The Search

2.6K 82 8
                                    

M A D D I E

Dahil sa kaiisip ko ng kung anu-ano di ko namalayang nakatulog na pala si Bea, ipinatong ko na lang ang ulo nya sa balikat ko.

Hay Bea, bakit di mo ako maalala? Di naman ako masyadong nagbago since last tayong nagkita, konti lang.

Nakita kong nalaglag yung wallet ni Bea, di ko naman sinasadya pero may nalaglag na picture, its a picture of Bea nung bata pa sya, pamilyar ang background, sa resort namin to, ah, pero may katabi si Bea, and I'm sure, I'm one hundred percent sure that, the little girl beside her, is not me, pano ko nasabi? Eh hindi naman ako kulot, though di masyadong kita yung muka ng batang katabi nya, pero sure akong kulot sya, sino kaya to? Eh, nung bata pa kami ang alam ko lang namang kalaro nya ay ako at ang Kuya nya, pano nangyari na may kasama syang batang babae rito sa picture?

Napakibit balikat na lamang ako, at ibinalik ang picture sa wallet nya.

Mag-aalas nueve na pala, ang tagal na pala namin dito.

T H E R E S E

Nag-aalala na talaga ako, wala pa rin si Bea, mamaya curfew na.

Napatingin kami ni Jho sa pintuan noong may kumatok.

Binuksan naman yun ni Jho

"Asan si Lavitoria?!" Bungad naman ni Ate Ella sa amin.

"Wala po sya rito, Donya." sagot naman ni Jho.

"Hoy Picasso! Baka tinatago mo si Lavitoria rito?!" Sabi naman nito habang tinutulak pa ang balikat ni Jho.

"Wala po talaga sya rito, Ate Ells, ano po ba ang ginawa ni Jamie?"

"Ang Lavitoria'ng 'yon! Kinain nya ang pringles ko!"

Nagkatinginan naman kami ni Jho at napahagalpak ng tawa.

Habang tumatawa kami ay napakasama ng tingin sa amin ni Ate Ella.

"Gusto nyong mamatay na dalawa?! Hoy! Pringles ko ang pinag-uusapan dito!"

Napatahimik kami ni Jho.

"Ah Ate Ells, wala nga rin po rito sina Bea at Maddie eh, nag-aalala na nga po kami"

Hinila kami bigla ni ate Ells.

"Sumama kayo sa akin!" Sus para namang may magagawa pa kami eh hinila nya na nga kami.

"Ly! Mich! Jia! Kim! Kailangan nating hanapin sina Lavitoria! Kanina pa sila nawawala!"

"Kanina ko pa nga hinihintay yung tatlong yon, bigla na lang naglaho." sabi naman ni Ate Ly.

"Baka naman hinabol na naman ng pusa si Jamie, alam nyo naman yun masyadong habulin ng pusa." Sabi ni Mich

"At syempre ng lamok!" Singit naman ni Jia at nag high-five yung dalawa.

Matapos ng ilang minutong paglalakad ay nakasalubong na namin si Jamie na kumakain ng ice cream.

Bigla namang nanlaki ang mata nito nang makita si Ate Ella, bigla nyang nabitawan ang hawak nyang ice cream

"Laaaviiiiitooooriiiiaaaa!" Sigaw naman ni Ate Ella na may hawak na pusa.

"Luh? San galing yung pusa?" Tanong naman ni Jia, oo nga naman, saan galing yung pusa?

Naghahabulan na yung dalawa

"Oh my god! I'll pay for it! Just get that thing away from me!" Tili naman ni Jamie.

"Di kayo titigil?!" Sigaw naman ni Ate Ly pero ayaw paawat noong dalawa

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon