You'll know when it's worth it.
________________pa plug po ulit new story ko, Feud With The S.C. President, JhoRese po yun, check nyo nalang po pag may time kayo.
____________________
Nakaupo lang si Bea sa gitna ng parking lot, at tulala. malakas pa rin ang buhos ng ulan pero hindi sya nun natitinag, kahit na tagos sa buto na ang lamig na dulot ng ulan na iyon ay wala syang pakialam, mas masakit pa ang nararamdaman nya ngayon kesa sa maraming sampal na natanggap nya kanina..
Ang tanga mo Bea! Bakit ba kasi hindi mo ipinaglaban?! Tama si Maddie, duwag ka!
kastigo nito sa sarili.
“Bea tumayo ka nga dyan!” narinig nyang sabi ni Jho
nakatayo na pala ito sa likod nya at may hawak na payong
“Ang tanga ko Jho”
sabi ni Bea habang umiiyak
“Hindi ka tanga! Ano ka ba naman?”
“Dapat kasi ipinaglaban ko nalang yung nararamdaman ko kay Maddie”
“Bea, pinili mo lang kung ano yung sa tingin mo ay tama nung time na yun”
pero parang walang narinig si Bea dahil nanatili lang syang nakaupo sa sahig.
kaya agad na tinawagan ni Jho si Therese para sabihing ihahatid nya si Bea sa bahay nito.
“Akin na yung susi ng sasakyan mo”
tumango lang si Bea at ibinigay ang susi ng pick up nya kay Jho
________________________________
pagkarating na pagkarating nila sa bahay nina Bea ay nagbihis ito at agad itong dumiretso sa mini bar at uminom ng alak, para syang taong kweba na noon lamang nakatikim ng alak, ngayong natignan ni Jho si Bea ng maigi ay nakita nyang namamaga ang pisngi nito
“Wag mo nang itanong kung anong nangyari sa pisngi ko dahil alam mo naman kung ano” uminom ito ng alak sabay sabing
“And whatever happened to my cheeks? Well, i deserved it”
“Sorry beh, akala ko kasi--”
“Wag kang magsorry Jho, dahil, kasalanan ko ang lahat ng to”
umupo si Jho sa tabi ng kaibigan
“Susuko ka na ba?”
tinignan nya lang si Jho
_____________________________
Nakatulog ang dalawa sa sala at naistorbo lang ang kasarapan ng tulog nila noong magring ang cellphone ni Jho
“oh?”
yun lang ang tanging nasagot ni Jho sa tumatawag dahil na rin sa inaatok pa sya at may hangover pa
“Asan si Bea?!”
nagpapanic na tanong ng nasa kabilang linya
“Bakit Ponggay?”
“Si Maddie!”
napabalikwas naman si Jho noong marinig nya ang pangalan ni Maddie
“Anong nangyari kay Maddie?!”
agad na ginising nya si Bea
“Paalis na sya papuntang Davao!”
napatingin si Jho sa relo nya, alas otso palang ng umaga
BINABASA MO ANG
Speak Now
FanfictionSometimes you just have to face your fears, and say all those words that you kept inside your chest, and the greatest thing to do is, SPEAK NOW... this story is purely fictional, no hate please... if you dont like this kind of story, please leave si...