyon ang puso mo, habang dinudurog nito ang lakas mo, habang inaabo nito ang inspirasyon mo para magpatuloy, wala kang magagawa kung hindi tumingin, dahil kahit anong pigil mo, lilingon at lilingon ka sa masakit na tanawing iyon.
At habang sinusubukan mong pigilan ang nararamdaman mo, habang ibinabaon mo ito sa kasuluksulukang parte ng puso mo, mas lalong tumitindi ang kagustuhan nitong kumawala, mas lalo nitong gustong sumabog at ipaalam sa buong mundo.
"Hello Earth to Bea." nahila ako pabalik sa reyalidad dahil kumakawaykaway na si Jho sa harap ko.
"Hay naku Bea tulala ka na naman! Ganyan ka rin sa training kanina, buti nga ngayon at wala tayong pasok, dahil kung hindi, baka nabato ka na ng isa sa mga prof."
"Jho naman eh, alam mo naman ang reason." umirap naman si Jho.
"Hay naku, Bea! kung di mo ba naman kinarir yung pagstalk kay Maddie, eh di sana ok ka ngayon."
"Ano sinundan nyo si Maddie?!" napalingon naman kami sa direksyon ni Therese, andito pala sya.
"Eh, kung hindi ko sya sinundan eh di malamang nabaliw ako sa kakaisip kung ano ginawa nila ni Espejo."
"Sabagay Jho may point si Bea, pero Bea naman! Pano kung nahuli kayo ni Maddie?"
I slouched
"Di naman kami nahuli eh."
"Kahit na, Bea! Eh pano kung nahuli nga tayo, eh di nadamay pa ako."
"Uyy Bea maglalunch na, sabi mo ililibre mo ako." sabi naman ni Tey.
"Hoy Gaston! Kailan ka pa naging patay gutom?"
"Patay gutom agad? Di ba pwedeng sadyang nangako si Bea?"
"Hay bahala na nga kayo, pupunta muna ako kay Maddie dahil may utang pang kwento ang babaeng iyon sa akin."
At umalis na si Jho
"So, date tayo?"
napatulala naman si Therese naku baka mapatay ako nito.
"Ah, I mean san tayo kakain?"
"ah eh, ano, sa ano, sa Shakey's na lang"
"Sure." ngumiti ako sa kanya at inabot ko sa kanya ang kamay ko
______________
Habang nasa kotse kami, eh biglang binasag ni Therese ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
Speak Now
FanfictionSometimes you just have to face your fears, and say all those words that you kept inside your chest, and the greatest thing to do is, SPEAK NOW... this story is purely fictional, no hate please... if you dont like this kind of story, please leave si...